This Can't Be

6K 145 2
                                    

Ngayon? Nag lalakad ako papunta sa taong mahal ko, di ko alam na handa ang lahat, na planado ang lahat.

Yung pag sigaw at pang gagalit nya sakin, yung pag papaalis nya sa mga kaibigan namin para makapag ayos. Planado pala lahat ng yon.

Masaya ako na nag lalakad ako papunda sa taong mahal ko, sawakas sawakas ikakasal ako sakanya.

Sinalubong ako nila Kuya Francis na lahat sila ay naka tuxedo.

"Ikakasal na ang Reyna namin, at magiging Reyna kana rin nya." Sabi ni kuya Francis

Ngumiti ako at niyakap sila.

"May sasabihin ako sayo mamaya." Bulong ni kuya Francis.
Tumingin ako sakanya at tumango.

Tumingin ako kay Jake nahiya akong tignan sya ng makita ko ang lungkot sa mga mata nya pero nagulat ako ng yakapin nya ako.

"Mahal kita Flare, pinapakawalan na kita." Bulong nya sabay halik sa noo ko.

"Alagaan mo sya." Yun lang ang tanging narinig kong muli bago bumalik sa katinuan.

Nag simula ang seremonya.

"Do you Xyrel Montegomery will take This Lady as your Wife?"

"Me Xyrel Montegomery will take Flare Levi Mariano as my wife in sickness and health, for poorest or richest till dead do as apart."

"Do you Flare Levi Mariano will take Xyrel Montegomery as your Husband?"

"Me Flare Levi Mariano will take Xyrel Montegomery as my Husband in sickness and in health for poorest or richest till dead do as apart."


"You may now kiss the-"

"STOP THIS B*LLSH*T!

Napatingin ako sa pareng naka higa sa sahig habang hawak ang tagiliran nya sunod sunod na tili naman ang narinig ko sa buong simbahan, sila Skyve ay may hawak rin na baril.

Hinila ako ni Xyrel at binigay kay Jake.

"I trust you. Alam kong di mo pababayaan si Flare."

"Ilayo mo sya rito." Yun lang ang tanging narinig ko at nag mamadaling umalis si Xyrel.

Sunod sunod na putukan ang tanging naririnig ko.

"Anung nangyayare?" Naguguluhang tanong ko habang si Jake ay hawak hawak ang kamay ko at hawak sa kabila ang baril na ginagamit nya.

Nagulat ako ng may biglang humila sakin.

"Binatawan mo ako!" Pilit kong kumakawala pero masyado silang malakas nakita ko si Jake na napa tumba ng dalawang lalake kaya't pinilit kong kumawala.

"Jake!" Sigaw ko ng nakitang duguan ang bandang tagiliran nito.

Hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakad ng loob at napa tumba ko ang may hawak sakin.

Lumapit ako kay Jake at kinalaban ang dalawang bumaril sakanya.
Lumapit ako kay Jake pero pag tingin ko sakanya ay naka tayo na sya.

Ms Gangster Meets Mr MafiaWhere stories live. Discover now