"Aya, nasa labas na si Ferris, naghihintay sa'yo." Narinig kong sigaw ni mama mula sa baba. Napatigil ako sa pag-aayos ng bag ko at kinuha ang cellphone kong kanina pa nagva-vibrate sa dami ng texts.
From: Ferris Pedrialva
I'm going to pick you up. Good morning my lil monster.
-
From: Ferris Pedrialva
Nagpaluto na ako ng breakfast natin para sabay tayo kakain.
-
From: Ferris Pedrialva
Eager to see you.
-
From: Ferris Pedrialva
I'm right outside.
I checked the time of the last message and it was received 20 mins ago. Bente minuto na siyang nakatayo sa labas ng bahay namin hindi niya man lang ako nagawang tawagan. Nagmadali akong nag-ayos at bumaba ng bahay. Sinalubong naman ako ni mama na naka-apron at busy na mag-luto.
"Hindi na kita pababaunan anak, sabi ni Ferris siya na raw bahala. Pinapapasok ko kanina ang sabi sa labas na lang daw maghihintay sa'yo."
"Sige po ma." I answered in a hurry before I leaped outside the house and infront of the carinderia. I saw Ferris leaning on his car while both of his hands were inside his pocket. Nakasalamin na siya at naka-suit, ibang-iba sa Ferris kagabi. Napangiti ako at napakagat sa labi ko nang nakita ko siya. A smile automatically graced his lips too as soon as his eyes landed on me. "There's my sunshine. Good morning." He greeted. Hindi ko maiwasang kiligin sa sinabi niya, 'tong si mama naman sa tabi ko napasiko pa sa akin at mas lalong ginatungan ang hindi ko mapigilang kilig. Nagpaalam kaming sabay kay mama bago niya ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.
"Oh..these are for you." He muttered before handing me three pieces of Sunflowers. I felt a pool of blood filling my cheeks before I smiled and murmured thanks. Natawa siya sa naging reaksyon ko, "Why three Sunflowers?" I asked out of curiosity while he drives.
He smirked before he took my hand and kissed it. "Sunflower, because it reminds me of you. Vibrant and full of positive energy, you're my source of positive vibes. Dati kahit lagi kitang inaaway at lagi akong iritable sa'yo, but when I'm alone I miss your smart mouth. That's the time I got confused as to what I feel for you."
Namula ako ng bahagya kaya napatingin din ako sa daan. Humalik siya muli sa kamay ko, "Ang sungit sungit mo kaya rati, kaya tawag ko sa'yo Boy Sungit." Pag-aamin ko na itinawa niya. "Hindi pa kita nakikita n'on nabwibwisit na ako kasi alam kong pagpasok mo nakabusangot ka nanaman. Tapos bigla kang bumait sa'kin, tapos nag-away nanaman tayo, tapos bumait ka nanamn sa'kin, tapos pinag-trip-an mo ako, tapos nandito na tayo ngayon."
"Did you just summarize the things that happened between us?" He asked in amusement. Napalingon ako sa kanya at napatango. Natahimik kami muli saka ko naisip ang pinaguusapan namin kanina. "Bakit tatlo Ferris?" Tumigil siya sa stop light saka ako nilingon, "Because, You. Are. Mine." Isa-isa niyang tinuro ang mga Sunflower nang binanggit niya ang mga 'yon. Natahimik ako at hindi kasagot kaya siya napangisi.
There something about him that makes me lost for words. I don't know if it's his sweet tongue or his ability to make me breathe for my life. Medyo nag-a-adapt na nga ako sa kanya, nadoon parin ang biglaan paghirap ng paghinga ko pero nagagawa ko naman nang pakalmahin ang sarili ko.
Dumating kami sa office at agad niya kaming pinaghanda ng breakfast. "The maids cooked them so hindi ko sure kung masarap, sana masarap." Tugon niya habang pinapanood ko siyang maglagay ng kanin sa plato sa harap ko.
"Akala ko ba hindi ka kumakain ng luto nila?" I asked quizzically. He stopped preparing and then looked at me and smiled. "Ako lang 'yon, but I can't let you eat fast food forever. Bilin ni tita Judy sa akin dapat daw healthy ang kinakain mo, so from now on we're going to eat home-made food."
I went mum for a moment while he grinned at me likea school kid. Kailan pa siyang nagsimulang tawagin tita si mama. Nagsimula kaming kumain pero siya titig na titig lang sa akin kahit sa pagsubo niya. I smiled at him, suppressing the 'kilig' that's pooling from withing me. Saka ko tinakpan ang buong mukha niya gamit ang palad ko. "Ferris kasi!" Tugon ko na itinawa niya.
"What? Wala naman akong ginagawa." He said in between laughs. Iniiwas niya ang mukha niya na pilit kong tinatakpan. "Hindi nga ako makakain!" Reklamo ko, hinawakan niya ang kamay kong umaabot sa mukha niya saka hinalikan 'yon.
"Gusto lang kitang titigan. I am trying to memorize your every expression."
I contorted my face into a frown which made him chuckle. "Okay, sige. Saka na lang kita tititgan kapag hindi mo namamalayan." He said before sticking his tongue out. Inirapan ko siya pero tumawa lang nanaman ang damuho.
My whole day at the office was werd and nine cloud-ish. Si Ferris kasi sa opisina ko nagtrabaho. Magkaharap kaming dalawa, busy naman siya kaso ako hindi kayang mag-concentrate. Ilang beses pa nga niya akong nahuling nakatitig sa kanya. Tinutukso pa nga niya ako na crush ko raw ata siya kaya hindi ako mapakali kapag nasa harapan ko siya. Sabi ko nga sa kanya, marami akong nararamdaman kapag siya na ang nasa usapan hindi ko lang alam kung kasama ang 'crush' doon. At saka, matatanda na kami para sa term na iginigiit niya sa'kin.
"Ferris, may tanong ako pero kapag ayaw mong sagutin pwede namang hindi." I muttered during lunch. Nagpa-order lang kami ng take-out at dito na sa opisina kumain. Ayaw naman niyang bumaba kami ng cafeteria kasi gusto niya lang daw akong masolo. He smiled at me wickedly, "Sasagutin ko 'yan, baka kasi ako naman ang hindi mo sagutin, mahirap na."
I rolled my eyes at him but my cheeks said otherwise making him chuckle. Wala na ata akong ginawa ngayong araw na ito kundi mag-blush sa halos lahat ng sinasabi niya.
"So what is it you want to ask?"
I smiled at him, suddenly getting nervous. I gulped before I spoke, "'Diba sabi mo asawa ng daddy mo si Miss Suzanna? Kasal ba sila?" I just want to validate what DJ and the gang said. Ayokong sa kanila manggaling ang mga bagay na dapat kay Ferris ko lang malalaman.
He nodded his head, "Yes." His answer was brief and ending. Kaya napaisip ako na 'wag ng ipilit ang dapat na susunod kong tanong. But he cocked his head sideways before fixing his glasses. "May kasunod na tanong, what is it sunshine?" Umiling na lang ako. Partially distracted of the nickname he has given me. "Sabihin mo na, baka hindi ka makatulog." Biro pa niya.
"Baka magalit ka kasi kaya 'wag na lang."
"Kailan pa ko nagalit sa'yo?"
Napataas ako ng kilay, "Lagi! Lagi mo kaya akong sinisigawan dati." I said with a pout. He grinned at me before he took my hand into his warm palms. He rubbed it for a few seconds before planting feather light kisses there.
"Dati 'yon. I was just confused, you reminded me so much of mommy that I hated it at first. But now..." He ended his sentence with a wide smile on his lips. "Now, what was the follow-up question?"
Napabuntong hininga na lang ako, "Bakit De Guzman pa rin ang gamit ni Miss Suzanna kung kasal sila ni Sir Mateo?"
"You can call him tito Mateo, sunshine." Nakibit balikat lang siya, "I don't know, siguro para hindi magkaroon ng issue dahil nagtratrabaho na siya rito dati pa bago pa sila ikasal ni dad."
"Ah." Sagot ko sabay tango. Bigla siyang napangiti at kumurot sa ilong ko. "I like how you get curious about me, that means you're eager to know me as much as I am eager to know every bit about you." I felt my cheeks burning crimson again, si Ferris lang ata ang kakilala kong may kakayahan na magseryoso tapos biglang magpapakilig.
BINABASA MO ANG
Stonehearts 4: Diamond
Romance| COMPLETED | 21 November 2016 - 30 March 2017 | Stonehearts Series #4 | Just like how valuable her birthstone is, Minerva Diamond Timbresa is her parents' one and only, precious baby. Born on the 23rd of April, Aya is absolutely like her birthstone...