19.The Seductress is Back

14.4K 330 28
                                    

BRIT'S POV

"No..Abbie loves me, I know that..panakip butas lang si Tatiana.."pangungumbinsi ko kay Ken habang pilit na kinukuha ang address ni Abbie.

"That's not what I saw.. Abbie loves Tati, besides, masaya naman na yung dalawa.. why not let them be happy?"Ken stated.

"Because I know that Abbie will only be happy, REAL HAPPY, with me..I love her and she loves me..I'll win her back"

"You're not supposed to be a "kontrabida" in this story, you know..You love Abbie and Tati is our bestfriend, so it's best if you just let them be with each other and you should start moving on Britanya..."Jae told me while eating   a ton of cotton candy.

I gave her an unbelieving look, wala akong kakampi! Lahat sila gustong mag isa ako at ipaubaya ang mahal ko sa iba??!.

"Akala ko ba bestfriends ko kayo?Bakit nyo ko ginaganito?I am a woman. Pupuntahan ko sila Abbie. Kung talagang makita kong masaya na sya, then I'll let her go. Pero kung ginagawa nya lang panakip butas si Tati, then I'll get her. Ano bang akala nyo sa akin, hindi nag iisip??"inis na sabi ko.

"OO!!" sabay sabay pa silang tatlo.

"Seriously dude, tama na ang pananakit mo kay Abbie. Masaya na sya, maging masaya ka na din."it's Jae again.

"No!You'll give me what I want or you'll see me  hanging myself!"pananakot ko sa kanila.

Afraid of knowing Ill do as I say, they reluctantly gave me every detail I need to know.

Kasalukuyan ako ngayong nasa eroplanong palapag na sa Singapore. Inaayos ko ang mga gamit ko while contemplating my scheme pag nakaharap ko na si Abbie. Nanlalamig ang kamay ko at dumadagundong ang dibdib ko.

Dumiretso ako sa hotel na ipinabook ko two days ago. I took a shower and I slept first to ease my jetlag.

I woke up at 7am in the morning dahil sa doorbell. I looked at the peephole and saw Jae. I immediately opened the door.

"How did you know that I'm here?"I asked her while walking towards the sofa.

She sat on the seat next to me at ibinaba sa center table ang dalawang brewed coffee at isang box ng assorted breads.

"I have connections, besides, you're in my territory."pabalewalang sabi nya.

Jae is also based here in Singapore. Her family owns a couple of business here.

I took a sip of the coffee and opened the box.
I took a bread and had a bite on the cream cheese bun.

"Masarap ba?"tanong nya sabay smirk sa akin.

"Yup,it's good.."I told her while chewing.

"Masarap talaga yan, gawa yan ni Tati."she said.

Agad akong nawalan ng gana at ibinaba ang tinapay and glared at Jae.

"Why?You love her bakes..bakit kung makatingin ka ngayon parang diring diri ka?"

"Kasi inagaw nya sa akin si Abbie."madiing sabi ko.

"Kung totoong kaibigan sya, hindi nya sasamantalahing mahina si Abbie para maagaw sa akin. Alam ko na din na gusto nya si Abbie kahit na nung kami pa.Ang kapal ng mukha nya!"gigil na sabi ko.

"Hindi nya sinamantala. Iniwan mo si Abbie kaya nagkadevelopan sila.Umuwi ka na ng America!"madiing sabi ni Jae.

Napatayo ako. Nanginginig ang kamay ko sa galit..

"Hindi ako aalis! Umalis ka na! I thought you understand! You call yourself a friend??! I never cheated on Abbie! I only did what I can para matulungan ang parents ko! Labag sa loob ko ang iwan at saktan sya! Please...umalis ka na lang Jae kung hindi mo ako maintindihan.. get out!"

Napaupo akong parang nauupos sa sahig. Gusto kong maglumpasay. Pinipigil ko ang sarili kong maglumpasay na parang bata pero bakit parang walang nakakaintindi sa akin?Feeling nilang lahat aagawain ko si Abbie, samantalang ako ang inagawan! Fcuk them all! Napahagulgol na ako at kumawala ang mga luhang pilit kong pinipigil mula pa nang malamang may iba nang karelasyon ang babaeng mahal ko.

"Mahal na mahal ko si Abbie. Mahal na mahal...Hindi ko ginustong masaktan sya.Kaya nga hindi ko kayang makarinig ng kahit ano tungkol sa kanya.. di ko kayang marinig na nagsisimula na sya ng buhay na wala ako... Ang gusto ko lang noon, matulungan sila Mama..natakot ako para kay Papa dahil baka ikamatay nya ang nangyari.. gabi gabi akong umiiyak alam mo ba?.. alam iyon ng asawa ko."mahina kong sabi..

Gusto kong maintindihan nila ako.. wala man lang nakakaintindi sa akin..

Naramdaman ko na lang ang mainit na mga brasong yumakap sa akin kasabay nang mahinang sorries ni Jae.

***

"Hi, Can I talk to Ms. Abbigaile Chase please?"nakangiting bungad ko sa receptionist ng IT company na pinamamahalaan ni Abbie. I am impressed, I heard a lot of good comments about the company.

"Do you have an appointment, madam?"the blonde receptionist eyed me from head to toe.

"Just tell her it's Britney Lee. I am a friend."nakangiting sabi ko pa din.

Kinakabahan ako dahil baka dito pa lang sa reception ay ipatapon nya na ako sa labas kaya ganun na lang ang relief ko nang lumapit sa akin ang isang chinitang babae.

"Good afternoon, Mrs Lee.I am Madison Fukawa, Ms Chase' secretary. Kindly follow me."nakangiting sabi nito.

Nakatanga naman yung receptionist na para bang nagulat dahil sinundo pa ako mismo ng secretary ng boss nila.

Hindi ko napigilang ngisian sya pagdaan ko at taas noong sumunod kay Madison.

Sumakay kami ng elevator at habang paakyat kami ng paakyat papuntang 4th floor ay lalo namang lumalakas ang kabog sa dibdib ko.

Pinaupo nya ako sa waiting area kung saan may couch at sinervan ako ng Raspberry tea. Lalo akong mamamatay sa nerbyos lalo na at nasa meeting pa pala si Abbie.

"The meeting will end soon."nakangiting sabi ng secretary nya sabay pasok ulit sa conference room.

Mga five minutes after ay nagbukas ang pinto ng conference room at naglabasan ang mga tao na mukhang mga employees nya dito. Mukhang nagpromote sya ng nga tao dahil halata ang saya sa mga tawanan at kantyawan nila.

Lumabas ang kahuli hulihang tao ngunit wala akong nakitang Abbie. Nag iisang lumabas ang secretary nya at saka ako niyaya papasok sa conference room.

Shocks! Lupa...lamunin mo na ako.. grabe..  natatakot na ako. bakit parang feeling ko, papasok ako sa impyerno?..

Falling for the SeductressWhere stories live. Discover now