"Naipasa ko naman na 'yung resume mo, hintay-hintay lang tayo sa tawag sa iyo. Sa ngayon, magpahinga ka muna. Bye, dadaan ako rito pagkatapos ng trabaho ko." Paalam sa akin ni Bryce sabay halik sa noo ko. Dalawang araw na simula nung nilayasan ko si Boy Sungit pero hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag 'yung kompanya ni Bryce patungkol sa application ko.
Kapag hindi ako natanggap, isusumpa ko ang kasamaan ng ugali ng lalakeng 'yun. Minamalas na ako dahil sa kanya. Napairap na lang ako bago ako pumanik sa kwarto ko. Hindi naman gusto nila Papa na tumutulong ako sa Carinderia tuwing tanghali dahil sobrang init, baka lang daw mahapo ako at kapusin sa paghinga. Kaya kapag mga ganitong oras nasa kwarto lang talaga ako, nagbabasa o di kaya nagfe-Facebook o Twitter.
Naalala ko na hindi ko pa pala inaayos 'yung mga gamit na inimpake ko nung araw na nag-resign ako sa trabaho kaya minabuti ko na lang na ayusin 'yun tutal wala naman akong pinagkakaabalahan.
Halfway through my bag, nahablot ko yung schedule ni Boy Sungit. Napasimangot ako bago ako napairap. Ang panget talaga niya. Gwapo nga-
"Teka lang hindi siya gwapo!!" May inis na giit ko sa sarili ko saka ko pinunit sa maliliit na piraso yung schedule niya. "Ang panget mo Ferris! Mukha kang- mukha kang... Ah basta panget ka!"
Bakit wala akong maisip na ibang lait kundi panget? Naiiyak tuloy ako sa inis ko sa kanya. Buti na lang pinalaki akong tama ng mga magulang ko kaya hindi ako natutong magmura, hindi katulad niya. Sana putulin ni Lord yung dila niya para hindi na siya makasabi ng ikakasakit ng kapwa niya.
In-imagine ko na lang na kaluluwa niya yung pinipilas ko para mawala 'yung kabwisitan ko sa kanya. Dalawang araw na pero umaawas pa rin ang inis ko sa taong 'yun.
"Aya, anak. Bumaba ka muna dito." Narinig kong tawag ni Mama mula sa baba. Napalingon ako sa orasan sa kwarto ko, alas-dose na. Busy si mama sa carinderia ng ganitong oras kasi ito 'yung peak hours.
"Opo ma. Pababa na po." Sigaw ko bago ako nagmadaling bumaba.
Nasa gitna pa lang ako ng hagdan, naririnig ko na ang boses ni Papa, boses ni Mama at ng isa pang lalake. Thursday ngayon ah, may pasok si papa, bakit siya nandito?
"Anak si Sir Mateo. Sir, anak ko po si Aya." Pagpapakilala sa akin ni papa sa matagal na niyang boss. Pakiramdam ko hihimatayin ako dahil biglang lumamig ang palad at talampakan ko. Pasama na ng pasama ang nangyayari sa buhay ko simula ng nakilala ko ang lalakeng 'yun!
"Dalaga na ang anak mo Dante." Bati sa akin ng matandang lalake. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Tatakbo ba ako? Iiyak? Magmamakaawa? Magso-sorry? Ano ba kasing sinabi ng lalakeng 'yun sa tatay niya at kailangan niya akong sadyain dito sa bahay namin?!
"Kailangan ka daw kausapin ni Sir Mateo tungkol sa trabaho anak." Tugon ni papa. I looked at him with pleading eyes. Pa, ikaw na lang bahalang magsabi sa kanya ng kasamaan ng anak niya. Pero syempre hindi ko pwedeng hiyain ang anak niya sa harap niya. Kung hindi dahil kay Sir Mateo hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral. Hindi kami magkakaroon ng bahay. Hindi kami magkakaroon ng sariling business. Malaki ang utangaloob ng pamilya ko sa kanya.
"Dalawang araw ka na raw hindi pumapasok Aya, hindi mo rin daw sinasagot ang tawag ni Suzanna?" Panimula ng matandang lalake. Napatingin ako kay mama at tumango siya.
"Mawalang galang na po, sana po hindi mo mamasamain ang sasabihin ko po pero kailangan ko po talagang sabihin sa inyo para maintindihan niyo po." Para akong nagahol sa hininga pagkatapos kong umpisahan ang mga gusto kong isaad. "Pero po Sir Mateo, sukdulan po ang kasamaan ng ugali ng anak niyo po. Hindi ko po alam kung saan niya nakuha dahil mabait naman po kayo. Hindi ko po siyang kayang tagalan. 'Yung sama palang po ng pinta ng mukha niya nasisira na po araw ko. Kaya po hindi na ako pumapasok. Nag-resign na po ako. Ayaw ko na po."
Matagal nakatitig sa akin si Sir Mateo. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa mga sinabi ko. Pwedeng mawalan ng trabaho si papa dahil sa bibig ko. Aya naman! Hindi ka na natuto! 'Yang bibig mo talaga!
Maya-maya biglang tumawa ang matanda. Nagkatinginan muna kami nila mama bago namin siya sinabayan tumawa. "Hindi ikaw ang unang nagsabi sa akin niyan hija." Tugon niya. At mukha namang sanay na talaga siyang nasasabihan ng mga ganitong bagay tungkol sa anak niya.
"Ano nga bang nangyari? Sabi ni Suzanna mukhang maayos naman daw ang mga unang araw niyong dalawa." Muli niyang tanong.
Napabuntong hininga ako ng tahimik dahil ikwe-ikwento ko nanaman ang istoryang ayaw ko ng balikan dahil nabwibwisit lang ako kay Ferris.
"Gusto ko lang pong munang linawin. Hindi po talaga kami okay nung una. Madalas niya po akong sigawan, tapos gusto niya po lahat ng iuutos niya magagawa ko sa loob ng isang segundo. Sir, iisa lang naman po ako tapos yung utos niya isang libo. Hindi ko po alam yung gagawin ko. Tapos po, isang araw bigla na lang siyang bumait sa akin. Maayos na po yung pakikiusap niya, ngumingiti na nga po siya eh. Pero baka may sakit lang po siya nun dahil bumalik din siya sa dati kinabukasan."
"Kailan nangyari 'yung sinasabi mo?"
"Ang alin po?"
"'Yung bumait siya na akala mo may sakit siya." Natutuwang tanong sa akin ng matandang lalake. Napatigil tuloy ako at nagpagisip. Kailan nga ba?
"Ah! Nung ano po, nung araw pagkatapos ko pong ipitan ng note 'yung ilalim ng mug niya ng Milo. Pagkatapos po nun naging mabait siya sa akin. Pero unli-three days lang po dahil pagkatapos nun nag-away na po kami at nag-quit na po ako sa trabaho."
Napangiti si Sir Mateo bago siya humigop sa kapeng inalok ni mama. "Dream without fear; love without limits." Bigla niyang banggit. 'Yung quote na nakasulat sa mug ni Boy Sungit. Tanda ko 'yun kasi kahit ako nagtataka kung bakit 'yun ang nakasulat doon.
"Favorite quote ng mommy ni Ferris 'yun. When Kate was dying, she ordered that custom-made mug for Ferris to remember her by."
Lahat kami natahimik ng nagkukwento si Sir Mateo. Si papa hindi rin naman machismis na tao kaya wala naman siyang nasasabi sa akin noon tungkol sa mga Pedrialva.
"But when Kate was alive and healthy, she used to slip notes under Ferris' mug of Milo before he sets for school. Kaya siguro lumambot kahit kaonti ang pagkatao ng batang 'yun sa'yo. Hindi mo lang siguro napansin, but you doing that made him remember his mom. It may mean nothing to you but to him that was everything."
Bigla tuloy akong nagsisi sa mga inisip kong masama sa kanya. Gusto ko tuloy umakyat sa taas at pagdikit-dikitin 'yung schedule niya na pinunit ko.
"Kailangan ni Ferris ng secretary. 'Wag kang makinig sa mga sinasabi niya na hindi ka niya kailangan, he usually takes that strong facade but trust me hija he is vulnerable inside. I want you to keep that job because it's about time that he meets someone na kaya siyang tapatan. Dahil kahit sa akin hindi na nakikinig ang batang 'yun."
"Bakit naman po siya makikinig sa akin?"
Nagkibit-balikat lang ang matandang lalake. "Because you were able to unlock one of his weaknesses without you knowing it. At saka, kailangan mong bumalik sa trabaho, pumirma ka ng kontrata sa amin at kailangan mong tapusin ang dalawang taon sa kompanya."
"Paano po pag ayaw ko na talaga?" Pagmamakaawa ko. Pero nginitian lang ako ni Sir Mateo.
"Mapipilitan kaming sampahan ka ng kaso, breach of contract." Ani nito.
Gusto kong sabihin na wala naman silang mapapala sa akin kahit kasuhan nila ako. At hello? Ganoon ba ako kaimportante sa kompanya nila na hindi nila akong kayang palitan? Saka ko naalala na wala na palang gustong mag-apply na sekretarya ni Boy Sungit.
"Sige po. Papasok po ako bukas." Halinghing ko. Lord, pakipadalhan naman po ako ng pasensya. Isang toneladang pasensya.
BINABASA MO ANG
Stonehearts 4: Diamond
Romance| COMPLETED | 21 November 2016 - 30 March 2017 | Stonehearts Series #4 | Just like how valuable her birthstone is, Minerva Diamond Timbresa is her parents' one and only, precious baby. Born on the 23rd of April, Aya is absolutely like her birthstone...