Twelve

42.8K 923 27
                                    

Pagatapos ng insidenteng iyon, hindi ko na lubos naintindihan ang ugali ni Ferris. He goes hot and cold on me. Minsan okay kami, binibilhan niya pa nga ako ng lunch, pero madalas magkaaway kami. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nasanay na rin ako sa pagsigaw niya sa'kin.

"Aya Timbresa! Where's my drink?!" He bellowed in his office. Napatingin ako sa orasan. Nalimutan ko! Kasi naman! Sadamakmak nanaman ang inuutos niya sa akin at talagang kailangan kasama last name sa pagyawyaw niya.

"Sandali lang! Maghintay ka jan!" Inis na sagot ko saba tayo.

"I don't fucking wait for something secretary! Move it!" Sagot niya. Mas lalo kong binagalan ang kilos ko at umirap ng patago.

"Pwes ngayon matututo ka! Maghintay ka, sandali lang!" Sigaw ko muli. Buti na lang kamo, kaming dalawa lang ang nasa floor na ito kundi narindi na siguro ang mga kasama namin dahil araw-araw kaming nagsisigawan.

Pero kahit na sukdulan ang inis ko sa kanya most of the time, pinapakisamahan ko na lang dahil tinulungan niya akong pagtakpan ang nangyari kila mama.

"Get your bag. Ihahatid na kita." Sambit niya sabay tayo. Ihahatid? Ihahatid niya ako sa bahay namin? Napailing ako.

"'Wag na. Magpapasundo na lang ako kay-" Napahinto ako at na-realize na hindi nga pala ako pwedeng magpasundo kay Bryce. Kapag nakita niya ang kalagayan ko for sure magsasabi 'yun kila mama at papa at kapag nangyari 'yun baka tuluyan na nilang ipilit na sa bahay na lang ako manatili.

"So? Kanino ka magpapasundo?" He asked again while he's busy texting on his cell.

"Ah-eh. Wala, sa uber driver ganun. Basta, okay lang ako Sir. Kaya kong umuwi mag-isa." Pilit ko muli pero mukhang hindi niya ako pinapakinggan.

Tinititigan ko lang siya habang nagtetext hangga't sa natapos siya. Binuhat niya ang bag ko bago siya humarap sa'kin at nag-ayos ng salamin. "I already cancelled my meeting. I'll take you home. Kapag hindi ka pa tumayo diyan, bubuhatin kita."

It wasn't a threat. I keep reminding myself that it wasn't a threat but I just found myself standing up. "Oo na nga. Sige na. Akin na bag ko." Inis na tugon ko habang nakasimangot. Napatalikod ako sa kanya at nagsimulang magmarcha papunta sa pinto saka ko siya narinig na tumawa. Napahinto ako at napalingon sa kanya.

He immediately put on a straight face and fixed his glasses. "Let's go." Tawag niya at nagmadaling lumabas ng opisina.

Nagatubili pa akong sumakay ng sasakyan niya nang una, kasi naman ayokong may makakita sa'min at pagtsismisan lang kami pero sinigurado naman niyang walang tao sa parking lot. Lumilinga pa rin ako sa paligid nang bigla niyang pinukaw ang atensyon ko.

"There's nothing wrong with you riding my car Aya. Your my secretary, if someone asked you then tell them we went to meet a client."

"Jusko, baka pang-abutan nanaman ako ng katarayan ng girlfriend mo." Sagot ko.

"Bona's not my girlfriend." He said in an instant as he drives up the parkway. "She's just a friend." Why do I feel like I solicited personal infos about him. Nanahimik na lang ako dahil ayoko ng masundan pa ang mga sinabi niya.

'Di daw girlfriend pero dinedate, binibigyan ng bulaklak. Sus! Lokohin mo lela mo.

Napairap na lang ako at piniling hindi siya barahin dahil may hihingin rin lang naman akong favour sa kanya. 'Yun ay ang 'wag sabihin kay mama ang nangyari, in short magsinungaling siya para sa'kin na ginawa naman niya.

"What took you so long?!" Inis na sambit niya nang naibigay ko na sa kanya ang Milo niya.

"Sabi ko maghintay ka. Hindi ka naman bingi." Sagot ko habang inaayos ang mga papeles na nakakalat sa mesa niya. "Tapos ito! Inayos ko na 'to tapos ginulo mo nanaman, mamaya magagalit ka nanaman sa akin."

Sumandal siya sa upuan niya habang masayang iniinom ang Milo niya. "Kaya nga andiyan ka, to do things for me."

"Do things for me mo mukha mo. Sige na, tawagin mo na lang ako ulit kapag natapos ka ng uminom jan." Pagpapaalam ko at nagtungo pabalik sa opisina ko.

"Aya.." Muling tawag niya bago pa ako makalabas, napahinto ako at napatingin sa kanya. But he quickly shook his head and looked away. "No it's nothing. Carry on."

I was about to asked him what he wanted to say but quickly shrugged off those thoughts, if he don't want to tell me then let the idea be a secret.

Stonehearts 4: DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon