Chapter Thirty

1.8K 80 90
                                    

~Jennie's POV~

"Just be safe okay? And thank you for understanding. I promise I will be back."

Niyakap ako ni Dad at niyakap ko naman siya ng mahigpit pabalik.

"Call me po kapag nahanap niyo na sila." I said to him as I broke from the hug.

"I will." Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "I'll have to go."

"Ihahatid ko na po kayo."

"Wag na. I can handle it. Besides may meeting ka ngayon di ba? Ako na bahala."

Tumango ako habang nakangiti sa kanya. We hug each other again and Dad made his way out of our room.

Saktong sara nito ay bumukas naman ang pinto ng kwarto nina Jisoo at lumabas si Lisa.

"Who's that?" She ask.

"Si Daddy." Sagot ko.

Tumango-tango lang siya sa sagot ko.

Mukhang kakagising lang niya. Her face is a bit swollen and she's been yawning the moment she get out of their room. What more should I expect from her? Palagi naman siyang tulog tuwing Sunday e.

"I'll just go to Manager Han. Hintayin ko na lang kayo sa gym." Sabi pa niya bago tuluyang lumabas.

"Okay." Sabi ko.

Ng makalabas si Lisa naupo muna ako sa couch habang hinihintay si Jisoo at Rosé. Tumingin ako sa pulang wall clock na nakasabit sa dingding.
I think they'll be here in a minute.

Habang naghihintay, I found myself smiling.

I'm just so happy.

After all hindi totoo lahat ng kutob ko.

Yes, Dad regained his memory back but he promised me that he don't have any plans of leaving us.

Pumunta talaga siya dito para dalawin ako at ipaalam sa akin ang lahat. He didn't know that I already know everything. Ang alam nila ni Mom wala akong alam. But I am glad, kasi sinabi niya pa rin sa akin lahat.

He said he'll be gone for a while. Hahanapin niya kasi ang una niyang pamilya. To make everything out and settle things.

Alam ko napaka-makasarili ko pakinggan but I am really happy that he choose me and Mom over his first family.

Siguro alam na din ni Dad na masaya na sila sa bago nilang pamilya, and him, he's happy with us.

Sana maging maayos lahat.

At kung ipakilala man sa akin ni Dad ang anak niya, I will wholeheartedly accept him/her. Tatanggapin ko siya gaya ng pagtanggap namin kay Dad. After all parte siya ng buhay ni Dad na parte na din ng buhay namin.

Besides, I got to have a chance of having a sibling, na kahit kailan di ko naranasan magkaroon.

I treated Rosé, Jisoo and well Lisa, as a sister pero syempre iba pa rin na magkaroon ng kapatid na kapareho mo ng surname, someone who'll call you 'Ate' with a basis.

I'm really excited to meet him/her.



I was disturb with my thought when Rosé and Jisoo came in.

Dahil Sunday ngayon, si Jisoo ang naka-assign sa pamimili ng groceries. Si Rosé naman sumimba. Sasama talaga dapat ako sa kanya but my Dad came kaya hindi na ako nakasama.

Inilipag ni Jisoo ang mga pinamili niya sa lamesa.

Lumapit ako sa kanila at tumulong sa pag-aayos ng mga pinamili nila.

BOOK 1: Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon