Nadatnan ko si Ferris na nasa loob nanaman ng opisina ko nang umakyat ako pasado ala-una. Tinititigan nanaman niya ang picture frame na nakapatong sa mesa ko.
I cleared my throat just so he could acknowledge my presence. Ibinalik niya ang family photo ko sa mesa saka nagbulsa ng kamay. He smiled at me before he spoke, "So ready ka na?" Napakunot ako ng noo. Hindi niya pa nga sinasabi kung saan kami magpupunta. Nabasaniya siguro ang ekspresyon ng mukha ko kaya nagpaliwanag siya.
"I'm not gonna trick you again Aya. May pupuntahan lang tayong importante." Muli niyang tugon.
"Importante?" Napatango siya. "Saan?" I followed up. He smiled then fixed his eyeglasses using his index finger.
"Sa SnR, mag-gro-grocery."
Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano. Pero habang natutunaw ako sa titig niya alam kong hindi niya ako niloloko. "Akala ko ba importante?"
"Bakit hindi ba importante ang pagkain?" He countered. Napabuntong hininga na lang ako. Wala naman akong karapatang magreklamo o mayroon nga ba? Hindi ko nga alam kung parte pa ba ito ng trabaho ko o ano.
Nagsimula nanaman ang kakaibang kabog ng dibdib ko ng nasa loob na kami ng elevator. Hindi ko alam kung ako lang o sadyang nagkakaubusan na ng oxygen sa earth?
Tahimik lang naman siya kahit nagmamaneho na siya. Hindi siya nagtanong, hindi rin naman ako nag-effort na magsabi ng kung ano. Kinakabahan kasi ako sa presensya niya sa hindi ko malaman na rason. Bigla bigla na lang ang panginginig ng tuhod at kamay ko kapag nasa maliit na lang kami na espasyo, ngayon naiisip ko na parang mas maganda 'yung mga panahong lagi kaming nagaaway dalawa, parang mas nahihirapan ako ngayong maayos ang pakikitungo niya sa akin.
"Anong bibilhin natin?" Tanong ko sa kanya ng naghatak siya ng malaking cart. Gusto kong itanong kung wala ba siyang maid na pwedeng gumawa nito para sa kanya.
Huminto siya sa paglalakad at pinakita sa'kin ag listahan sa cellphone niya. Ang daming nakasulat doon, napalunok na lang ako. Ibig sabihin matagal tagal pa ang titiisin ko para magkaroon ako ulit ng sapat na hangin sa baga.
Sinusundan ko lang siya habang nagiikot kami at naglalagay siya ng mga bagay-bagay sa loob ng cart. Minsan tinatanong niya ang opinyon ko pero madalas tahimik lang kaming parehas.
"Stay here, nakalimutan kong kumuha ng Lysol. I'll be back." Paalam niya ng papunta na kami sa cashier. Halos isang oras kaming naglibot dalawa pero may nakalimutan pa rin siya. Hindi naman na niya hinintay ang sagot ko, basta na lang siyang umalis.
Habang naghihintay, napatingin ako sa malaking bear na nakadisplay sa tabi ko. It's a 5 feet tall teddy bear. Naalala ko tuloy na hindi nananalo si Bryce ng kahit na ano nang nag-Star City kami, gusto ko pa man din 'yung bear doon. Napalapit ako para tignan ang presyo, pero halos himatayin ako kaya nilayuan ko na lang ulit kaso, "Gusto mo 'yan?" Napalingon ako at nakita si Ferris na may hawak na Lysol.
"H-ha? H-hindi. Tinignan ko lang presyo." Utal na sagot ko. Nginitian niya ako, "Kunin mo na kung gusto mo, ako magbabayad." Prisinta niya.
Napailing ako. "W-wag na Sir."
"Kunin mo na Aya, bayad na rin sa pinagsama mo sa'kin dito." He insisted. But again, I shook my head. "'Wag na Sir. Magbayad na lang po tayo." Sambit ko sabay tulak sa cart niya.
Bumalik nanaman kami sa walang imikan pagkatapos niyang magbayad. Kasalukuyan niyang pinapakarga sa likuran ng sasakyan niya ang pinamili nang bigla siyang napatingin sa akin at nagsalita. "Shit!" He exclaimed. Napahapo pa nga siya sa noo niya, "Teka lang Aya, may nakalimutan pa ako." Paalam niya sabay takbo ulit papasok.
Halos 30 mins din siyang wala kaya nagtaka tuloy ako kung alin ang nalimutan niya. Hindi naman kasi ganoon kahaba ang pila sa loob. Nagmumuni muni ako ng narinig ko ang tawag niya sa akin. Namangha na lang ako ng nakita ko ang bitbit niya palabas ng SnR.
Binili niya 'yung bear na gusto ko!
"Pasensya na, nagpahanap pa kasi ako ng bagong stock." He said apologetically handing me the big bear. Hindi ko nga alam kung kukunin ko o hindi. "It's yours Aya. Baka kasi hindi ka makatulog." Tikis pa niya bago niya pinasok sa back seat ang malaking bear.
'Yung puso ko pilit na tumatakbo ng mabilis nang sinundan ko siya papasok ng sasakyan. I immediately turned to him when he keyed in the ignition. "Sir, hindi mo naman kailangan gawin 'to. Hindi mo kailangang bilhin si Teddy." Tugon ko. Nahihiya pa rin kasi ako.
Pero tumawa lang siya, "Pinangalanan mo na nga sa isip mo tapos hindi ko bibilhin." Sagot niya na may kindat.
Bigla ako napahugot ng hininga. I think my lungs just died.
BINABASA MO ANG
Stonehearts 4: Diamond
Romance| COMPLETED | 21 November 2016 - 30 March 2017 | Stonehearts Series #4 | Just like how valuable her birthstone is, Minerva Diamond Timbresa is her parents' one and only, precious baby. Born on the 23rd of April, Aya is absolutely like her birthstone...