Comfort

679 33 2
                                    

Ami's POV:

"Ang kapal ng mukha." Nasa Canteen ako at kumakain mag isa at napapansin ko na tinitignan nila ako.

Wala si Miss Hong dahil may meeting na inattendan kaya heto ako walang kasamang kumain.

"Hi!" Napatingala ako at grupo na naman ni Nana iyon.

Ano na naman ba ang kailangan niya?

"Makikishare lang ah?" Aniya. Aalis na sana ako ng pigilan niya ako.

"Teka Ami. Dito ka lang." Saad ng isa at pinilit akong iupo sa upuan.

"Nana, ayoko ng gulo kaya please lang, tigilan niyo na ako." Mahinahon kong saad dito.

"Teka, wala pa naman kaming ginagawa sayo. May gusto lang naman kaming sabihin." Saad nito habang nakangiti.

"Anong feeling ng may Tatay na Idol?" Nagulat ako at nanlaki ang mata sa tanong niya.

Pa-paano niya nalaman iyon?

"Base sa reaksyon mo mukhang totoo nga ang nasa internet." Dagdag pa nito.

"Alam niyo na ba guys ang balita?" Malakas nitong saad, tama lang upang marinig ng lahat ng tao sa Canteen.

"Na si Han Ami ay anak ng BTS? Ang Ambisyosa mo naman yata? Nakatungtong ka lang sa BH Entertainment ganyan na kalaki ang ulo mo." Tumayo pa ito na animo'y nag e-speech sa madla. Tumingin ako sa paligid at lahat sila ay pinagbubulungan ako.

"Is it possible na magkaroon ka ng pitong tatay? Maliban na lang kung malandi ang nanay at nagpatira ito sa pito." Hindi ko napigilan ang luha na tumatakas sa pisngi ko kasabay ng nakakabinging tawanan ng mga tao sa paligid ko.

Napakuyom ako ng kamay sa galit.

"Walanghiya ka!" Sigaw ko dito at inambahan siya. Napaibabaw ko siya at sa sobrang galit ay sinabunuta ko siya.

"hindi malandi ang nanay ko! Bawiin mo ang sinabi mo!" Gigil kong saad dito habang hawak ko naman ang leeg niya.

"Ano ba! Pi-pigilan niyo siya!" Nagawa pa nitong magsalita habang sinasakal ko siya. Naramdaman ko naman na may humawak sa magkabilang braso ko at nagtagumpay silang pigilan ako sa ginagawa ko sa babae.

"Bitawan niyo ako!" Pumipiglas kong saad sa kanila at nakatanggap naman ako ng sampal mula sa kanya.

"Tama na yan!" Sigaw ng guro na nakakita sa amin.

"Sa Office! Now!" Saad nito.

Sa pangalawang pagkakataon ay napa office na naman ako.

---***---

"Paano ko ito tatakpan." May sugat ako sa ibabang bahagi ng labi ko dahil sa malakas na pagsampal sa akin ni Nana.

Pambihira naman ang kamay nun, bakal yata para magkasugat ako ng ganito. Ilang sandali lang ay dumating na ang sundo ko pero hindi si Mr. Suga iyon kundi ang Manager nila.

Hindi na ako nagtanong pa kung bakit siya ang sumundo sa akin.

"Sa likod tayo dadaan. Suotin mo ito." Saad ni Mr. Manager.

"Bakit po?"

"Pwedeng wag ka ng matanong at gawin mo nalang?" Iritable niyang saad.

Isinuot ko naman iyon gaya ng sabi niya at dumaan sa likod.

"Kalanan mo ito e." Narinig kong bulong niya pero kunwari ay wala akong narinig.

Gaya ng lagi kong ginagawa ay dumiretso na ako sa kwarto kung saan lahat ng trainee ay naroon. Pagbukas ko palang ng pinto ay nasa akin na kaagad ang attensyon ng lahat.

karamihan sa kanila ay masama ang tingin sa akin.

"Kaya pala nakapasok bilang trainee, may backer pala." Rinig kong sabi ng katabi ko.

"Hindi lang basta-basta bucker, tatay pa."

"Oo nga. Tapos VIP pa. Pwedeng hindi umattend ng trainee. Aattend lang kapag gusto."

"Unfair."

Napabuntong hininga na lamang ako at hindi pinansin ang kanilang mga sinasabi.

---***---

Jon's POV:

"Unnie, alam mo na ba ang balita?" Tanong sa akin ni Momo habang nagpapahinga kami mula sa aming practice.

"Si Ami, anak pala sya ng Bangtan Boys." Saad naman ni Saeri sa akin.

Nabalitaan ko nga iyon kanina at ang unang pumasok sa isip ko ay si Ami.

Paniguradong madaming nagagalit sa kanya ngayon.

"Ok lang ba sayo na may Anak si JHope?" Tanong sa akin ni Momo.

Imbis na sagutin iyon ay lumabas ako ng kwarto.

Matatanggap ko nga ba kung yung taong mahal ko ay may anak na?

Tumungo ako s vendo machine upang bumili ng kape nang makita ko si Ami na nakaupo sa sahig at nakayakap sa kanyang mga tuhod. Narinig ko din ang mahinang paghikbi nito.

Pumantay ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Agad namang nag angat ito ng paningin at malinaw nga sa aking paningin na umiyak ito dahil sa luha na patuloy na dumadaloy sa kanyang pisngi at ang namumugto nitong mata.

"Kayo din po ba ay galit sa akin?" Tanong niya sa akin. Mukhang naapektuhan na siya ng mga matang mapanghusga sa aming industriya.

"Ami..." Niyakap ko ito at siniguradong hindi ako tulad ng iniisip niya.

"Ami. Hindi ako galit." Mahina kong bulong dito. Lumakas lalo ang iyak niya sa pagkakayakap ko.

"Miss Jon, lahat ng tao ayaw sa akin. Lahat sila naiinis sa akin. Ano pong gagawin ko? Paano po ang mga tatay ko? Ano nalang po ang iisipin ng mga tao sa kanila? Miss Jon, ayokong masira ang mga tatay ko. Ayoko silang  mapahamak!" Aniya. Hindi ko alam kung paano siya pakakalmahin. Sa simpleng paghagod ko sa kanyang likod ay sana makatulong iyon.

I Have Seven DaddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon