17. Changes

13.8K 350 13
                                    

ABBIE's POV

Pupungas pungas na pinatay ko ang alarm sa bed side table. Hinatak ko ang blanket at itinakip sa ulo ko. Araw ngayon ng Linggo kaya wala akong pasok.Napakalamig ng panahon ngayon dahil magpapasko na.

It's been two years mula nang ipadala ako ng company dito sa Singapore para maging manager ng maliit na branch ng IT solutions na itinayo nila rito. Isa kasi itong sugal, sa dami ng mga kumpanyang nagtataasan at nagpapagalingan sa bansang ito, isang malaking challenge para sa amin ang makuha ang atensyon ng mga kliyente, well so far, maganda naman ang standing namin at stable kami.

Matapos ang mahigit dalawang taong pagtratrabaho sa kumpanya ni Mr.Lorenzo, ipinagkatiwala nya sa aming team ang expansion dito.Madami na ring nagbago sa akin, physically,mentally at financially.. I am now a full grown and confident woman.

Humihikab pa akong tumayo at nagroast ng kape sa coffee maker sabay bukas ng laptop ko na nasa kitchen counter.

Napangiti ako nang makita ang message ni Ann na ngayon ay nasa Junior High na. Ang kambal naman ay first year highschool na din. Inabutan kasi sila ng k-12. Madalas kaming magskype ni Ann. Si Tatay ay retired na sa construction at meron siyang water refilling station na pinagkakaabalahan nya. Agad akong nag online sa Skype para kamustahin ang kapatid ko at sina Itay.

"Hi ate!!"masayang bati ni Ann.

"Kamusta kayo dyan? Wag kang maggala ha. Tulungan mo si Tatay."bilin ko habang humihigop ng kape.

"Haynaku Ate, ang aga aga no.. huwag kang mag alala, okay na okay kami dito! At saka hindi naman namin iniiwan si Tatay."taas noong sagot ni Ann.

"Hoy! Kayong mga bugoy kayo, ang aga aga walang kayong pang itaas, naglaro na naman kayo ng basketball. Naglinis na ba kayo ng bahay?" Sigaw ko doon sa kambal na nakita ko sa background na halatang kapapasok lang ng bahay.

"Ate!!ate!!! Yung shoes na pinakita ko sayo,may nakita ka ba dyan??"excited na tanong ni Ralph.

"Oo.. nakapackage na oh"sabay tutok ng camera sa box na ipadadala ko sa Pinas.

"Yes!!!thank you ate!!"masayang sigaw ni Ralph.

Nakangiting pinanood ko lang ang mga kapatid ko habang nagkukulitan sila. Hindi ako nanghihinayang na padalhan sila ng mga gusto nila dahil magaganda naman ang standing nilang lahat sa school. Ganito lang ang usual ng Sunday morning ko, nakikipagkwentuhan sa pamilya ko pagkagising sa umaga.

Nang ibaba ko ang videocall sa Skype ay sakto naman bumukas ang pinto ng condo ko at iniluwa noon ang pagkabango bango at napakagandang babae. Nakangiti sya habang may hawak na paperbag mula sa pinakasikat na bakeshop dito sa Arlington District.

"Hey, sexy" I huskily greeted her after giving her a kiss on her soft luscious lips.

"Sexy your face!kasasabi lang sa akin ng isang kitchen assistant ko na tumataba ako!"nanghahaba ang nguso na wika ni Tati.

"Yes, you gained weight, pero napakaganda at sexy mo pa rin honey."I smiled habang ipinupulupot ang mga kamay ko sa bewang nya.

"Besides, I want you soft and fluffy!! Parang stuff toy lang!!! "Napatawa ako ng pagkukukurutin nya ako sa bewang, tickling me.

"I hate you!!ang taba taba ko na!!"parang batang sabi nya.

"Ang cute mo. Di ka po mataba honey ko.. sexy ka pa din. Nagkalaman ka lang ng konti.. at saka ibig sabihin lang po nyan, busog ka sa pagmamahal ko."isang ngiti at kindat ang binitawan ko bago ko sya muling kinintalan ng halik sa labi.

Mag iisang taon na mula nang maging kami ni Tati. She became my bestfriend after what happened. She never left my side. Hindi natapos sa pagflirt at pangseseduce lang ang role nya sa buhay ko. Naging awkward noong una nyang inamin na mahal nya ako after more than a year na naghiwalay kami ni Brit. No! Let me correct myself, after akong IWAN ni Brit. She said na gusto nya ako noong una pa lang akong iintroduce sa kanila kaya nga nya inoffer ang sarili nya noon, pero lumalim iyon. Hindi din sya nagkulang sa pagpaparamdam sa akin na seryoso sya sa akin. Dahilan para magmove din sya dito sa Singapore nang ipadala ako dito.

She never stopped caring. She never stopped making me feel na mahal nya ako. She even endured those times na nag iiyak ako dahil sa pang iiwan nang bestfriend nya sa akin kahit na sa totoo lang, nasasaktan ko din sya. Ilang beses ko sya noong itinaboy dahil ayoko na ngang maulit ang nangyari sa akin pero naging persistent sya. Until I decided to let go of my past and open up my heart again.

"Thank you.." I whispered after our heart warming kiss. Araw araw ko yung sinasabi dahil thankful ako na nandito sya sa tabi ko.

"You're welcome.. and I love you.."she whispered back.

Masaya naming pinagsaluhan ang dala nyang pasta at tinapay habang nagkkwentuhan about our week.

Umalis kami kinahapunan para maggrocery ng mga stocks ko sa bahay. Ipinadala ko din yung box para sa family ko.

"Pumayag na ba si Mr. Lorenzo na magbakasyon ka sa Philippines?"untag nya sa akin habang nagmamaneho ako.

"Yup. Pero mga next year daw para sure na stable na yung service namin sa Megacorp."sagot ko naman.

"I see.. excited na ako. Mag uuwian din kasi sina Hilarie.. pasyal tayo uli sa beach house nila para masaya.. doon tayo unang nagkakilala eh. Tamang tama, malapit na din ang anniversary natin."

"Yes, sure.Good idea yan." Tipid na sagot ko. Sa totoo lang, ayoko nang maalala pa. Hindi pa ako open na makakita ng mga bagay o lugar na makapagpapaalala sa akin sa pagtataksil ni Brit.

Sabi nila, time heals all wound.. kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon, dumudugo pa din ang sugat ko. Nanatili iyong sariwa at handang magparamdam ng sakit kapag naaalala ko sya. Siguro, diabetic ako.. dapat na din siguro akong maghanap ng girlfriend na hindi pastry chef. Ang sarap kasi ng mga gawang dessert ng girlfriend ko..

Natawa ako sa naisip kong iyon dahilan para mapatitig sa akin si Tati."Is there something wrong honey?"she raised her perfect eyebrows..

"Wala baby.. I just thought of something silly..."napapailing na sagot ko.

Falling for the SeductressWhere stories live. Discover now