CHAPTER 60- Unexpected Call

459 15 6
                                    

ROCKY~

Hindi ko maiwasan ang mapaluha sa nagaganap ngayon. Hindi ko ineexpect na bibigyan nila ako ng birthday celebration. Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Nung nasa harapan ko na silang lahat, agad naman lumapit si Summer sa akin at nilagyan ako ng necklace na gawa sa artificial flowers

"Happy Birthday Amaw" sabay ngiti niya at niyakap niya ako

"Thank you"

Pagkatapos bumati ni Summer ay lumapit na rin si Bonita sa akin "Happy Birthday Besh!" at niyakap niya rin ako

Napatingin ako kay Ailyn. Napaniwala niya ako sa kunwaring proposal na magaganap ngayon "Naisahan mo talaga ako ha" sabi ko sa kanya

"Sorry po. Happy Birthday" sabay ngiti niya sa akin

"Thank you"

Kaya pala nagwaitress kanina si Ailyn kasi kasama na ito sa plano nila. Ang saya saya ko ngayon. Kompleto kaming lahat maliban kay Annika, ninang at mama. Sana andito din sila sa birthday ko. Sayang din at hindi pwedeng magtagal sina Annika at ninang dito kasi may taping si Annika. Naiintindihan ko naman yon. Akala ko talaga walang nakakaala sa birthday ko kasi kahit isa, walang nag greet sa akin

"Simulan na natin ang birthday celebration para kay Rocky!" at may inimbitahan pa silang host! Pinaghandaan talaga ito ng mabuti nila kaya napatingin ako kay Summer "Ikaw ba nagplano nito lahat?"

"Tinulungan din ako ni Bonita at ni papa"

"Maraming salamat talaga. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon"

"Gagawin ko lahat para lang mapasaya ko ang taong mahal ko" sabay ngiti niya

"Rocky, dito ka umupo sa gitna kasi ikaw yung birthday boy" sabi ng host

Umupo ako sa upuan na nasa gitna. Umupo na rin sa kanilang mga upuan yung mga bisita namin dito sa birthday ko. Hindi ko maalis ang ngiti sa mukha ko. Sobrang saya ko talaga ngayon. Ngayon lang ako nakaranas na maraming bisita sa birthday ko. Usually, nagcecelebrate ako ng birthday na kasama ko lang ay sina ninang, Annika, tito Donny at Bonita. Simpleng kainan lang, okay na. Kaya panibago talaga ito sa akin

"Dahil birthday mo ngayon, may inihanda kami para sayo" sabi ng host

May ipinakitang video sila sa akin. Si Annika

"Happy Birthday Kiekie! Sorry hindi ako makapunta dyan sa birthday mo. Huwag kang magalala, sa pagbalik mo dito, magcecelebrate naman tayo ulit sa birthday mo. Miss na miss na kita. Wala na akong kaaway dito sa bahay. Sana masaya ka ngayon sa birthday mo. Take care and God bless! Love na love ka ni ate! Mwa!"

Yung sumunod naman ay si ninang

"Happy Birthday Kie! Ang hiling ko lang para sayo ay sana maabot na yung mga pangarap mo. Sana makapagtapos ka ng pag aaral. Alam kong may lovelife ka na hmmmm..." napatawa ako sa sinabi ni ninang "Pero okay lang yan basta huwag mong pababayaan yung pag aaral mo ha? Proud na proud ako sayo kasi isang taon nalang, makakatapos ka na sa pag aaral. Mahal na mahal kita, anak"

Napaiyak ako sa message ni ninang. Sobrang swerte namin ni Annika kasi itinuring kami ni ninang na parang mga sarili niyang anak. Nagulat nalang ako sa sunod na video na ipinakita nila sa akin. Si mama

"Happy Birthday baby Rocky! Alam kong hindi ka na baby pero you will always be my baby Rocky. Malapit na akong umuwi. Magkikita na din tayo kaya konting tiis lang anak ha? Sana rin makapagtapos ka ng pag aaral para na rin matupad mo na yung pangarap ng papa mo. Miss na miss na kita at mahal na mahal kita, anak. Salamat sa pagintindi palagi sa akin. Salamat sa lahat, anak"

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Où les histoires vivent. Découvrez maintenant