CHAPTER 54- Risk

520 15 13
                                    


ANNIKA~

Napatigil kaming lahat at napatingin nalang kay Chris na nakatayo sa harapan namin. Anong ginagawa niya dito? At bakit nandito siya? Paano niya nalaman na nandito kami?

"Magandang gabi po sa inyo" bati niya sa amin

Walang ibang nakasagot sa kanya. Shock pa rin kasi ako kung bakit nandito siya

Si tito nalang ang bumati sa kanya "Magandang gabi din sayo. Anong pangalan mo?"

Agad akong tumingin kay tito "Kaibigan ko po siya, tito" huminga ako ng malalim at nilapitan si Chris "Sa baba na tayo magusap"

"Sali ka na sa amin dito!" offer ni tito sa kanya

"Ah...maguusap po muna kami" sabi ko

Bumaba kami at pumunta sa may garden area. Mabuti na rin at walang tao dito. Pagdating namin, agad kong tinanong si Chris "Bakit alam mong andito ako?"

"Naikwento kasi ni ninang Sally nung pumunta ako sa bahay ninyo kagabi na pupunta kayo dito sa Malapascua"

Si ninang din pala ang nagsabi sa kanya na andito kami. Hay nako, ninang "Anong ginagawa mo dito?"

"Di ba, sabi ko sayo na hindi ako susuko. I'm here to win you back again, Annika"

Talaga bang hindi siya titigil? Sinundan pa talaga niya ako dito sa Malapascua. Yes, I appreciate his effort sa pagpunta niya dito pero shit! Ayaw ko na sa kanya

"Annika, if you'll just give me a chance, gagawin ko ang lahat para sayo"

Huminga ako ng malalim "Habang maaga pa, huminto ka na. Matagal na akong naka move on, Chris. Masaya na ako sa buhay ko. Masaya na ako na hindi ka na parte ng buhay ko"

Nalungkot si Chris nung sinabi ko yon. Akala ko na talaga na sapat na yung sinabi ko para huminto na siya "Kapag mahal mo ang isang tao, i-susugal mo lahat. I'm risking everything for you, Annika"

"Bakit hindi mo yan ginawa noong mahal na mahal pa kita? Bakit ngayon pa?"

Hinawakan ni Chris yung kamay ko "Nagsisisi ako sa ginawa ko sayo dati. Alam ko kung gaano mo kagusto maging doktor. Dahil sa akin, nasira yung pangarap mo. Kung maibabalik ko lang ang dati, sana...sana hindi ko yon ginawa. Kung hindi ko yon ginawa, akin ka pa ngayon"

Dahan dahan kong kinuha yung kamay ko "Pero nangyari na ang lahat. Nasaktan mo pa rin ako" tumalikod ako kay Chris kasi umiiyak na ako. Naglakad ako palayo sa kanya at iniwan ko siyang mag-isa doon sa garden. Kahit anong gawin niya, hinding hindi na magbabago yung pagtingin ko sa kanya


SUMMER~

Natapos na rin yung dinner namin. Ang sobrang saya kasi madami kami ngayon. Ngayon lang din ako nakabalik uminom ng alak. Last kong uminom ay noong dinalhan ako ni Rocky sa kwarto. Namiss ko to! Napadami man ang inom ko pero hindi pa ako lasing. Si papa, tispy na kaya tinawagan ko yung driver namin na ihatid na si papa sa bahay kasama ni ninang Sally

Naiwan kami ni Rocky, Bonita, Yassi, Gabe at Annika dito sa rooftop. Nagsalo salo na rin kami at pinatay na namin yung videoke. Nagiinuman nalang kami ngayon

"Ate Annika, bakit andito si Chris? Anong ginagawa niya dito?" tanong ni Bonita. Hanggang ngayon, curious pa rin ako kung sino yung Chris. Hindi ko rin kasi naitanong kanina kasi enjoy na enjoy kami sa pagkanta

"Hindi ko din alam, baka nagbabakasyon din" sabi ni Annika

"Nagbabakasyon ba talaga? O baka ikaw talaga ang sadya niya dito?" tinukso na rin ni Yassi si Annika

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon