12. You are Mine

19.2K 469 24
                                    

ABBIE'S POV

Nakatatlumpung katok na ako sa pinto ng condo ni Brit pero wala pa ring sumasagot man lang mula sa loob. Sinabihan nya kasi ako na pumunta sa condo nya at dito na kami magdinner pero mukhang wala namang tao. Pagtalikod ko, saka naman biglang bumukas ang elevator sa left side ng hallway at saka bumaba doon si Brit na may dalang paperbags.

"Hey!sorry, kanina ka pa ba?"nag aalalang tanong nya nang makita ang sambakol kong mukha.

"Mga 10 minutes siguro."sagot ko sa kanya sabay kuha ng mga dala nyang groceries.

Agad nyang binuksan ang pinto ng unit nya at saka kinuha yung isang bag sa akin at pumasok sa unit.

Inilapag ko sa table ang paper bag at saka umupo sa stool na nasa kitchen top nya. Nakapalumbaba ko syang pinanood habang inaayos ang mga pinamili nya.

"Bakit di ka na lang nagpasama sa akin para natulungan kitang magbitbit?"tanong ko sa kanya.

"Eh wala naman kasi akong balak maggrocery, bbili lang sana ako ng red wine kaso kung ano ano nang nadampot ko."nakangiwing sabi nya.

Napailing iling na lang ako sa kanya. Napakaimpulsive kasi ng babaeng ito.

"Tulungan na kitang magprepare.."offer ko sa kanya habang nilalabas nya sa paperbag ang mga pagkain na binili nya.

"No, just sit back and relax."nakangiting sabi nya sabay tulak sa akin paupo.

Nagdinner kami at ako na ang naghugas ng pinagkainan kahit na ayaw nya sana. Pagkatapos ay hinila ko sya sa sala para manood ng movie. Kinuha ko ang backpack ko at inilabas ang mga DVDs na binili ko sa kapitbahay namin. Pinapili ko sya at isinalang ko ang movie entitled The other side of the door.

Nasa couch kami, nakaupo ako habang sya naman ay nakaunan sa hita ko. Hinahaplos haplos ko ang buhok nya nang biglang lumabas yung halimaw sa movie kaya napaupo sya at napayakap sa akin. Tawa ako nang tawa dahil sa takot pala sya pero husto nya ng horror movie. Kaya ang nangyari, magkayakap kaming nanood.

Nasa climax na ang movie kung saan ineexorcise na yung bata nang biglang may kumatok sa pintuan. Napayakap sya tuloy sa akin sa gulat. Mga alas onse na kasi ng gabi and very unlikely na may kumatok pa sa unit nya.

"Buksan mo please."mahinang pakiusap nya sa akin.

Agad naman akong tumayo at sinilip ang pinto. Isang lalaki ang nakita ko. Binuksan ko ang pinto pero hindi ko tinanggal ang chain. Gusto kong makasigurong kilala ni Brit yung lalaki.

"Yes po?"tanong ko nang mapagbuksan ko sya.

Medyo puzzled sya dahil hindi ako ang inaasahan nyang magbubukas ng pinto pero sinagot nya ako.

"Nandyan ba si Brit?"mahinahong tanong nya sa akin.

"Sino po sila?"tanong ko kahit may hinala na ako kung sino sya.

"Im her boyfriend,is she there?"

Naramdaman ko ang pag init ng tenga ko nang marinig ko ang sinabi nya, senyales na nagagalit ako.

"Ahm, sorry!"kinakabahang sabi ni Brit sa akin at inilayo ako sa pinto.

Tumalikod ako at pabagsak na humalukipkip sa couch. Nakita kong binuksan nya ang pinto at lumabas sya para harapin yung lalaki. Naiinis na tumayo ako para sundan sya.

Saktong papasok na sila ng elevator nang lumabas ako ng unit nya.

"Where are you going?"nagpipigil na tanong ko. Gusto kong manapak ng lalaking unggoy.

"Ihahatid ko lang si Lawrence.May pag uusapan lang kami sandali."parang nakikiusap ang mata nyang nakatingin sa akin.

"Bilisan mo ha. Five minutes."may himig nang pagbabanta ang boses ko.

Gigil na tumalikod ako at pumasok muli sa unit nya. Naiinis ako. Alam ko na di tama ang nararamdaman ko dahil wala naman akong karapatang magselos pero shit lang!Nagseselos ako!

Makalipas ang ilang minuto, pumasok si Brit at yumakap sa akin.

"Ano, kayo pa ba??!"nanggigigil na tanong ko.

"Nakipagbreak na ako sa kanya last month pa, di nya lang matanggap."naglalambing na sabi nya habang nakayakap sa akin, nasa gilid ko sya.

"Siguraduhin mo lang ha. Ayoko nang may aali-aligid sayo ha!"nanggigigil talaga ako sa kanya.

"Opo..promise wala na po."nakataas pa na parang namamanata ang kanang kamay nya.

"Waaaiit nga!!!ARE YOU JEALOUS??!"Malakas na tanong nya sa akin.

"Hindi noh!! Im not jealous!!"defensive ang pagakakasabi ko nun. I know..

"You are jealous!"she exclaimed.

"Hindi ako nagseselos."mahinang sabi ko.

"Liar,liar!!"umiikot ang mata nya habang sinasabi iyon.

"Sige, irapan mo pa ako at makakatikim ka sa akin."pagbabanta ko sa kanya.

"Basta masarap yang ipapatikim mo, okay lang sa akin!" nakaguhit ang pilyang ngiti sa mga labi nya.

Gigil na hinatak ko sya paharap sa akin. Nakakandong sya sa lap ko. Hinila ko ang batok nya at hinalikan ko sya. Agad naman syang tumugon sa halik ko. Naghahabol kami pareho ng hinga nang maghiwalay ang mga labi namin. Nakapikit na idinikit ko ang noo ko sa noo nya.

"Yes, I am jealous. I am jealous with each and every person you talk to and laugh with. I wanna be the one to make you smile and laugh.I want to be the one you cuddle with and be with all the time. Ayoko na makipagrelasyon ka sa iba Brit, nasasaktan ako."seryoso at mabilis na sabi ko sa kanya.

I saw how her eyes widen with disbelief and excitement. I just confessed! I was not able to control my mouth. It spilled the words before I can even think about what to say.

Lumamlam ang mga mata nya at bigla nya akong niyakap.

"Does this mean na tayo na??Girlfriend na kita??"excited na tanong nya.

"You know na bawal sa school,right??"paninigurado ko. Ayokong magkaproblema kami pareho in the future.

"Yes, I know!! And I love you too, kahit di mo pa sinasabi yun!!!"niyakap nya ako habang nagtatatalon sya.

"Thank you!!I swear, hindi ka magsisisi!I will the best girlfriend ever!!" Malakas na sabi nya.

Natatawang niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi.

"Mahal kita, Brit"nakangiting sabi ko.

Nalukuhang niyakap nya ako at hinalikan ko ang noo nya. I held her closer and tighter.

Well, KAMI NA!!!:)

Falling for the SeductressWhere stories live. Discover now