CHAPTER 4- Last Full Show

696 17 0
                                    

SUMMER~

Nung nagbibihis na ako para manood ng pelikula mamaya, biglang nagtext si Gabe na sasama daw siya manonood kasama yung pamilya ko. Teka lang, hindi naman niya alam kung anong oras kami manonood di ba? Tapos, bakit gusto niyang makisabay sa pamilya ko? Oh well, publicity para na rin kiligin yung mga audience na sabay kaming manonood. Well, sige na nga. So, I texted him na sa last full show kami manonood and don nalang siya sa mall maghintay sa amin

When I checked my twitter, ang dami nang mga reactions tungkol sa pelikula namin. Grabe! Hindi ako makapaniwala! Nagustuhan nila yung pelikula namin! Lahat positive yung mga sinasabi nila. Ang dami pang kinikilig! I was smiling the whole time I was reading their reviews about our movie nung biglang pumasok si kuya sa loob ng kwarto ko

"Aba, nakangiti ka dyan ha. Si Gabe ba yan katext mo?" tanong niya

I didn't mind to look at him. I was reading their comments one by one. May picture pa kung saan may mahaba na linya para manood ng movie namin sa tatlong sinehan. May nakita pa akong sold out na yung tickets namin! Grabe!

"Wow! Congrats sayo, J" sabi ni kuya

Tumingin ako sa kanya "Kuya, can you pinch me? Palagay ko kasi nanaginip lang ako"

"Hindi ka nanaginip! Totoo yan!" sabay ngiti ni kuya

"Kuya! Hindi pa rin ako makapaniwala! Hindi ko akalain na manonood sila ng pelikula namin kasi akala ng mga tao suplada ako, maarte kaya akala nila puro nalang kaartehan ang nalalaman ko"

"Well, they are looking you in a brighter side. Yung mga taong close sayo, alam nila kung sino ka talaga. Baliwalain mo nalang yung mga bashers. Ang importante, wala kang sinasaktan at tinatapakan ng ibang tao" sabay ngiti ni kuya

Kahit kailan, si kuya talaga ang the best magbigay ng advice. Sa kanya kasi ako nagpapatulong every time may problema ako. Matalino kasi siya kaya siguro ganyan siya kagaling magbigay ng advice

"Magayos ka na. Aalis na tayo" sabi ni kuya

"Sige. Malapit na akong matapos"

Pagdating ko sa mall, ang daming tao nakasalubong sa amin. Habang naglalakad kami patungo sa cinema hall, may lalakeng nakabungo sa akin. Mabuti nalang at wala siyang dalang kape or anything na makakasira sa suot ko ngayon. Yung typical na makakita mo sa movies kung saan matatapunan ka ng kape or tubig o kahit ano. Napahinto ako at napahinto rin yung lalake. Mataas siya, nakasuot nang black cap, naka denim jacket na may white shirt sa loob at denim pants, stan smith na kulay puti. Tumingin siya sa akin at napatulala. I was waiting for him to say sorry since siya naman yung nakayuko habang naglalakad. Hindi pa rin siya nakapagsalita at nakatulala pa rin

"Excuse me?" sabi ko

Wala pa rin, nakatulala pa rin siya kaya I was attempting na tusukin yung index finger ko sa mata niya

"Ah, eh..."

Sa wakas, nagsalita na rin siya "Excuse me"

Halatang nalilito siya "Ha?"

"Umm... you're blocking my way" sabay ngiti ko sa kanya

Tumingin siya sa likod niya at tumingin sa baba. Oo, nakatapak siya sa red carpet ngayon. Napatingin siya ulit sa akin at ngumiti "Hehehe, sorry" at tumabi siya kaagad

Ngumiti ako sa kanya "Thank you"

Pinatuloy ko yung  paglalakad ko at tumingin sa mga fans. Sabay ngiti at wave. Nakita kong naghihintay si Gabe at sinalubong niya ako "Ang tagal mo naman"

"May nakabungo sa akin don" sabi ko

"Oo, nakita ko yon. Sino ba yon?"

"Hindi ko alam. Pumasok na tayo baka magsisimula na yung pelikula"

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Where stories live. Discover now