24. Burying the Hatchet

12.3K 345 22
                                    

***here you go peeps!!!***


ABBIE'S POV

Nahihilo pa din ako mula nang maalimpungatan mula sa pagkakayukyok sa gilid ng sofa na hinihigaan ni Tati. Ramdam ko ang isang bagay na nakasandal sa likod ko kaya dahan dahan kong inangat ang ulo ko para tignan kung ano iyon. Yumuko ako para tignan kung ano ang nasa lap ko at doon lang nag sink in na may nakayakap sa akin. Dahan dahan akong lumingon para makita kung sino iyon and to my surprise, it was Brit. Inangat ko ang tingin ko sa tulog na tulog na si Tati bago muling ibinalik ang tingin ko kay Brit. Nakasandal sya sa likod ko habang nakayakap sa akin. Ang hirap ng posisyon namin dahil naka indian sit ako kaya nakasalampak din sya sa floor.

Dahan dahan kong idineretso ang likod ko habang nakaalalay sa ulo nya at saka sya inihiga sa carpeted na sahig. Ayoko syang gisingin dahil magigising din ang inis ko sa kanya. It's better this way.

Inayos ko ang pagkakahiga nya, rinig ko sa labas na nagkakantahan pa din sila so I'm sure na di pa umaga. Humiga ako patagilid sa kanya at tinitigan ang payapa nyang mukha. Namamaga ang mata nya na mukhang umiiyak hanggang makatulog.

Ilang beses ko bang pinangarap na bumalik ka? Ilang beses ko bang hiniling na sana isang araw dumating ka at mag sorry sa akin at mangakong hindi ako iiwan pang muli? Ilang beses bang inisip ko na sana makabunggo kita habang naglalakad ako kagaya noon, nang sa ganon ay matangay kita palayo sa desisyong ginawa mo? Ilang beses kong hiniling na bumalik ka para buhayin muli ang puso ko?  Matagal akong naghintay para sa pagkakataong ito. Ilang beses ko bang ipinagdasal na mangyari muli ito, ang makatabi ka sa pagtulog at titigan ka? Hindi ko na mabilang at alam kong kailanman ay hindi ko mabibilang pwera na lang kung bibilangin ko isa isa ang mga gabing wala ka sa aking tabi. Napakahabang listahan ng mga gabi ng pangungulila at paghiling.

Bakit bumalik ka pa? Kung kailan tanggap ko nang hindi na kita masisilayan pa. Kung kailan pinilit at nagtagumpay na akong maging masaya nang wala ka. At bakit kung kailan matapos  ang limang taon ay hindi na muli ako makatulog kaiisip sa magandang mukha mo. At kung paano ako makakasakit ng ibang tao kung ipagpapatuloy ko ang paglambot ng puso ko para sa iyo.


My life is not perfect but at least I was okay. I was settled. It would have been perfect if Brit was beside me after I graduated. She was not there but I learned to be okay. And now that I am okay, she came back to mess up everything again.

Iniangat ko ang kamay ko at masuyong hinaplos ang pisngi nya. Napakasarap sa pakiramdam na finally, nahawakan ko sya uli. She's my dream immortalized. Napapikit ako trying to feel her more..the softness and warmth of her skin against the palm of my hand..napamulat ako nang maramdaman ko ang labi nya na humalik sa palad ko. Akmang tatanggalin ko ang kamay ko ngunit mabilis nyang hinawakan ang wrist ko.

Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa habang ang labi nya ay nasa palad ko pa din. Malakas ang tibok ng puso ko na parang lalabas na sa sobrang pagwawala nito. Strange.. it's something that I've never felt for years.. until now.. 


Isinantabi ko ang galit na nararamdaman ko para sa pag iinit ng usok sa paligid ng puso ko. It's like there's something warm covering my heart. A feeling na hindi ko naramdaman sa kahit na sino pa kundi kay Brit lang.  

Mabilis  kong iniangat ang kamay ko na pigil pa din nya at inilapat ko sa likod nya bago ko sya hinila palapit sa akin. Mabilis kong tinawid ang pagitan namin at mariin syang hinalikan sa labi. Napapikit kami pareho pagkalapat ng labi namin sa isa't isa. Hindi nga ba't hinalikan ko din sya noong una ko syang nakita ulit. Brit is my achilles heel..kahit na anong galit at pagkamuhi ko sa kanya ay sya pa din ang kahinaan ko. Isa pa rin akong tangang baliw na baliw sa kanya. Sinasabi kong galit ako sa kanya but now, I am cheating on my girlfriend because of her. She brings out the best and the worst in me.


Matagal at mariin ang mga halik namin sa isa't isa. Trying to make up all those times that we were not together. Kinabig ko sya lalo and invaded her mouth. Sabik na sabik ako sa lambot at tamis nito.. Naramdaman ko ang kamay ni Brit sa aking ulo habang nilalaro at hinahaplos ang mahaba kong buhok. Ang mga kamay ko ay humahaplos at pumipiga sa kanyang likod at bewang..


Hindi ko man gusto ay kinailangan ko nang ihiwalay ang labi ko sa kanya. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Walang may balak na sumira sa katahimikan.. Brit smiled at me.. hindi ko pa din makuhang suklian ang ngiti nya dahil mabigat pa din ang loob ko kaya nagkasya na lamang ako sa pagtitig sa maganda nyang mukha. Hinayaan ko syang haplusin ang mukha at buhok ko at ninamnam ko ang bawat dantay ng malambot nyang palad sa akin.

She leaned closer and kissed the tip of my nose like I used to do to her. Kinintalan nya ng mumunting mga halik ang buong mukha ko habang nakayakap pa din sa aking bewang.

"I love you..."mahinang sabi nya sa akin habang nakangiti.Ramdam ko man na mahal nya pa ako ay hindi ko pa din magawang tugunan iyon.

Galit pa din ako sa kanya. Mabigat ang loob ko na walang ibang nakakakontrol at nakakapagpadama sa akin ng ganito bukod sa kanya pero hindi pa din mawala sa isip at puso ko ang ginawa nya sa akin noon.

I always knew that she was trouble. Simula pa lang noong unang araw na magkabunggo kami, hanggang sa mga pangungulit nya sa akin, hanggang sa maging girlfriend ko sya.. nang iwan nya akong bigla para magpakasal sa iba .. at ngayong  nagbabalik sya para guluhin ang tahimik ko nang buhay.. but it's one of her characteristics that really drawned me to her.. her being a trouble... my favorite kind of trouble...

Falling for the SeductressWhere stories live. Discover now