CHAPTER 43- Barcelona

594 24 17
                                    


SUMMER~

Pagpasok ko sa resort, bigla nalang akong napahinto sa paglalakad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Ibang iba talaga kapag kaharap mo silang nakikitang magkasama

"Summer, halika na. Papasok na yon sila baka maabutan pa nila tayo dito" sabi ni Bonita sa akin

Napatingin ako kay Bonita "Pwede ba tayong magusap?"

"Sa rooftop, dun nalang tayo magusap para walang makakarinig sa atin"

Pagdating namin sa rooftop, hindi ko maiwasan ang hindi mapaiyak. Napaiyak ako dahil hindi ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko. Gusto ko sana manood ng She's Dating the Gangster kahapon. Yayain ko na sana si Rocky bago matapos yung shift niya pero naunahan ako ni Ailyn

Nakita kong nagusap sila ni Rocky sa mini bar at may dala siyang styrofoam at tubig. Sinabihan din ako ni Bonita na manonood sila pero nagsinungaling ako na may gagawin pa ako. Nakita ko silang magkatabi habang nanonood ng movie. Ako sana yung katabi niya kung niyaya ko siya ng maaga

"Summer, bakit ka umiiyak?" tanong ni Bonita sa akin habang hawak yung dalawa kong braso

"Bonita, hindi ko na alam kung ano yung nararamdaman ko para kay Rocky. Umiwas ako sa kanya at nagtransfer ako sa office ni papa kasi hindi ko kayang tignan silang dalawa ni Ailyn. Tsaka gusto ko rin malaman kung ano ba talaga yung nararamdaman ko para sa kanya. I want to figure it out on my own but I didn't realize that I also need someone else's opinion" walang tigil ang pagiiyak ko

"Kasi sabi nila, dyan mo malalaman kung gaano ka importante ang isang tao sayo kapag malayo ka sa kanya, kaya ginawa ko yon. Kagabi, nakita ko rin silang dalawa naguusap at hinatid ni Rocky si Ailyn sa kanilang bahay tapos ngayon, sinundo niya si Ailyn sa kanila" tumingin ako kay Bonita "Bonita, ano ba sa tingin mo ang nararamdaman ko para kay Rocky? I have answers but I need your opinion about this kasi baka ma-misunderstood ko lang yung mga sagot ko"

"Ano ba ang sa tingin mo?"

"Labo mo naman, tinatanong nga kita"

Huminga ng malalim si Bonita "Okay, sa tingin ko...gusto mo na si Rocky"

Eto pala ang feeling na magkagusto sa isang lalake na sobrang gusto mo talaga. Hindi ko kasi ito naramdaman when we're starting to like each other ni Gabe. Iba kasi ito si Rocky and I don't know why "Thank you" at niyakap ko si Bonita

Bumitaw kaming dalawa si Bonita at inayos niya yung buhok ko "Kailan mo ba sasabihin sa kanya tungkol sa totoo mong nararamdaman?"

"If he stops ignoring me. Halata naman kasi na iniiwasan niya ako. Pagkatapos niyang sabihin sa akin yung totoo, palagi nalang siya maagang gumigising tapos hindi na niya ako kinakausap"

"Baka nahihiya siya sayo"

"Bakit ba siya mahihiya? Ikinahihiya ba niya yung nararamdaman niya para sa akin?"

"Syempre, artista ka. Alam kasi niya na kailanman ay malaking imposible na magkagusto ka sa kanya"

"Shit naman! Just because artista ako, ganyan na yung treatment ninyo sa akin. Kaya nga I came here para mapalayo sa showbiz. I came here kasi gusto kong mamuhay na isang ordinaryong tao"

Hinawakan ni Bonita yung dalawa kong kamay "Summer, maniwala ka sa akin. At first, oo nahihiya ako sayo pero thank God, binayayaan niya ako ng pagiging madaldal kaya hindi ako nahihiyang makigpagusap sayo. Nung nakikilala na kita, hindi na kita nakikita bilang Summer na artista, nakikita na kita bilang Summer na kaibigan ko. Swear, sa ngayon, hindi na kita nakikita bilang Summer na ka-loveteam ni Gabe Costancia. Thankful ako kasi naging kaibigan kita. At oo, naniwala ako sa mga issues na ibinabato sayo na maarte ka, suplada pero you proved it to me na hindi ka pala ganon, na isa kang mabait, maaalahanin at mapagmahal na kaibigan. At totoo din ha! Walang halong plastik" sabay ngiti niya sa akin

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ