CHAPTER 44- Bakit ba?

560 18 4
                                    


ROCKY~

"Gusto kita, Rocky Marquez"

Nabigla ako sa sinabi ni Summer sa akin. Hindi ako makapagsalita. Totoo ba tong naririnig ko? Totoo bang sinabi niyang gusto niya ako?

"Rocky?"

Hindi pa rin ako makapagsalita. Speechless talaga ako ngayon. Biglang hinawakan ni Summer yung kamay ko kaya nakapagsalita na rin ako "Summer..."

"Narinig mo ba sinabi ko kanina?" tanong niya

"Oo, narinig ko" sa sobrang dinig ko, hindi ako makapagsalita. Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon parang sasabog na yata ito

Huminga ako ng malalim. Ayaw ko sanang sabihin to pero hindi ko na mapigilan tong nararamdaman ko "Baka nagugustuhan mo lang ako kasi naaawa ka sa akin"

"No, hindi ako naaawa sayo Rocky. Totoo tong nararamdaman ko para sayo. I like you Rocky and that's what I really feel right now. Alam kong hindi ka makapaniwala but...it's true" sabay ngiti niya

Napangiti na rin ako sa sobrang saya. Napayakap ako ng mahigpit kay Summer. Sa wakas, hindi sad love story yung kwento namin ni Summer. Ibig ba sabihin nito, pwede na kaming maglevel up? Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na gusto din ako ng crush ko. Ang sarap pala sa feeling! Bumitaw kaming dalawa sa yakap at tumingin ako sa kanya "Thank you" sabay ngiti ko

"Ako dapat magpasalamat sayo. Thank you dahil hindi mo talaga ako pinabayaan at inalaagan mo ako ng mabuti at higit sa lahat, thank you dahil sayo, muling nabuhayan tong puso ko" tapos nakita ko yung mga napakasweet niyang ngiti

Grabe ang saya ko ngayon! Feeling ko nasa langit na ako. Feeling ko lumilitaw ako. Feeling ko ang gwapo ko ngayon kasi sa napakaganda ni Summer, nagustuhan niya ako. Sa nakapadaming lalake nagkakagusto sa kanya, sa akin pa talaga siya nagkagusto. Well, sorry nalang kayo guys!

Paguwi namin sa bahay ay inihatid ko si Summer sa kwarto niya. Nasa harapan na kami ng kwarto niya nang bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti

"Ano?" sabay ngiti ko

"Ang gaan pala sa feeling kapag nasabi mo na rin yung nararamdaman mo. Ang saya ko ngayon kasi napasaya kita. Sana magtagal tong saya na nararamdaman nating dalawa"

Hinawakan ko ang kamay ni Summer "As long as magkasama tayong dalawa, mananatili tong saya natin" lumapit ako kay Summer. Gustong gusto ko talaga siyang halikan pero baka iisipin niya na nagmamadali ako. Baka gusto niyang dahan dahanan muna namin. Niyakap ko siya at hinalikan ang ulo niya "Good night, buang"

Ngumiti siya "Good night, amaw"

Pagpasok ko sa kwarto ko ay hindi pa rin mawala ang saya na nararamdaman ko. Napahiga ako nang nakangiti. Ang sarap pala sa feeling magmahal at magustuhan ka ng taong mahal mo. Never ko kasi na experience to, kay Summer lang talaga. Alam kong hindi man ako yung unang lalakeng minahal niya pero sana ako yung lalakeng hindi niya makakalimutan


Wala na akong rason para gumising nang umaga pa at iwasan si Summer. Masaya akong bumaba at pumunta sa dining area para kumain ng agahan. Pagdating ko ay kumakain na sina tito, Bonita at sa napakaganda kong babae na si Summer. Tumingin ako kay Summer at ningitian niya ako. Ngumiti rin ako sa kanya at umupo sa tabi ni Bonita

"Hindi ka na maaga ngayon ah" sabi ni tito

Napatingin ako kay tito "Ah, opo tito"

"Bakit pala maaga kang pumupunta ng resort nitong mga nakaraang araw?" tanong ni tito

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon