Kwintas

773 36 0
                                    

Mina's POV:

Sumakay kami ng taxi papuntang mall.

"Jin." Nahihiya kong tawag dito.

"Yes?" Tanong niya sa akin habang nakasakay kami sa taxi.

"Pwede ko bang kunin ang kamay ko?" Tumingi  siya sa kamay ko. Kanina pa kasi niya hawak.

Mabilis naman niyang tinanggal ang pagkakakapit dito.

Nabalot ng katahimikan ang loob ng taxi. Mabuti nalang at mabilis ang byahe.

"Wow. Ngayon lang ako nakapunta ulit dito." Aniya. Malamang. Busy siya sa pagiging Idol kaya wala na siyang time masyado para magpunta ng mall o gumala.

"Tara." Yaya niya at muli ay hinawakan niya ang kamay ko.

Yung totoo?

Bakit gustong-gusto niyang hawakan ang kamay ko?

"Bitawan mo nga ako. Kanina ka pa." Reklamo ko dito habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko pero masyadong siyang malakas para matanggal ko iyon.

Parang wala siyang narinig sa sinabi ko at patuloy ako kinaladkad papasok ng mall.

Una naming pinuntahan ang make up section.

"Yes sir,Maam? Ano pong hanap nila?" Tanong ng sales lady habang busy sa pagtingin ng make up si Jin. Napataas kilay tuloy ako sa kanya.

Wag niyang sabihin na kaya niya ako niyaya magpunta ng mall para bumili ng make up niya at nahihiya siyang bumili kaya sinama niya ako.

"ano sa tingin mo ang mas magandang moisturizer?" Tanong niya sa akin habang hawak sa magkabilang kamay ang maigkaibang moisturizer.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Hindi ko alam. Hindi naman ako naggaganyan." Masungit kong saad dito.

Ano bang malay ko doon? Hindi naman ako gumagamit nun. Ni make up nga ayoko e.

"Tingin mo Miss? Anong mas maganda sa dalawa." Tanong niya sa Sales Lady. 

"Mas magandang gamitin yung nasa kaliwa, advisable din po iyan para sa mga sensitive skin." Saad nito.

"Ok. Heto na lang." Saad niya at ibinalik sa istante ang isa. Hinila naman niya akong muli papunta sa lipstick section.

Pinagmamasdan ko lang siya habang namimili ng kulay ng lipstick.

May gunugulo tuloy sa isipan ko dahil sa kanyang kinikilos.

Una, mahilig siya sa pink, pangalawa, mas gusto niyang tinatawag siyang Princess Jin. At pangatlo, heto ako sinasamahan siya bumili ng pampaganda. Hindi ba nakakapagtaka iyon?

"Kung ano yang iniisip mo tungkol sa akin ay nagkakamali ka." Napanganga ako sa sinabi niya. Mind reader na rin pala siya ngayon.

Muli ay itinapat niya sa aking labi ang hawak niyang lipstick na animo'y tinitignan kung babagay sa labi ko.

Omo! Hindi kaya?

Napatakip ako ng labi.

"Ang greenminded mo." Aniya at kinuha nalang ang color pink na lipstick.

"Oh. Ikaw ang magbayad sa counter." Wow. Ayos ah. Kung makautos parang alalay niya ako.

"Saan na tayo ngayon?" Tanong ko dito matapos kong mabayaran ang pinamili niya.

"Mobile Phone." Aniya at hinila akong muli papunta sa bilihan ng Phone.

"Ganyan ba kayong mga Idol, bili ng bili hangga't may pera. " Iritable kong saad dito habang tumitingin siya ng phone.

"Miss, heto nalang." Tinuro niya ang color pink na Iphone6.

Tss... Adik sa pink.

Habang hinahantay namin ang binili niyang phone ay dumako muna ako sa katabi nitong jewelry store.

Hindi ako mahilig sa mga abubot sa katawan pero hindi ko maiwasan na tignan ang kwintas na may infinity symbol.

Maganda iyon at simple lang.

"Sir. Kunin niyo na po para sa girlfriend niyo. Nag iisa lang po iyan." Saad ng sales lady. Napatingin ako sa likod at nakita ko siyang nakatingin din sa kwintas na tinitingnan ko.

"Sige Miss, kukunin ko." Aniya at tumingin sa akin ng nakangiti.

Ang puso ko.

"Let's go." Aniya. Mukhang nasanay na ang kamay ko sa paghawak niya at hindi na ito pumipiglas pa.

"Heto." Nakasakay na kami ng taxi ng iabot niya sa akin ang kwintas na ibinili niya sa Jewelry store.

"Thank you gift ko iyan dahil sinamahan mo ako." May sinseridad nitong sabi.

Hindi na ako tumanggi pa at kinuha ko iyon. Binuksan ko at nagandahan talaga ako.

Kinuha niya iyon sa lalagyan at isinuot sa leeg ko.

Naramdaman ko na naman ang kabog sa dibdib ko dahil sa magkalapit ang aming mukha. Halos yakapin niya na ako sa kanyang paglagay ng kwintas sa aking leeg.

"Bagay sayo." komento niya matapos niyang makabit.

"Sa-salamat." Naiilang kong saad dito.

"Sorry." Napatingin ako sa kanya.

"Ha?" Hindi ko alam kung bakit siya nagsosorry.

"Sorry pero hindi tayo pwedeng magdate dahil..." Napatigil ito at parang iniisip kung ano ang sasabihin.

"...may anak na ako." Saad nito habang nakatingin sa cellphone na binili niya at ako naman ay nagulat sa sinabi niya.

"Sinabi ko sayo dahil ayokong madisappoint ang parents mo sa akin. Ayokong maging problema sa inyo. Isa pa,hindi pa naman sigurado kung ako ang ama." Aniya.

"Alam ba ng Mommy mo?" May pag aalalang Tanong ko dito. Umiling lamang ito.

"Pero alam mo ba, ang saya ko kapag nikikita ko siya. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Kaya naman, naisip ko na bilihan siya nito. Salamat at sinamahan mo ako." Dagdag niya.

"Pwedeng secret lang natin ito?" Tumango ako bilang sagot.

Sa totoo lang, naaawa ako sa kanya. Sa oras na mailabas ang anak niya sa media paniguradong pag uusapa siya at ang masaklap baka mawalan siya ng career dahil doon.

I Have Seven DaddiesWhere stories live. Discover now