Jeon JungKook

633 31 5
                                    

Eun's POV:

Gaano kahirap ang magkaroon ng boyfriend na Idol?

Una, hindi kayo masyadong nagkikita dahil sa busy schedule niyo sa isa't-isa. Pangalawa, bawal malaman ng mga tao na taken na siya. Pangatlo, madaming nakapaligid na fan girl sa kanya. At pang apat, lagi siyang nalilink sa kung sino-sinong Girl Idol!

Why so hirap naman this?

"Doc, ayos lang kayo?" Tanong sa akin ng Assistant Nurse ko habang nakasalumbaba ako sa mesa.

Nakatitig lang ako sa  phone ko at hinihintay ko ang tawag niya.

"Ok lang ako." Mahina kong saad sa nurse ko.

Lunchbreak na kaya naisipan kong kumain sa Canteen.

"Girls, alam niyo ba yung kumakalat na chismis na si Jungkook ay may girlfriend na Idol?"

"Oo. Nakita ko iyon sa internet. Pareho sila ng damit ng girl. Tingin ko couple shirt nila iyon."

"Hindi lang iyon, pati sapatos at relo!"

"Aegyo, ang cute! Nakakainggit."

Hindi ko mapigilan ang mapalapit sa mga nurse na pinachichismisan ang boyfriend ko. Malakas kong hinampas ang lamesa dahilan upang magulat sila.

"Hindi totoo yan. Wala silang relasyon ng Idol na iyon! At anong couple t-shirt,sapatos at relo? Hindi ba pwedeng parehas silang endorser ng brand na iyon?" Singhal ko sa mga ito.

"Dok, bakit po kayo nagagalit?" Mahina nilang saad.

"Ayoko ko lang naman kasi na pinagchi-chismisan niyo ang Boyfriend ko." Sa sinabi kong iyon ay natawa sila.

"Ah! Gets na namin Doc, isa din kayo sa mga Army fans ano? Wag kayong mag alala Doc, pareho po tayo." Saad ng isang nurse.

"Ako nga asawa ni Jimin e. Haha." Saad naman ng isa.

Mukha ba akong nagbibiro? Akala ba nila fangirl lang ako?

Wae?

Natapos ang shift ko at hindi pa din maalis sa isip ko ang narinig ko kanina sa Canteen.

"Bye Doc." Paalam ng nurse sa akin. Paglabas ko ng Office ko ay napansin ko ang mga nurses na nagkakagulo sa Information Desk.

"Naku, tapos na kasi ang shifting ni Dok Baek. Kung gusto mo irereccomend nalang kita sa ibang Doctor." Narinig ko ang boses ng nurse na parang nagpapacute dito.

"Ah. Hindi na. Salamat nalang." Pamilyar sa akin ang boses na iyon kaya lumapit na ako sa gawi nila.

"Pwedeng pa Autograph?" Naging malinaw na sa akin kung sino iyon.

"Sure." Aniya at pumirma kaagad. Nag angat ito ng tingin at sa wakas nakita niya din ako.

"Sweetheart!" Malaking ngiti niyang saad. Lahat naman ng nurse na nagkumulan dito ay napatingin sa gawi ko.

Tss..

"Sweetheart?" Nandun din pala yung mga nurse na nagchichismisan kanina sa canteen.

Agad namang lumapit sa akin si Jungkook at hinalikan ang pisngi ko. Bakas sa mukha ng mga ito sa pagkagulat sa ginawa nito.

Taas kilay akong tumingin sa mga nurse lalo na yung nasa canteen kanina.

"Tara. Dinner tayo." Aniya at inakbayan ako.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti at magmayabang sa mga nurse.

Hah! Akala nila.

Nang makalabas kami ng Hospital ay hinawi ko ang kamay niya. At tinignan siya ng nanlilisik.

"Ba-bakit ka ganayan makatingin? Hindi ako ang lumapit sa kanila ah! Sila itong unang pumansin sa akin. Hindi ko sila inentertain. Nagtanong lang ako." Paliwanag niya.

Natabuntong hininga ako.

"Aish! Bakit kasi ang gwapo mo?! Nakakainis!" Dabog kong saad dito. Nakita ko naman ang pagporma ng ngiti nya sa labi habang ako heto at naiinis.

"Wag kang ngumiti! Hindi ako natutuwa!" Iritable kong saad at nauna ng lumakad sa kanya papunta ng parking lot.

"Eun.." Bigkas niya at hinila ang kamay ko dahilan upang mapalapit ako sa kanya at sabay ng kanyang pagkulong sa akin gamit ang braso niya. Sa madaling salita, nakayakap siya sa akin.

"Bitawan mo ako." Seryoso kong saad dito. Umiling lang ito.

"Bibitawan mo ako o..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng halikan niya ako.

"Ano ba! May mga..." At hinalikan niya akong muli.

"Kapag nagsalita ka pa, hahalikan kita." Banta nito.

"Kasi naman.." Tinotoo niya nga ang sinabi nya dahil hinalikan niya akong muli.

"Yung chismis..." Another smack.

"Tungkol sayo..." And again.

"Niloloko mo ba ako? Parang gustong-gusto mo pa ang ginagawa ko ah." Aniya. Agad ko naman siyang tinulak.

"Bahala ka nga sa buhay mo
Magdinner ka mag isa!" Sigaw ko dito at nagwalk out.

"Aegyo! Sweetheart wag ka ng magalit. Joke lang naman iyon." Aniya at patakbong tumungo sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin.

"Ano ba! Ibaba mo nga ako!"

"Ayoko nga."

"Mga Kaibigan!Ako si Jeon Jungkook at Hetong babaeng ito ang pinakamamahal ko si Baek Eun!" Sigaw nito. Napatulala nalang ako sa ginawa niyang iyon.

"Jungkook..." Napakapit ako sa leeg nya at tinignan siya sa mata.

"Ikaw lang ang mahal ko kaya wag ka ng magduda huh?" Sa sinabi niya iyon feeling ko may seguridad na ako at panatag.

"Love you."

"Love you too."

I Have Seven DaddiesWhere stories live. Discover now