Tamad na tamad akong bumangon kinabukasan dahil alam kong makikita ko nanaman ang mukha ni Boy Sungit. Grabe, nasa utak ko palang siya umaapaw na ang init ng dugo ko sa kanya.
"Kahit anong mangyari, sukdulan parin ang kapangitan ng ugali mo Ferris." Inis na tugon ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.
Hinatid ako ni Bryce sa opisina. Kahit siya gulat na hindi ako naalis sa trabaho kahit na ganoon ang ginawa ko. Hindi rin naman kasi alam na binding contract pala ang pinirmahan ko. Kung bakit kasi hindi ko binasa. I hate adulting! Ang hirap.
"Baby, ngiti ka naman. Magiging magkadikit na ang kilay mo sige ka." Tawag sa akin ni Bryce nang naka-park na siya sa harap ng building ng mga Pedrialva. Building na inagkin ni Ferris nang huli kaming magkita.
Napairap ako. "Hindi ako makangiti dahil makikita ko nanaman si Boy Sungit." Pabalang na sagot ko pero natawa na lang si Bryce. Hinalikan niya ako sa noo bago tinuwid ang kunot noon.
"'Di bale mag-cheat day tayo mamaya para sumaya ka." Aya niya pero umiling lang ako.
"Dalawang taon kong titiisin ang tigas ng mukha ng lalakeng 'yun. Hindi kayang ibsan ng cheat day 'yun Bryce, ikakamatay ko ang presensya ng panget na 'yon!" Sagot ko pero tumawa lang siya ulit at umiling. Hindi ko na lang pinansin saka ako bumaba ng sasakyan niya.
Nasa ground floor palang ako pero ramdam ko ang lagkit ng titig ng mga tao sa loob. Nagkibit balikat lang ako nang una habang nagaabang sa pagbaba ng isa sa mga elevator. Habang naghihintay nagulat na lang ako ng may biglang kumalabit sa'kin.
"DJ," Bati ko sa kanya na may ngiti. Mas naging kapansin-pansin ang titig sa akin. Lumapit si Deej saka bumulong, "Nako atey dapat hindi ka na pumasok. Nanggagalaiti sa galit sa iyo si Sir Ferris."
Napataas ako ng kilay, "Eh ano ngayon?" I said dead tone. I heard Deej gasped in surprise before whispering further, "Kalat na kalat na kasi sa buong building ang ginawa mong pagsagot sa kanya. Alam mo naman 'yun mataas ang ego, nasaktan ata kaya ayan. Beastmode ang dragon." Kahit ako nararamdaman ang takot sa boses ni DJ, siguro iba talaga magalit si Ferris.
Napailing ako. "Sus! Lagi naman 'yun galit!" Putol ko sa usapan namin bago pumasok ng elevator. Nagmarcha ako ng walang takot papasok sa dati kong opisina. Malayo palang ako naaninag ko na ang hubog ng katawan ni Ferris sa glass walls.
Kung bakit ko pa kasi pinilit ang sarili ko dito!
Naupo ako agad pagkapasok ko, wala pang tatlong segundo bigla ng bumukas ang connecting door ng opisina naming dalawa. "Anong ginagawa mo dito?!" Bulyaw niya habang nakahawak sa doorframe. His eyes sparking with heat and anger.
I looked at him squarely and continued fixing my things. "For all I know, boss lang kita sa presensya pero nandito ako dahil sa daddy mo. Hindi kita pagtiyatiyagaan makita araw-araw kung hindi dahil sa kanya." Sabat ko.
Mas lalong nagtagas ang init ng ulo niya dahil napamarcha siya at padabog na binagsak ang magkabilang kamay sa mesa ko. I jerked my head up and I met his blazing eyes.
"What part of 'I-don't-want-you-here" don't you understand huh secretary?!"
"Eh anong parte ng 'ng-dahil-sa-daddy-mo-kaya-ako-nandito" ang hindi mo kayang intindihin?" Balik ko sa kanya. Siguro kung lalake ako malamang nagulpi na ako. Nanginginig na kasi siya sa galit sa akin.
Tumayo siya ng maayos at inalis ang salamin niya. "I fucking hate you!" He shouted and for the first in forever, he threw one childish argument at me. Pero syempre hindi ako magpapatalo.
"The feeling is mutual!" Sigaw ko rin pabalik. Pinaulanan niya ako ng sama ng tingin pero hindi naman na siya sumagot. He strided back to his office and shut our connecting door harder than it should.
"Hate you mo mukha mo!" Inis na tugon ko sa sarili ko ng nawala na siya sa paningin ko.
Inasahan ko nang hindi maganda ang pakikitungo sa'kin ni Ferris pero mukhang na-underestimate ko ang kakayahan niyang gawing impyerno ang buhay ko. Binaha ako ng gagawin, hindi na nga ako nakapagtanghalian dahil kabundok ang binigay niyang trabaho.
Naiiyak na nga ako sa galit at inis ko sa kanya pero wala akong magawa. Boss ko parin siya at empleyado pa rin ako. Tama si Bryce, I should know where I should stand. Okay na siguro 'yung nakakabawi ako sa kanya sa bawat argumento na pinagdadaanan namin.
Bandang 3pm, nakita kong binuhat niya ang coat niya at sinampay yun sa balikat niya bago umalis. Napalingon ako sa schedule niya sa cork board ko, wala naman siyang meeting ngayon pero ayos na ito para makapag-concetrate rin ako sa mga ginagawa ko. Akala ko nga magiging tahimik na ang buhay ko pero 15 minutes later may pumasok sa opisina kong babae.
Napakinis at napakaputi na halos kakulay na siya ng dingding namin. She has jet black, hip-long hair and long lashes. She bat her eyes at me, looking around befor asking. "Nasaan si Ferris?" Kung gaano kahinhin ang mukha niya ganoon naman kasungit ang tono ng pananalita niya.
Nagkibit balikat ako. "Umalis, may pinuntahan."
"Pinuntahan? He should be meeting me!" She shrieked. So kasalanan ko na nagkamali siya ng oras nang sabi sa iyo. Hindi ko pinansin ang pagiinarte niya at nagpatuloy sa ginagawa ko. She treaded until she was infront of me. Tinulak niya ang mataas na tore ng papeles sa gilid ng mesa ko nakakaayos ko lang kanina. "I am talking to you. 'Wag kang bastos!"
Umakyat ang galit ko, naramdaman ko pa nga ang pamumula ng pisngi ko. "Ikaw ang bastos! Inano ka ba ng mga papel?!" Sagot ko bago ko sinimulan na ayusin ang nagkalat na papeles.
Pero bago ko pa magawa 'yun, hinatak niya ang buhok ko para mapaharap ako sa kanya. Bago pa ako maka-react nasampal na niya ako. Ang lakas ng gawa niya kaya napadausdos ako sa upuan ko. Napadaing ako dahil tumama ang mukha ko. Tatayo na sana ako kaso naramdaman kong may tumulo mula sa ilong ko. Para akong hihimatayin ng nakita kong kulay pula iyon.
"Aray!" Halinghing ko nang hinatak nanaman niya ang buhok ko. Hindi ko alam kung anong susunod na gagawin niya pero natigil iyon ng may narinig kaming sumigaw.
"Bona!" Tinig ni Ferris iyon. Tinanggal niya ang mahigpit na pagkakakapit ni Bona sa buhok ko bago niya siya tinulak palayo sa akin. "Shit your bleeding!" He nervously said before he fished his hanky and damped it under my nose. Hindi ko alam kung papaano pero naramdaman ko na lang ang mainit na akap sa akin ni Ferris.
"Bakit parang siya pa ang kinakampihan mo? I'm the victim here. I'm-"
Hindi na naituloy ni Bona ang sasabihin niya ng sinipa ni Ferris ang mesa sa pagitan naming tatlo. "Tang ina Bona! Umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas!" Utos niya.
Nakita kong lumabi si Bona bago nag-walk out. Hindi ko naintindihan ang nangyari. Diba girlfriend niya siya? Bakit ako ang kinampihan niya? Diba galit siya sa akin? Bakit niya ako pinagtanggol?
Inalalayan niya ako hanggang sa napaupo ako sa shrivel chair ko. "Wait here. I'll get the doctor." Tugon niya bago nag-dial sa cellphone niya.
Mabilis namang umaksyon ang tinawagan niya. My bleeding nose was treated and I was examined. Wala naman nabali na buto sa ilong ko, natrauma lang daw kaya nagdugo. Umalis din agad si doc ng nabigyan na niya ako ng reseta para sa sakit.
"Ferris ako na 'yan." Sambit ko sabay akmang aagaw sa ice pack na hawak niya. Nagkapasa kasi ako sa tuhod. Pero inilayo niya iyon bago nagpatuloy sa ginagawa niya. "I thought you hated me? Why are you doing this?" I asked, baffled.
Inayos niya ang salamin niya bago ngumiti. "I do hate you. But I'm the only one allowed to hate you."
Hindi ko alam kung alin ang mas nakakagulat, 'yung sinabi niya o 'yung ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Stonehearts 4: Diamond
Romance| COMPLETED | 21 November 2016 - 30 March 2017 | Stonehearts Series #4 | Just like how valuable her birthstone is, Minerva Diamond Timbresa is her parents' one and only, precious baby. Born on the 23rd of April, Aya is absolutely like her birthstone...