Redtide

8.1K 267 3
                                    

Josh Pov

"Aga aga ang ingay!." Sigaw nung ni Zarnia.

"Oo nga eh. Ang ingay ko kasi." Pang aasar ko kaya nag tawanan pati sila.

"Para kang bakla." Napa tingin ako sakanya ng bigla nyang sinabi yun.

Lumapit ako sakanya habang naka titig sakanya.

"Alam mo, kung gusto mong mahalikan sabihin mo lang hindi yung gumagawa ka ng paraan para mahalikan kita." Sabi ko ng pagka lapit ko sakanya.

Agad naman syang nag blush kaya muntik na akong matawa.

"A-alam mo, m-may sasabihin a-ako sayo." Hindi ko na napigilang mautal  dahil sa pag pipigil ng tawa haha.

"Ma-ma.... MAY PANIS NA LAWAY KA PA!." At kasabay noon ay ang malulutong na tawa mula sa lahat.

Lalo syang namula at tumakbo pataas ng kwarto nya.

"Lakas rin ng trip mo e no?" Sabi sakin ni Francis at Jc pero tawa nalang ang isinagot ko.

"Anong ingay yon?" Tanung ni Flare na pababa ng hagdan.

"Wala boss!" Sabi namin na may pag solute pa.

Well kaibigan na namin ang grupo ni Xyrel nag kasundo na kami para daw kala Boss kaya ayun si Zarnia lang talaga ang kakaiba abnormal kasi yun ee, hahaha.

"Asan si Styve?" Tanung ni Flare habang nag kukusot ng mata.

"I'm here!." Sigaw ni Skyve mula sa Kusina.

Agad namang pumunta si Flare sa kusina at ilang minuto lang lumabas sila ng naka yakap si Flare kay Skyve habang natawa.

"You sleepy?" Tanung ni Skyve kay Flare pag upo nila.

"Mm, yeah!." Sabi ni Flare.

"Then sleep." Sabi naman ni Skyve.

"No way!." Sabi ni Flare sabay siksik sa leeg ni Skyve.

Natawa nalang si Skyve sa inasto ni Flare at kami? Ayon tulala.

"Sila ba?" Tanung ni Xyrel.

"Hindi ah." Sagot ko naman.

"E bat ganyan sila?" Tanung naman ni Jc.

"Anong date ba ngayon?" Tanung ko.

"10," simpleng sagot ni Carlo.

"Kaya pala, Redtide sya ngayon." Sabi ko.

"Redtide?" Tanong ni Jc.

"Oo Redtide." Sabi ko ulit.

"Ediba dapat masungit e bakit parang baliktad ata?." Tanung ni Ace.

"Baliktad sya e. Haha!" Natawa nalang sila sa sinabi ko at nag kibit balikat.

"Kaya pag nag lambing yan, wag na kayong mag taka ha." Paalala ni Jake.

"Tara." Yaya sakin ni Skyve ng makawala sya kay Flare.

"Sige." Sabi ko sabay tayo.

"San kayo pupunta?" Tanung ni Carl.

"Dyan lang, bibili ng Whisper, Hahaha." Lalabas na sana kami ng biglang tumayo si Flare tsaka may inabot sakin.

"Please?" Sabi nya sabay puppy eye.

Binasa ko yung nasa papel.

"Chips, Ice creams, Fries, Burger, Lollipop, Apple, Shake, New dress, New shoes, New bag, and New head phone." Natawa naman agad si Styve pag tapos kong mag basa.

Ms Gangster Meets Mr MafiaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora