Special Chapter 1

6.7K 150 19
                                    

Nagising kami ng madaling araw ng may mag doorbell ng pa ulit ulit sa Gate.

"Xyrel tignan mo nga kung sino yung istorbo." Inaantok na utos ko sa katabi ko.

"Hayaan mo na yun Mahal, mapapagod din yan." Inaantok na sabi nya sabay yakap sakin.

"Magigising yung kambal pag nag patuloy yan, tumayo kana." Sabi ko.

Kinusot naman nya yung mata nya at unti unting tumayo.

"Bilisan mo ha, iintayin kita." Sabi ko habang naka upo sa kama.

Lumipas ang ilang minuto wala pa si Xyrel kaya naisipan kong bumaba. Nag lalakad ako sa hagdan ng nakapikit at nag hihikab.

Mag sasalita sana ako ng idinilat ko ang mata ko. Nakita kong may nakayakap sa asawa ko at nag kukunyari itong umiiyak.

"Nakaka istorbo ba ako sa yakapan nyong dalawa?" Nakataas ang kilay habang sinasabi ko yon

"Mahal." Kinakabahang sabi ni Xyrel sabay bitaw sa babae.

"Sige lang pag patuloy nyo." Sabi ko sabay akyat sa kwarto.

Naiinis ako, gusto kong manuntok.

Humiga ako sa kwarto pero kahit anong pikit ko di ako maka tulog.

"Hindi nya talaga ako sinundan." Mahinang bulong ko.

Nagising ako ng maaga ng maramdaman kong may malikot sa tiyan ko.

"Mama! Mama!" Kinusot ko ang mata ko at pinunasan ang pisnge ko ng may nahulog na kung anong malapot dito.

Kasabay ng pag talbog ko sa kama.

Nakita kong naka higa sa dibdib ko si Charles. 1 month palang sya habang yung kambal ay tumatalon sa kama.

Tumayo ako at binuhat sila pababa, nasa hagdan palang may naaamoy na akong abodo na nag luluto.

"Baka si Xyrel."

Pumunta agad ako kasama ang kambal habang buhat si Charles sa kusina.

But you know what I saw?

"Ba't nandito pa yan at sinong nag sabi na pwedeng mangielam yan dito?" Nagulat nalang ako ng lumabas yan sa bibig ko.

Napa lingon naman silang dalawa sakin at halata ang gulat sa muka.
Lumapit sakin si Xyrel pero nag madali akong pumunta sa sala at inilagay si Charles sa play mat.

"Mahal, let me explain." Sabi ni Xyrel.

"Kaya ba hindi mo ko sinundan sa taas kagabi kasi tumabi ka sakanya? Mayroon bang nangyare sainyo? Ano masarap ba?!" Hindi ko na napigilang hindi sumigaw habang tinutulak sya

"Letche naman Xyrel! May mga anak na tayo tapos tsaka ka nag ganyan? Sa bahay pa natin." Nasasaktan ako, sobrang sakit.

Naramdaman ko nalang may umagos na mainit na luha sa mga mata ko.

"Wife please don't cry." Tinitigan ko ang mata nya.

Nahihirapan sya pero nasasaktan ako.

Dumiretsyo ako sa taas at naligo. Tutuloy muna ako kala Skyve.
Kinuha ko ang mga anak ko at sinakay sa kotse.

"Mag paka saya kayo dyan." Sabi ko sakanilang dalawa at nag tangka ng umalis ng may naka limutan ako.

Humarap ako sa babae na bakas ang saya sa mukha. Isang malakas na suntok ang binigay ko sakanya na nag pamaga sa muka nya oo suntok, hindi sampal kundi suntok.

"That's for making me cry." Sabi ko sabay diretsyong sakay sa kotse.

I hate this! I hate this feeling. Bat feeling ko maaagaw sya sakin?.

Ms Gangster Meets Mr MafiaWhere stories live. Discover now