Rank 10

8.1K 294 7
                                    

"Everyone should wear a pormal attire." Sabi ni Xyrel kaya tumango kami.

Pupunta kami sa office nila ngayon dahil ipapakilala nila kami sa ibang myembro ng mafia group.

May mga ranking daw kasi yun, at kada isang group ay may namumunong isa o dalawang kasali sa rank.

Rank 1 syempre si Xyrel.
Rank 2 Desiree balbeo
Rank 3 Pernandez Brother (Delayba)
Rank 4 Henrick Geli
Rank 5 Nero Markilet
Rank 6 Edson Eronso
Rank 7 Val Chorp
Rank 8 Melisa Felid
Rank 9 Ace Corpuz
Rank 10 Edward Gonsa

Wag nyo na akong tanungin kung bakit kasama sila Carl at Carlo sa Ranking dahil kahit ako hindi ko alam. Kahit pala loko loko yun malakas din yun.

Si Ace naman Alam kong malakas talaga sya, ewan ko tinatamad lang ata yun.

Pumunta kami sa dapat naming puntahan, and guess what? Kasabay ko lang naman sya sa may sasakyan.
Sabi nila kailangan din naming mag usap at kailangan palagi akong naka tabi ni Xyrel dahil panigurado daw na ako ang ta-targetin nila dahil bago ako.

Matagal tagal din ang byahe dahil malayo daw ang pupuntahan namin sa bahay na tini tirhan namin.

Tinignan ko si Xyrel na busy sa pag mamaneho.

"Xyrel, pwedeng mag patugtog?" Tanung ko.

Tumingin lang sya sakin saglit tsaka tumango.

Binuksan ko ang radio.

Saktong pag bukas ko chorus na ng kanta.

TADHANA

Sinabayan ko ang kanta habang nag da drive sya.

Napapatingin siya sakin sabay ngi ngiti.

Sumunod na kanta ay ang Grow old with you

Tahimik lang at ang tanging radio lang ang maingay. Patapos na ang kanta pero bigla syang sumabay.

"All I wanna do, is grow old with you. I wanna grow old with you." Sinabayan nya ang huling linya.

Napa tingin ako sakanya at nahuli kong naka tingin din sya sakin.
Gusto kong tanungin kung bakit pero nahihiya ako. Nang mapansin nyang parang naguguluhan ako bigla nyang ginulo ang bukhok ko sabay tawa.

Hinataw ko nalang sya sa may braso nya at inirapan.

"Kaayos ko palang ng buhok ko eh!" Inis na sabi ko pero tumawa lang sya ulit.

Wait? Tumawa?

"Tumawa ka!? Ayks tumawa ka nakita ko yun!" Sabi ko na parang nag wagi sa laban.

"Ngayun mo lang nalaman? Kanina pa ako tumatawa eh." Sabi nya na ikina pout ko.

"Malayo pa tayo, baka dun na tayo ang dinner, kaya matulog ka muna." Sabi nya kaya tumango ako.

Kinalikot nya ang radio at may biglang tumugtog. Puro love song na nakaka antok.

Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana at ipinikit ang mata ko.

"Sleep well Color."

Yun ang huling narinig ko at naramdaman nalang na may humalik sa may noo ko.

Then everythings came black.

---------
"Flare wake up, nandito na tayo."

"Ano ba, inaantuk pa ako." Sabi ko sabay hawi sa kamay na umaalog sakin.

"Flare nandito na tayo, nasa loob nadin ang mga kasama sa rank." Dun ako napa dilat. Kasama ko pala si Xyrel.

"So tara na?" Tanung nya habang naka ngiti.

Ms Gangster Meets Mr MafiaWhere stories live. Discover now