Chapter Nineteen

1.5K 90 26
                                    

~Lisa's POV~

Biglang natumba si Taehyung, mabuti na lang at agad ko siyang nasalo.

"Taeh--sh*t!" Napamura ako ng maramdam ko na sobrang init niya. Inilapat ko ang palad ko sa noo niya at napamura na naman dahil sa sobrang taas ng lagnat niya.

"Taehyung! Taehyung!" Tinapik tapik ko siya sa pisngi pero puro ungol lang ang sagot niya akin.

Inilagay ko ang braso niya sa balikat ko at inalalayan papasok sa kwarto. Muntik pa akong matumba dahil sa bigat niya. Inihiga ko agad siya sa kama at lumabas papunta sa kusina.

Naglagay ako ng maligamgam na tubig sa palanggana at kumuha ng malinis na bimpo.

Binalikan ko siya at pagdating ko pawis na pawis siya at bahagyang nanginginig sa lamig.

Ipinatong ko sa side table ang dala ko bago ko binuksan ang heater at pinatay ang aircon ng kwarto niya. Kumuha din ako ng tshirt na puti sa closet niya.

Dahil siguro sa pagod kaya siya nilagnat tapos naligo pa siya. May balak atang magpakamatay.

Sinumulan ko siyang punasan ng bimpong binasa ko sa maligamgam na tubig. "Hubadin natin damit mo. Basang basa ka ng pawis." Sabi ko sa kanya.

Dahan dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama, sinubukan niyang hubarin ang tshirt niya pero hindi niya magawa dahil hinang hina siya.

"Ako na."

Naupo ako sa tabi niya at dahan-dahang hinubad ang suot niyang tshirt.

Nagtama ang mata namin, pakiramdam ko may gusto siyang sabihin pero di niya masabi. Iniwas ko agad ang tingin ko dahil nakaramdam na naman ako ng ilang.

Sa halip pinunasan ko na lang ang katawan niya para sa iba maibaling ang atensyon ko.

I was wiping his chest when he stopped me while holding my hand kaya napatitig na naman ako sa mga mata niya.

Mga mata niyang walang sawa kong tinititigan noon.

"I just want to tell you that I am happy that you are here." He smiled at me pero ngiting may halong pagod at lungkot.

Biglang nagkaroon ng dead air sa pagitan namin.

Ngintian ko siya pabalik pero wala akong sinabi dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

I stop wiping his body at isinuot sa kanya ang extra shirt na kinuha ko kanina sa closet niya.

"Kailangan mo magpagaling okay?" Inilalayan ko ulit siya makahiga at kinumutan.

Tumango naman siya at ipinikit ang mga mata niya.

Iniwan ko muna si Taehyung saglit at pumunta ulit sa kusina. Naghanap ako ng pagkain pero halos lahat lulutuin pa. May nakita akong cereal sa cabinet kaya kinuha ko iyon at nagsalin sa isang bowl. Kumuha din ako ng fresh milk at inihalo dito.

I don't know kung pwede 'to sa may sakit but I think it's okay kesa naman walang makain si Taehyung. He needs to eat before taking his medicine.

I look for their medicine kit at nakita ko 'yon sa ibabaw ng ref. kumuha ako ng gamot at ibinalik iyon sa pinagkuhan ko.

Halos malaglag ang puso ko sa takot ng makita ko si Jungkook.

Napatingin siya sa hawak kong gamot at cereal na nasa lamesa. "Sorry, may sakit kasi si Taehyung kaya nakialam na ko sa mga gamit niyo." Pagpapaliwanag ko.

Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi siya sumagot at sa halip ay tinalikuran na lang ako bigla.

"Ah JK, dinala ko na din pala 'yung mga notes na hinihiram mo." Sabi ko pa pero parang hindi niya ko narinig. Hindi man lang niya ko hinarap at sa halip dire-diretsong pumasok sa kwarto niya.

BOOK 1: Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon