Chapter Twenty

1.6K 77 4
                                    

~Gizelle's POV~

"Hoy Lisa hindi ka ba talaga sasama?"

"Ayoko nga."

Sinimangutan ko siya. Ilang araw ko na siyang pinipilit na sumama pero ayaw niya talaga.

Annually may Team Building ang BBU para sa mga sophomores. Lahat required na sumama lalo pa ngayon kasi dalawang section lang ang makakasama. May seminar kasi ang ibang section kaya dapat sumama kami dahil kakaunti ang mga magiging participants pag nagkataon.

Wala naman kaming gagastusin. Kailangan lang talaga namin sumama.

Pinaliwanag ko na kay Lisa na malaki ang deduction sa grade 'pag hindi sumama pero ayaw niya talaga.

"Sumama ka na please." Nag-papuppy eyes pa ako para mapapayag siya pero inirapan niya lang ako kaya napanguso ako.

"Ayoko nga. Ang kulit mo."

Ang sungit talaga. Napabuntong hininga ako. Hindi ko talaga siya mapilit.

Umisip ulit ako ng paraan para kumbinsihin siya. Hindi ako susuko hangga't hindi ko siya napapayag.

Alam ko na.

"Sumama ka na kasi. Kasama naman ako at si Jungkook e." Baka sakaling 'pag sinabi ko na kasama si JK e sumama siya.

"Wala akong pake." Pero wa-epek. Tinry ko ulit.

"Dali na! Hindi masaya kapag wala ka!" Hinawakan ko pa siya sa braso at inuga-uga. Kaso napabitaw ako kasi binigyan niya ko ng death glare. Ramdam ko na nagtaasan din ang balahibo ko.

"Oo na oo na. Titigil na ko." Sabi ko sabay iwas na tingin sa kanya. Okay. Suko na ko.

Mahirap na baka magalit 'yan. Mukha pa naman siyang papatay kapag galit.

"Kaya niyo na 'yan. Mag-enjoy na lang kayong dalawa." Sabi niya habang nakatingin sa labas.

"Ayaw mo ba talaga dahil ayaw mo o ayaw mo dahil tampo ka kay JK?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi ako bulag para hindi mapansin na hindi sila nag-iimikan nitong mga nakaraang araw.

Nginisian niya lang ako tsaka nagsalita ulit.

"He has nothing to do with this. Wala akong pakelam sa kanya."

She said coldly habang nakatingin pa rin sa labas.

Hindi na ko umimik. Bigla na lang kasi sumeryoso ang boses niya.

Nag-away ba sila ni JK? Bakit parang ang seryoso ng tampo niya dito?

Hindi ko din naman kasi maintindihan si Salazar. Parang noong isang araw lang okay na okay sila ni Lisa tas ngayon bigla na lang umiwas sa amin.

Lalo na kapag nandiyan si Lisa, bigla na lang siyang naalis.

Obvious na obvious kaya na umiiwas siya dito.

Naramdaman kong may nakatayo sa likod ko at paglingon ko nakita ko si JK na seryosong nakatingin kay Lisa.

Speaking of.

"Uy--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi bigla niyang kinuha ang gamit niya at dire-diretsong lumabas ng classroom.

Nakita kong nilingon siya ni Lisa pero binalik din niya agad ang tingin niya sa may bintana na parang wala lang na dumating si JK.

Okay. Seryoso na talaga 'to.

Napabuntong hininga na naman ako sa inasal nila.

Mukhang narinig ata ni JK ang sinabi ni Lisa. Nasapo ko bigla ang noo ko.

BOOK 1: Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon