CHAPTER 69- One More Chance

429 11 21
                                    


SUMMER~

Nandito lahat ng mga kamag-anak, kaibigan, mga katrabaho at empleyado ni pops sa lamay niya. Walang tigil pa rin ang iyak ni mama simula nung araw na nagpaalam na si pops sa amin. Andito rin yung ama ni pops. Only child kasi si pops at matagal na ring patay yung mama niya. Ngayon lang din namin nalaman ni kuya na may aplastic leukemia din yung mama ni pops at yun din ang dahilan kung bakit siya namatay. Nakaupo ako katabi sina kuya at lolo. Si mama naman ay hindi pa rin umaalis sa harapan ng kabaong ni pops. Tinitignan pa rin niya ito hanggang ngayon

"Aalagaan niyo ng mabuti ang mama niyo. Kailangan niya kayo ngayon" sabi ni lolo

Huminga ako ng malalim "Opo, lolo"

Tumingin si lolo kay kuya "D, ibinilin ng pops mo lahat ng mga restaurant na ipinagmamay ari niya sayo"

Nagulat si kuya sa ibinalita ni lolo sa kanya kaya napadahan dahan siyang tumingin kay lolo

"Sabi niya, hindi magiging successful ang lahat ng mga restaurant na ipinagmay ari niya kung hindi dahil sayo. Nakita niya yung determination mo kung paano mo ipinataguyod yung business. Sabi niya, para sayo talaga yung kompanya niya"

"Pero, lo.." sabi ni kuya. Hindi pa rin kami makapaniwala na ibinigay ito ni pops sa kanya

Hinawakan ni lolo yung balikat ni kuya "D, para sayo to lahat. Itinuring niya kayong mga sarili niyang anak kaya ipapamana niya ito sayo"

"Pa...paano po kayo, lo? Saan ba kayo pupunta pagkatapos nito?" bigla kong naitanong kay lolo

Huminga ng malalim si lolo at ngumiti "Huwag na kayong magalala sa akin. Matanda na ako. Alam kong dadating din ang panahon na susunod din ako sa kanila. Masaya ako na napasaya niyo ang natatangi kong anak. Siguro, babalik ako don sa Canada kung saan namin unang binuo yung pamilya namin. Gusto ko na kasing mamuhay nang mapayapa"

Napayakap kami ni kuya kay lolo. Napangiti si lolo habang niyayakap niya kami ni kuya "Mahal na mahal ko kayo mga apo"

"Mahal na mahal din ka namin lolo" sabi ni kuya

DONNY~

Nalaman ko galing sa panganay kong anak na namatay na yung stepfather nila. May nagtext kasing unknown number sa akin at nagpakilala siya na siya si D. Agad akong nagbook ng flight papuntang Manila kinabukasan. Gusto kong bumisita sa lamay ng stepfather nila. Naging kaibigan ko rin kasi si Chino nung nasa college na kami ni Jenny. Nagkita kasi kaming tatlo sa mall non at ipinakilala siya ni Jenny sa akin

Kinakabahan ako habang papasok ako sa kung saan ang lamay ni Chino. First time ko kasing makita si D simula nung nagkahiwalay kami. Nakikita ko yung mga pictures niya sa social media pero hindi ko pa talaga siya nakita sa personal. Ano na kaya siya ngayon? Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha yung phone number ko

Pagpasok ko, nakita ko yung mga tao. Konti lang yung tao na nandito kasi hapon pa. Agad ko hinanap si Jenny at Summer. Nakita kong nakaupo si Jenny sa harapan habang si Summer ay nagtitimpla ng kape. May isang lalake na kamukhang kamukha ko ang lumingon sa akin. Nagulat ako kasi ito na pala yung anak ko. Bigla nalang akong napaluha nung nakita ko yung panganay ko

Dahan dahan siyang tumayo at lumapit sa akin. Napaiyak ako nung nakita ko na siyang malapitan. Teary-eyed na rin siya nung nasa harapan ko na siya. Bigla nalang nagflashback lahat na nangyari sa aming dalawa nung bata pa siya. Papa's boy kasi si D. Kami yung palaging magkasama noon. Ako yung palaging kalaro niya. Palagi kaming naglalaro ng mga video games habang kumakain ng Happy peanuts

Paminsan minsan din, dinadala ko siya sa kung saan ako nagtratrabaho at ipinapakita ko sa kanya kung paano ako magtrabaho. Namiss ko talaga tong bata na to. Ang laki na niya. Ang sobrang laki ng pinagbago niya

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Onde histórias criam vida. Descubra agora