I Got Caught

32.3K 569 200
                                    

One-shot or short series, your choice. 



I Got Caught

story by Rain Geremillo




"Kailan mo ba ako mapapansin?"

Yan ang laging bukang bibig ko sa tuwing makikita ko sya. Tulad ngayon, nasa harap ko sya pero di man lang nya napapansin ang presensya ko. Busy sya sa pakikipag asaran sa kaibigan nya samantalang nakatitig na ko sa kanya. No effect kung baga. Para lang akong hangin sa kanya, nag e-exist pero hindi nakikita.


"Ulul! Ang baboy nyo. Di ako ganon ah! Wag nyo nga akong itulad sa inyo!" Natatawang sabi nya sa mga kaibigan nya. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila, yun lang ang narinig ko kasi medyo napalakas yung salita nya.

Ang gwapo nya talaga. Ang ganda ng ngiti nya samahan mo pa ng mapuputi nyang ngipin. 

Patuloy lang sila sa pag uusap at pagtawa sa harap ko,may iba pang nagdatingan at nakihalobilo sa kanila. Hindi ko na sya masyadong matingnan dahil baka may ibang makakita sakin na kasama nya. Pero hindi ko matagalan na hindi makita ang gwapo nyang mukha, kaya kahit pasulyap sulyap ay pinatos ko na. Nasa university ako, vacant hour ko kaya nagpunta ako dito sa may soccer field. Wala akong kasama, hindi dahil loner o wala akong kaibigan kundi gusto ko lang talaga mag isa at gawin ang gusto ko. Ang makita sya.


Pareho kami ng vacant hour at alam ko na dito sya nagpapalipas ng oras kasama ng mga kaibigan nya, madalas nagja-jamming sila, naglalaro,nagkukulitan at kung ano ano pa. Ako? Wala. Nagpapanggap na nagbabasa ng libro, pero ang totoo props lang ang silbi ng libro na dala ko.

Mukang busy naman sila kaya kinuha ko yung phone ko para kuhanan sya ng litrato. Nung una, umarte ako na para bang may nagtext at nag reply pero kunwari ay wala akong signal, kaya nililibot libot ko yung phone ko. Nang magawi na sa direksyon nya, zinoom ko para sakto sa gwapo nyang muka. Then, CLICK! CLICK! CLICK!

3 sunod sunod na kuha yung ginawa ko. Hindi ito ang unang beses na kuhanan ko sya ng stolen shots, sa katunayan mayroon akong secret album sa phone ko na puro sya ang laman. Nakakaadik kasi sya, lagi kong tinitingnan yung mga picture nya.

Ang creepy ko ba? Stalker much? 

Tuwing tuesday at thursday, ganito ang routine ko, uupo sa ilalim ng puno, kukuha ng libro, magpapasak ng earphone sa tenga at higit sa lahat panoorin ang pinakapaborito kong palabas. Ang lahat ng kilos ni Jed.


Ang creepy ko ba? Stalker much? 


Sino si Jed? Sya lang naman ang lalaking mahal ko. Simula first year high school ay kilala ko na sya dahil pareho kami ng pinapasukan. Unang kita ko pa lang sa kanya, crush ko na sya at di nagtagal narealize ko na LOVE na pala ang nararamdaman ko para sa kanya. Isipin nyo na lang, sa loob ng higit limang taon ay kinukuhanan ko na sya ng picture, puro stolen nga lang. Hindi na sya lumipat ng school after graduation sa high school, may college din kasi sa pinapasukan namin. Sinabi ko naman sa parents ko na hindi na ko kukuha pa ng entrance exam sa ibang univertsity. Kaya hanggang ngayon schoolmate ko pa rin sya.


Isang beses pumunta ako sa soccer field para hintayin yung kaibigan ko, at doon nakita ko sya. Kaya palagi na akong nagbabakasakali na makikita ko ulit sya, luckily wala pang araw na nagpunta ako ng soccer filed ng di ko sya nakikita. Siguro routine na din niya ang magpunta dito. Minsan mag isa sya,minsan naman kasama mga kaibigan nya. Dalawang oras kami dito lagi, at lagi sya ang unang umaalis.

I Got Caught [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora