CHAPTER 59- Birthday Party

443 18 4
                                    


SUMMER~

Matutulog na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Tumingin si Bonita sa akin at pumasok sa kwarto ko

"Bonita"

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko "May plano ka ba sa birthday ni Rocky?"

Birthday ni Rocky? May pala yung birthday niya? Boyfriend ko nga siya pero hindi ko naman alam kung kailan birthday niya. Nakakahiya! "Kailan pala birthday niya?"

"May 25"

May 25, so ibig sabihin, tatlong araw nalang ay birthday na ni Rocky?

"Alam mo, namimiss na kita. Palagi ka nalang busy sa trabaho tapos hindi din tayo palaging nagkikita sa resort. Mas lalong mamimiss kita kapag babalik na kami sa Cebu tapos ikaw babalik na sa Manila" sabi ni Bonita

Bigla kong naalala na malapit na pala matapos yung summer. Ibig sabihin, malapit na din akong babalik sa Manila. Noon, gusto ko na talagang bumalik sa Manila pero ngayon, parang ayaw ko nang bumalik don. Mas gustong kong kasama itong mga tao na nandito kesa balikan yung trabaho ko don sa Manila

"Kamusta na pala kayo ni Rocky? Nanligaw na ba siya?" sabay ngiti ni Bonita

Hindi ko nasabi kay Bonita tungkol sa amin ni Rocky kasi nga, busy ako sa trabaho "Kami na" sabay ngiti ko

Biglang napasigaw si Bonita kaya tinakpan ko yung malaki niyang bunganga para hindi magising sina papa at Rocky

"Sorry bes. Nadala lang ako sa emosyon ko. Masaya kasi ako para sa inyong dalawa. Kailan ba naging kayo?"

"Noong May 20"

Nagcross siya ng arms "Grabe ka bes ha. Hindi mo talaga ako sinabihan"

"Eh kasi nga busy ako sa trabaho ko di ba. Plano ko naman talaga sabihin sayo pero wala lang talaga akong time"

"Teka, alam na ba to ni tito?"

"Oo, kinausap muna siya ni Rocky bago siya nanligaw"

"Grabe bes! I can't contain the happiness I'm feeling right now! I am so happy for you! Dapat ha, sa birthday ni Rocky paghandaan mo talaga ito ng mabuti. Kagaya sa ginawa ni Nadine nung birthday ni James! Naku! Dapat lamangan mo yon bes!"

"Ano ka ba! Wala namang kwenta kung lalamangan ko yon. Hindi nga ako makapagpost ng mga pictures sa social medias. Alam mo naman, yung mga tao"

"Problema ba yan? Pwede ka naman magpost ng pictures ninyong dalawa ah! Tapos e-greet mo lang siya ng happy birthday sa caption mo na parang magkaibigan lang kayo. Ganon lang bes! Dapat BDO ka always, we find ways" sabay wink ni Bonita

"Pwede mo ba akong tulungan?"

"Of course! Para sa best friend ko at sa girlfriend ng best friend ko" sabay ngiti ni Bonita

Nakakapressure din pala maghanda ng birthday celebration para kay Rocky. Syempre, nagpatulong na din ako kay papa. Napagplanuhan namin na sa pool area e-heheld yung birthday ni Rocky. Lalagyan namin ng mga iba't ibang kulay na balloons yung pool tapos naginvite na rin kami ng isang singer para kumanta sa party

Nilagyan din ni papa ng konting inuman para na rin sa mga bisita na empleyado sa resort. Sinabihan ko nga si papa na kung pwede ba makaka attend sila ninang Sally at Annika pero sabi ni ninang Sally na hindi sila makakapunta dahil may taping si Annika. Since para na rin itong get together bago ako babalik sa Manila, sinabihan ko na rin sina ate Doris at ate Ligaya na pumunta sa resort. Sinabihan ko na rin si mang Fredo na isama yung mga anak niya pati na sina Ailyn at Rita. Sabi niya sa akin na susubukan niya daw kausapin si Ailyn at Rita since andon na silang dalawa sa Cebu

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon