Chapter Eighteen

1.7K 85 5
                                    

~Lisa's POV~

It's been a long time since I came here at BBU and so far I've been living quietly here. Except sa mga magugulong kaibigan ni Kuya, ang madaldal na si Gizelle at maiingay na kasama ko dito sa dorm.

Nitong mga nakaraang araw walang BTS na nambubulabog kasi nasa fanmeeting sila at hindi ko alam kung kailan sila babalik. Hindi naman ako nakakalimutan itext ni Kuya Ralph since umalis siya.

Hanggang ngayon nag-iisip pa rin ako ng paraan kung paano ko malalabanan si Rick pero in all honesty wala pang nabubuong plano sa isipan ko.

I know someone who can help me pero hindi ko alam kung nahanap na siya ni Isac. Isac is my personal Butler before. Rick fired him ng mamatay si Mom.

When I escaped from Rick siya agad ang una kong kinontak. I know he's the only one who can help me find who I am looking for.

Bumalikwas ako sa pagkakahiga at kinuha ang Macbook na binagay sa amin na nasa side table. Binuksan ko 'yon at kinonek sa Wifi.

I open my fake gmail account na ginagamit kong pangkontak kay Isac. Sana may maganda ng balita galing sa kanya. But unfortunately wala akong message galing kay Isac. Napabuntong hininga ako.

I decided to leave him a message."Isac, any news? Contact me asap if you already find him."

"And please. Take care of yourself."

Ng maisend ko na ang message ko sa kanya naghintay muna ako kung sakaling may magreply. But I get none. Hindi ko alam kung ilang minuto ako naghintay hanggang sa mapag-desisyunan kong mag-log out na at patayin ang Macbook ko.

Tumayo ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Paglabas ko saktong dating ni Rosé at Jisoo.

"Jennie what the hell? Why are you drinking?" Nagpanic si Rosé ng makita si Jennie sa recieving area at nag-iinom mag-isa. I forgot to tell you, kasama sa kontrata namin ng bawal kami mag-inom.

Agad na ni-lock ni Jisoo 'yung pinto tsaka lumapit kay Jennie na katabi si Rosé.

There are already three empty cans sa nakakalat sa sahig. Mukhang may tama na din siya kasi she looks tipsy.

"That's enough Jennie." Awat ni Rosé dito. Sinubukan niyang kunin ang hawak nitong beer in can pero she insisted.

"No. A-yo-ko." She said then take a sip from her drink.

Napabuntong hininga si Jisoo sa inasal ni Jennie, kita mo din sa mukha ni Rosé na nag-aalala siya para dito.

Lumapit ako sa kanila. Nagulat pa silang dalawa ng kumuha ako ng isang beer binuksan iyon at ininom.

Napangiwi ako ng malasahan ko ang pait nito. Sheez I really hate liquors.

"Lisa!" Saway ni Jisoo sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Heto na naman siya pagiging Ate niya sa amin.

"What? As long as walang magsasalita, hindi 'to malalaman ni Manager o ni YG." Sabi ko sabay inom ulit at kuha ng pulutan.

I saw Jennie rolled her eyes on me. Si Jisoo naman napahilamos sa mukha niya dahil sa inasal ko.

"Hay nako! Ang kukulit niyo." Inis na sabi niya sabay kuha din ng beer at ininom yon ng straight. "Hays. Bahala na! Damay damay na."

Saglit kaming nanahimik until I decided to speak.

"Tell us Jennie. What happened?" Hindi naman siya magpapakalasing ng walang dahilan. I should know dahil naging ganan din ako.

Nanahimik siya saglit hanggang sa napahagulgol siya ng iyak. Rosé come to her and rub her back.

BOOK 1: Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon