Wine

749 29 6
                                    

[ 13 years ago ]

Jackson's POV:

"Oh? Bro! Anong ginagawa mo dito?" mukhang kakatapos lang ng practice nila ng bumisita ako sa building nila.

"May photoshoot kami na malapit dito kaya napadaan na din ako." Saad ko dito. Naging close kami simula nung nagkita kami sa awards night ng mga idols. Mabait siya at madaling pakisamahan.

"Naglunch ka na? Sabay ka na sa amin!" Yaya nito.

"Sige ba!" Pagsang ayon ko dito. Naglalakad na kami sa lobby palabas ng may mapansin akong magandang babae.

"Hello po sunbae." Bati ng ilang babae na nakasalubong namin, pati yung tinutukoy kong babae.

"Hello." Bati din nila sa mga ito.

Hanggang makalayo ito ay hindi ko maalis ang tingin ko dito.

Tingin ko na love at first sight ako sa kanya.

"Bro, kilala mo ba yung magandang babae? Yung mahaba ang buhok." Paglalarawan ko dito.

"Ah, si Han Hye ba? Trainee iyon dito at malapit na siyang magdebut." Sagot  ni Jin.

"Siya ang kauna-unahang Solo Artist ng aming agency." Ani Suga.

"Wow. Talaga? Nice." Mangha kong saad dito. Paniguradong dadami ang fans niya once na lumabas na siya sa t.v.

"Tama na ang kakatitig. Kumain na tayo." Ani Namjoon at hinila ako palabas ng Building.

Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan at nagtatawanan kami.

"Oh! Noona!" Ani Jungkook. Lumingon ako sa likod. Yung magandang babae iyon at papalapit sa amin.

"Nandito pala kayo." Magalang niyang saad.

"Noona, dito ka na sa mesa namin." Yaya naman ni V dito.

"Ok lang ba?" Nahihiya nitong saad. Sa may tapat kong pwesto ay may bakante pang upuan.

"Sure." Ani Namjoon at naupo na ito sa tapat kong upuan na katabi naman ni Namjoon.

"Noona, malapit ka ng magdebut. Congrats ah." Ani Jimin.

"Thank you. Naeexcite na nga ako. Finally!" Masaya niyang saad.

Woah. Para siyang anghel kapag nakangiti.

Hindi ko tuloy maiwasan na titigan siya.

Tumingin siya sa akin at parang naiilang sa presensya ko.

"May bago yata kayong miyembro." Biro nito.

Agad ko namang inilahad ang kamay ko.

"Jackson. Ako si Jackson ng Got7." Pakilala ko dito. Hindi naman ito nag alangan na tanggapin ang kamay ko.

"Han Hye." Saad nito. Mabilis naman niyang binawi ang kamay niya dahil siguro sa ilang nito sa akin.

"Anong gamit mong lotion? Ang lambot kasi ng kamay mo."

"Ah, wala. Natural na talagang malambot ang kamay ko." Nahihiya nitong sabi.

"Han Hye, umorder ka na." Ani Namjoon dito.

---***---

"Sunbae, mauna na ako. Salamat sa pagkain." Saad ni Han Hye bago umalis.

Ilang saglit lang ay lumabas na din kami ng restaurant.

Napansin ko na close na siya sa mga miyembro ng bangtan lalo na kay Namjoon. Siguro oppurtunity na din iyon para makilala ko pa siya ng husto.

Iba talaga ang nararamdaman ko sa kanya.

Ilang linggo ang nakalipas ng maisipan kong bumisita sa dorm nila at yayain silang magwine.

Ilang beses na akong kumakatok sa pinto ng Dorm pero walang bumubukas. Susuko na sana ako sa pagkatok hanggang sa bumukas din ito sa wakas.

Laking gulat ko kung sino ang nagbukas.

"Oh? Sunbae?!" Masigla at Nakangiti nitong saad. Napakunot noo ako. Naamoy ko ang alcohol sa kanya. Lasing na yata ito.

"Sunbae! May bisita tayo!" Sigaw nito. Agad naman akong pumasok. Napansin ko ang malaking banner na nagsasabing *congratulation Han Hye.* At ang pito na palagay ko ay mga lasing na.

"Ah! Han Hye! Picture taking tayo!"Ani Jin at nilabas niya ang kanyang Pink na polaroid camera.

"Remembrance yan. Mahirap na baka kapag sikat ka na hindi na kami makapagpapicture sayo." Ani JHope dito.

"Kayo talaga! Sige na nga! Kayo ang unang fans ko ok?" Sabay sabay naman silang sumang ayon.

"Sunbae, pwedeng kuhanan mo kami? Please?"

"S-sure." Iniabot naman niya sa akin ang Polaroid camera. Kahit lasing sila ay nagawa naman nilang magpose.

"Ready?One! Two! Three!" Bilang ko at pinindot ang click button. Agad namang lumabas ang litrato dito.

"Ayoko na. Matutulog na ako." Parang si Han Hye lang ang nakakapansin sa akin dahil sa kalasingan ng pito.

"Sunbae, bukas na ang debut ko." Masaya nitong sabi.

"Talaga? Congrats." Bati ko dito.

"OH? May wine!" Parang bata nitong saad ng makita niya ang alak na inilagay ko sa mesa.

"Sunbae! Gising kayo! Iinum pa tayo!" Sigaw niya sa pitong miyembro pero hindi na sila nakasagot dahil mga tulog na sila.

"Han Hye, magpahinga ka na din. Lasing ka na." Saad ko dito.

"Hindi pa ako lasing! Kaya ko pa." Aniya at binuksan niya ang dala kong alak at ininom iyon.

"Sunbae, halika. Saluhan mo ako." Pagyayaya niya sa akin. Hindi na ako nakatanggi ng salinan niya ang baso na nasa harap niya at iabot sa akin.

"Uubusin natin ito!" Saad niya. At uminom nga kami hanggang sa huling latak ng alak.

Naramdaman ko na ang hilo. Dumadalawa na ang paningin ko sa babaeng kaharap ko.

Nawawalan ito ng balanse sa tuwing susubukan niyang tumayo. Muntik pa itong bumagsak sa sahig, mabuti nalang at nasalo siya ng mga bisig ko.

Para talaga siyang anghel kapag ngumingiti siya. Hindi ko mapigilan na titigan ito.

"Gusto kita."  Sambit ko pero ngumiti lang ito.

Naramdaman ko ang pag iinit sa katawan ko. Dala siguro ng alak na nainom ko.

Tinitigan ko siya simula sa mata hanggang pababa ng kanyang labi.

Ang kanyang mapupulang labi ay parang inaakit ako. Wala sa sarili ko itong hinalikan. Naramdaman ko ang paghigpit ng paghawak niya sa braso ko. Sumabay din ito sa mga halik ko sa kanya. Parang sumasayaw ang mga labi namin sa isa't- isa. Kahit nahihilo ako ay nagawa ko siyang buhatin at dalhin sa malapit na kwarto. At doon ay may nangyari sa aming dalawa.

Nagising ako na masakit ang ulo at wala ng suot ng damit. Tumingin akobsa babaeng nasa gilid ko na natatakpan ang katawan ng kumot.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa ginawa ko.

Hindi pwede ito.

Mabilis akong nagsuot ng damit. Tumingin ako sa orasan. Madaling araw palang.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko na tulog pa din ang pito. Maingat akong lumabas ng Dorm.

Ano ba yung nagawa ko?

Walang dapat makaalam nito.

¤¤¤¤¤
A/N: Please. Wag po kayong magalit sa akin. 😢😢

I Have Seven DaddiesWhere stories live. Discover now