"Hi goodmorning. Bumili na ako ng breakfast mo, nag-breakfast ka na ba?" Bungad sa akin ni Ferris nang nakapasok ako sa opisina. Ilang araw na siyang ganito, ilang araw na niya akong binibilhan ng breakfast at lunch, minsan nahahabol pa pati dinner. Simula ng nangyari, naging ganito na siya. Kung ilang na ako dati sa kanya, mas ilang ako ngayon. Dagdag mo pa ang mga sinabi niya nang akala niyang tulog ako. Hindi ko maialis sa isip ko 'yon.
"Ah-eh, h-hindi pa. Medyo late kasi akong nagising." Sagot ko habang nagbababa ng gamit. Nginitian niya ako saka siya nagpunta sa opisina niya para kunin ang mga pinamili niyang Jollibee breakfast. Naupo siya sa harap ko saka inayos ang mga pagkain, "Ferris ako na." Suhestiyon ko sabay abot sa kanya ng isang box. Sabay kami ng aabutin pero nauna lang ako sa kanya ng ilang segundo, kaya naipatong niya ang kamay niya sa kamay ko. Agad akong napatitig sa kanya habang siya nakangiting nakatingin sa magkapatong naming kamay. Bumawi ako kasabay ng pamumula ng pisngi ko pero siya tulad ng dati, patay malisya lang.
I cleared my throat before I settled in my seat. Nagsimula na siyang kumain na parang walang nangyari, samantalang ako biglang nanlamig. "M-mahilig ka s-sa fast food no?" Sambit ko para may iba akong isipin. Tumataas nanaman kasi ang tensyon sa ulo ko.
Napatigil siya sa pagnguya saka tumingin sa akin ng diretso. Napaiwas ako ng tingin at nagsimulang hatiin ang itlog sa pagkain ko. "Dati kasi nang na-ospital na si mom, ito ang lagi niyang pinapabili para may kakainin ako. Ayoko kasi ang luto ng mga maids namin noon."
"Bakit naman?"
"Kasi hindi luto ng mommy ko." He said with a boyish tone. I wonder kung kanino pa siya nagsasabi ng mga ganitong bagay. Kay Bona? Nah, Bona's not the type to listen to these type of things.
"Hindi rin naman luto ng mommy mo ang mga pagkain Chowking at Jollibee." Biro ko. He laughed softly, "Alam mo ikaw, sa lahat talaga may sasabihin ka." But he said it in an amusing manner. Nagkibit balikat na lang ako sabay balik ng atensyon ko sa pagkain sa harap ko.
"Ang cute mo eh." Sambit niya ng mahina. Napataas ako ng tingin at napatitig sa kanya na kanina pa pala nakatitig sa akin. Seryoso na ang expression ng mukha niya. Gusto kong umiwas ng tingin, gusto kong ibahin ang usapan, pero wala na akong ibang nagawa kundi lumunok na lang. "Kaya kita..." Dagdag niya saka siya huminto dahil biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.
Si Miss Suzanna na may hawak na mga papeles, "Aya may- oh..." Tugon siya habang nakatitig sa aming dalawa. Dinalaw ako ng hiya kaya namula ako sabay tayo.
"P-po miss Suzanna?" I murmured, hindi ko nga alam kung naririnig pa ba niya 'yon.
"Makakapaghintay naman 'yan siguro." Agaw ni Ferris sa atensyon. Nakabusangot na siya at halos hindi maipinta ang mukha. Boy sungit is back in the house.
Naglaro ang titig sa amin ni Suzanna saka siya napalunok at napatango. "Ah oo n-naman. B-babalik na lang ako m-mamaya rito." Sagot siya sabay madaling umalis.
Sinarado ko ang pinto sabay buntong hininga. "Trabaho ko 'yun Ferris, sana hindi mo pinaalis si miss Suzanna." Mahinang tugon ko habang nakasandal sa pinto.
Pinagtaasan niya ako ng kilay, pero nakasimangot pa rin siya. Ako naginahawaan dahil hindi niya naituloy ang mga sasabihin niya. "Hindi ko siya pinaalis at saka kumakain pa tayo." Matigas na tugon niya. Para siyang batang mapagsabihan, ayaw makinig.
"Pero start na ng shift ko." Sabi ko sabay lingon sa wall clock na nagsasabing 8:45 na ng umaga. Sinundan niya ang tingin ko bago niya ibinalik sa akin 'yon.
BINABASA MO ANG
Stonehearts 4: Diamond
Romance| COMPLETED | 21 November 2016 - 30 March 2017 | Stonehearts Series #4 | Just like how valuable her birthstone is, Minerva Diamond Timbresa is her parents' one and only, precious baby. Born on the 23rd of April, Aya is absolutely like her birthstone...