Wish

745 37 5
                                    

Kira's POV:

He's so strange lately..

Tama bang sabihin niyang mahal niya ako out of the blue?

Tss..

Kung ako siguro ay isang fan girl baka   nahimatay na ako sa kilig kaso hindi e.

Don't me V.

Nah.

"Kira!" Napalingon akobsa tumawag sa akin.

"Oh? Kai. Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong saad sa kanya.

"Sinusundo ka." Aniya sabay akbay sa akin.

"Wow. Ang bait naman ng kapatid ko at sinundo pa ako dito." Ginulo ko nga ang buhok niya dahil sa tuwa ko.

"Halika na. May naghihintay na sayo sa bahay." Napangiti akong lalo sa sinabi niya.

Sumakay na ako sa dala  niyang sasakyan at umuwi na kami.

"Wow. Alam mo bang kinaiinggitan ng mga babaeng fans nila ang trabaho mo? Pati girlfriend ko naiinggit sa work mo." Saad niya habang nagda-drive siya pauwi.

"Ha? Anong nakakainggit sa trabaho ko? E nakaka stress nga." Hindi madali ang mag asikaso ng Idol. Akala siguro nila basta-basta lang ang ginagawa namin.

Palibhasa ang gusto lang nila ay makita yung katawan ng idol nila o kaya mahawakan iyong abs or ano mang parte ng katawan ng  bias nila. Hindi nila nakikita yung side namin bilang taga ayos ng itsura nila.

"Nandito na tayo. Naku, lagot ka kay Honey mo. Kanina pa iyon naghihintay sa loob." Napakamot ulo na lang ako. Inabot na kasi kami ng dilim sa shooting.

"Sige na. Mauna ka na sa loob. Magpapark pa ako." Lumabas na ako at dumeretso sa loob ng bahay. May bitbit din akong cake bilang pasalubong sa Honey ko.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Pabukas palang ako ng ilaw ng bigla may  bumukas nito.

"You're late." Salubong niya sa akin. Nakasalubong ang kily nito at nakasimangot.

"Ahehe.. Sorry Honey.. Tinapos lang  ni Mommy ang work." Saad ko sa batang nasa harap ko at parang matanda kung magsalita.

Niyakap ko ito. Agad naman siyang sumampa sa akin.

"Aigo! Ang bigat na ng baby ko." Saad ko dito at tinadtaran ng halik.

"Stop na po Mommy." Aniya. Itinigil ko din iyon at ibinaba siya.

"Happy Birthday Honey!" Saktong alas dose na at birthday niya. Iniabot ko ang cake na kanina ay binili namin.

"Wow! Thank you Mommy!" Agad niya itong binuksan at binakbakan ng kain. Pumasok na din si Kai mula sa pagkakapark ng kanyang sasakyan.

"Anong ingay ito ha?" Lumabas na din ng kwarto si Mama at Papa nang marinig ang ingay namin sa sala.

"Wow... birthday na ng apo namin." Saad ni Papa.

"Aigo.. dapat mamayang umaga ko na ibibigay yung regalo ko kaso mukhang excited na ang isa diyan kaya ibibigay ko na." Saad ni Mama at iniabot na niya ang regalo niya sa kanyang apo.

"wow! Lola, thank you po. I love you." Niyakap naman niya ang lola niya ng matanggap niya ang regalo.

"Ako din. May gift para sayo."  Iniabot din ni Papa amg regalo niya para kay Honey.

"Si Tito ay meron din." Saad naman ni Kai at ibinigay din ang regalo nito.

"Ikaw Mommy? Anong gift mo sa akin?" Tanong niya.

"Hetong cake. Yan ang gift ko." Nakita ko ang pagngiwi ng labi niya.

"Mommy. Magkaiba dapat yung cake sa gift." Natawa lang kami sa sinabi niya. Napaka talinong bata.

Lumuhod ako at pumantay sa kanya.

"Sige. Ano bang gusto mong gift ko para sayo?" Tanong ko dito.

"kapag ba sinabi ko ibibigay mo?" Parang naninigurado pa siya sa tanonv niya.

"promise. Kahit ano ibibigay ko para sa aking little princess. Ano ba ang gusto mo?" Saad ko sa kanya at pinisil ang kanyang pisngi.

"Gusto ko na pong magkaroon ng Daddy!" Saad niya.

"Ha?" Gulat kong sabi dito.

Da-daddy?

Ibang klase din ang wish niya.


I Have Seven DaddiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora