21. Unrequited Love

13.6K 333 32
                                    

ABBIE'S POV

Marahan ko syang hinahalikan sa leeg habang ang left hand ko ay nakatukod sa kama at ang kanang  kamay ko ay naglalakbay sa tummy nya, papunta sa hips.. pataas muli sa tiyan at sa ilalim ng kanyang kanang dibdib.

"Hmm.."isang mahinang ungol ang narinig ko mula sa kanya.

I stared at her as she slowly opened her eyes to turn her head and  look at me.

"Honey?Bakit di ka nagsabi na pupunta ka?Sana hindi muna ako natulog.. anong oras na ba?"puzzled na tanong ni Tatiana habang nakalingon sa akin.

I kissed her cheeks at tuluyan na akong humiga sa likod nya, spooning her.Niyakap ko sya ng mahigpit.

"It's okay, it's 2AM anyway... namiss lang kita.. gusto kitang makatabi matulog.."mahinang sabi ko sa kanya habang lalo syang hinahapit.

"Hmm... hindi ako makahinga honey ko.."reklamo nya.

I released her and she turned to face me. She stared at me bago kumunot ang ilong nya.

"Damn.. have you gone on a drinking spree with Jae again???!You stink!"she said, pinching her nose. She hates the smell of alcohol lalo na kapag hindi sya uminom. Unfair daw.

"Yes, ewan ko dun kay Jae..bigla biglang nagyaya.. eh alam mo naman yun, pag di ko sinamahan baka kung kanino pa sumama."pagsisinungaling ko.

Ang totoo, ako ang nagyaya ng inuman matapos ang pagpunta ni Britney sa opisina ko kanina. I somehow felt guilty for Tati because I fuckng kissed that woman and I liked it. How I wanted to take her but I hate her. I hate her. I hate her.Tangina. de Puta. I hate that woman.

I kissed Tati, trying to erase what I did earlier. She immediately kissed me back as her hands went to my neck and embraced me. I inched from her lips and kissed her cheeks papunta sa kanyang kanang tenga. I bit her earlobe bago ko hinalikan ang leeg nya, katulad nang ginawa ko kay Brit kanina, leaving red marks there. My mouth went to her chest and I bit the top of her chest and sucked her skin,marking her like what I did to---SHIT! 

"Shit!" Hindi ko na namalayan na napamura ako. Ibang tao ang naiisip ko. Bullcrap.

"Honey?.. what's wrong..?" Tati held my head and pulled my head  to face her.

I can't fcking look at her now. Guilt is slowly consuming me.

"Hey, anong problema? Come on honey, look me in the eyes.."kunot ang noo nya habang pilit hinuhuli ang mga mata ko.

"I know there is something wrong. Tell me about it." she pushed on the topic.

One thing I loved about Tati is that she knows my expressions too well. Mas alam nya pa na may problema ako bago ko pa mafigure out na may problema ako just by looking at my face.

"Honey?It's okay, you can tell me."nakakaunawang tinitigan nya ako.

"It's nothing, Honey.." I said, trying to convince her. I kissed the tip of her nose.

"Hmm.. Tell me, please.."she said, staring at me intently.

Kinabahan ako, alam kong mababasa nya ako kapag tinitigan nya ako.

Iniwas ko ang mata ko sa kanya.

"Pinuntahan ka na nya sa opisina...."parang tanong iyon when in fact, sinasabi nya iyon na parang statement as if siguradong sigurado sya.

"Anong ginawa nyo?"nanlaki ang mata ko sa tanong nya.. Is she some kind of a psychic?..

"Honey, wala kaming ginawa. Alam mo naman kung gaano ako kaallergic sa babaeng iyon."depensa ko sa kanya.

"Anong ginawa mo sa kanya?"nakatitig lang sya sa akin.

Shit.. she'll find out, I know.

"I kissed her. Because she slapped me! It's a punishment! I'm sorry honey.. please forgive me." Naiiyak na sabi ko sabay yakap sa girlfriend ko.

She pulled me in a hug..nakaupo na kami sa kama habang umiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit pero basta bigla nalang akong umiyak. I am scared. I am scared na masira pa kung anong meron ako ngayon. Britney is nothing but trouble. My life is almost perfect now. I have my dream job, I have my dream life, dream house, almost perfect  girlfriend, best friends... lahat ng gusto ko, nasa akin na. I am okay. Well, I know I was okay. Until she showed up in the picture, again.

"Huwag kang magalit Honey.. ikaw lang ang mahal ko."I whispered.. she did not talk.. hinahaplos nya lang ang mahaba kong buhok.

"You know that I love you, right?"she said.

"Yes, and I love you too.. "I whispered sa pagitan ng pagsigok ko.

Iniangat nya ang mukha ko and stared deep in my eyes.

"Hindi ako galit sayo, Hon. I understand what you feel. And I love you just the same. Hindi mababawasan ang pagmamahal ko dahil lang hinalikan mo ang ex mo kanina.. hindi kita iiwan..hindi kita aawayin..hindi kita huhusgahan...hindi ganun kababaw ang pagmamahal ko sayo, Abbie. I have taken too much bago ka pa man maging akin, kaya hinding hindi kita pakakawalan."she said.

It was kinda obssessive but relief showered all over me. Nakahinga ako dahil hindi ko na kailangan pang itago ang guilt na nararamdaman ko.

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat, except syempre sa part na halos gawin ko na 'iyon' sa babaeng iyon. Sabi ko halik lang. Inamin ko din na naguguilty ako kaya nag inom ako at sumugod sa condo nya nang ganitong oras.

Pinagtawanan lang ako ni Tati. Ang oa ko daw kasing matakot. Sa totoo naman. I judged her. Inisip ko na kapag nalaman nya, makikipag break sya sa akin. Nakalimutan ko na matured na nga pala ang girlfriend ko.

Nagutom ako kaya naman kahit mag aalas kwatro pa lang ng madaling araw ay ipinagluto ako ni Tati ng pasta at french toast.

Hinalikan ko sya nang mariin sa noo. Buti nalang at sya ang naging girlfriend ko. Napakaswerte ko kaya sa kanya.  Nakatulog kaming dalawa nang magkayakap.

***

10AM na nang magising ako next morning, as expected, wala na sya sa tabi ko. Hindi na siguro iyon nakatulog. Naligo ako at nagpalit ng tshirt at pantalon.. May mga damit na din naman ako dito sa condo ni Tati.Nagsuot ako ng sweater bago ako lumabas kasi malamig na.

Naglakad ako papunta sa bakeshop nya at saka iniscan ng mata ko ang loob ng bakeshop  nang makita kong wala sya sa counter. Nakita ko si Tati na nakaupo sa sulok na table kasama si Jae, Natalia at isa pang babaeng nakatalikod sa side ko. Nagmamadali akong lumapit para batiin sila. Hinalikan ko si Tati sa labi at saka bumeso kina Jae at Natalia bago humarap sa estranghera. Pagharap ko ay agad na kumulo ang dugo ko.

"Hindi ba sinabi kong huwag na huwag kang magpapakita sa girlfriend ko??!"nagtitimping sigaw ko sa babaeng walang iba kundi si Britney.

Falling for the SeductressWhere stories live. Discover now