It's over

6.4K 151 4
                                    

It's been a month, without her by my side. Hindi namin alam kung saan sya hahanapin. Malinis at walang bakas ng mga ibidensya ang mga kilos na ginawa ng kalaban.

Hindi namin alam pero napunta kami sa kwarto ni Jake. Tinignan namin ang mga gamit nya. Napako ang tingin ko sa Laptop nya.

Binuksan ko iyon at tinignan ang laman nun pero nagulat ako ng pag bukas ng laptop ay isang mapa ang makikita.

Napatayo ako ng ma realize kung ano ang ibig sabihin nun.

"Humanda kayo at lulusob tayo!." Sigaw ko na ikinagulat nila

"Pero paano?" Tanung ni Skyve.

"Nasa Laptop ni Jake ang mapa." Sabi ko at pumasok sa kwarto ko. Maingay, maingay ngayon.

Nag kakagulo sila at hindi alam kung maniniwala. Pero nakita ko si Skyve na naka handa na at nagkakasa ng baril.

Makalipas ang isang buwan, madaming nag bago, kasabay ng pag libing kay Jake ay ang pag babago ng ugali nila.

Nang handa na ang lahat ay agad naming nakumpirma na sa isang abandunandong lugar nila dinala si Flare.

"Malapit na Flare, malapit na ulit tayong mag kita, tiwala lang." Parang baliw kong sabi sa sarili ko.

Mas lalo ko pang binilisan ang pag papatakbo at hindi nag tagal ay naka rating din kami.

Bumungad sakin pag labas ko ng pintuan ang isang gusali na may mataas na pader.

Pumasok akong mag isa at pinag hintay sila sa labas. Binalaan ko sila na hanggat wala silang naririnig na putukan ay wag na wag silang papasok sa loob.

Nag tago ako ng may makita akong nakabantay sa pinaka main door. Mabilis kong hinila iyon at tsaka binugbog at tinangalan ng damit pati pan loob tsaka itinali para di sya makapag lakad agad.

Pinasok ko ang isang kwarto at nakita kong may mga tao dito.

"Sh*t." Umiwas ako sa mga bala ng baril at binaril silang lahat. Isa isa sa mga noo nila.

Sunod sunod naman na putok ang narinig ko sa likuran ko. Pumasok na sila.

Habang abala sila sa pakikipag laban hinanap kona kung saan nila nilagay sa Flare.

Narinig ko ang isang sigaw sa loon ng isang kwarto kaya dali dali akong pumasok dito. Kilala ko ang may ari ng boses na iyon.

Sinipa ko ang pintuan at nasira ito. Naabutan kong hawak hawak sa buhok ni Gurvera si Flare at naka tutok ang baril nito dito.

"X-Xyrel." Hinang hina na tawag ni Flare sa pangalan ko.

Galit na galit akong tumingin kay Gurvera at itinutok ang baril sakanya.

"Shoot me, shoot me and I'll shoot this girl." Pag babanta nya.

"Kaya mo ba? Kaya mong saktan ang sarili mong anak?" Tanung ko rito.

Natigilan sya pero naka tutok parin ang baril kay Flare. Tinignan nya si Flare kaya naka kuha ito ng chance na kamawala rito.

Sinuntok nya si Gurvera at tsaka tumakbo papunta sakin. Niyakap ko si Flare at itinuyok ko kay Gurvera ang baril ko.

"Tingin mo, kaya mo akong patayin?" Sabi nito sabay hila sa babaeng naka higa sa kama.

"M-mom!" Sigaw ni Flare.

Napatingin ako ng itutuk ni Gurvera ang baril sa babae at iputok ito.

Umalingaw ngaw ang malakas na tunog kasabay ng sigaw ni Flare.

Ms Gangster Meets Mr MafiaWhere stories live. Discover now