Chapter Thirty Two

1.8K 94 84
                                    

~Gizelle's POV~

Habang tumatagal bumibilis ang oras. Ilang araw na lang Music Festival na. Ilang araw na lang din mapapanood ko na si JK at Lisa mag-perform.

Medyo nanghihinayang lang ako na hindi sila ang magka-partner. Naisip ko nga na magbigay ng petition letter kasi isa akong ultimate Liskook supporter at hindi katanggap tanggap sa part ko na hindi sila magkapartner pero syempre joke lang. Hindi ko naman kaya 'yon e.

Tsaka okay na din siguro 'yon, malay mo ma-provoke ko si JK na umamin kay Lisa. Nauunahan na siya ni Taehyung e. Napapansin ko pa na parang may gusto si Suga sa kanya, palagi niya kasing kina-kamusta sa akin si Lisa. Tas eto pa si Mingyu slash Allen na kababata pala niya at ex-manliligaw na nagpaparamdam sa kanya.

Taray din ng bangs nitong si Lisa e. Minsan nga magaya ang hairstyle niya at makapagpa-blonde din. Baka sakaling may mga idols din na mabighani sakin. Hahaha.

Dahil half day lang naman kami ngayon. Naisip kong puntahan si Lisa sa practice niya.

Miss ko na sila ni JK. Paano pareho silang busy. Napasok pa naman sila pero malimit kasi silang half-day dahil nga sa practice nila.

Minsan pa si Lisa nahuhuli kong natutulog sa klase dahil na rin siguro sa pagod. Wala tuloy akong makulit sa room. Kaya ang ginagawa ko pinupuntahan ko na lang sila sa mga practice nila pagkaawas.

Pagdating ko sa Dance Studio na pinagpapraktisan nila dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Hindi na ko kumatok kasi baka maistorbo ko sila sa ginagawa nila.

Palagi naman akong nabisita dito kaya okay lang kahit pumasok ako basta basta.

I saw Lisa look at me when she saw my reflection in the mirror. Ngumiti ako sa kanya. Tumango lang siya at ibinalik na sa choreographer ang atensyon niya.

Mahirap na, baka mapagalitan pa siya lalo na ng ballet choreographer nila. Taray kasi ng baklitang 'yon. If I know may gusto lang siya kay Jimin, pano palagi niya 'tong pinupuri at si Lisa ang palaging pinapagalitan.

Sarap sabunutan e.

Napansin ko na mukhang tapos na ang street dance practice nila kasi si Jimin at Lisa na lang ang nasa gitna.

"Lisa, do it right this time okay?" Mataray na sabi nito sa kanya. Sabi sainyo e.

Tumango lang si Lisa sa kanya pero kita ko sa mga mata niya na naiinis na din siya dito.

Jimin pat her in her shoulder and gave her an encouraging smile.

"Isipin mo lang si Jk ang kapartner mo." Sabi ko sa isip ko.

Ayun kasi ang palagi kong in-advice sa kanya. Magaling naman kasi si Lisa sumayaw, almost perfect na nga ang routine nila ni Jimin e.

The only problem is, how she portrays the emotion of the song. She always have that poker face. Kita mo pa sa mukha niya na naiilang siya kapag naglalapit ang mukha nila ni Jimin o kaya kapag hinahawakan siya nito sa bewang o yayakapin. Lalo pa't ballet performance requires a lot of body contact.

Kaya palagi kong sinasabi na isipin niya si JK. I know how comfortable she is whenever she's with him. And I'm 100% sure na kapag sinunod niya ang sinabi ko effective 'yon.

Pumunta na silang dalawa sa pwesto nila at ginawa ang starting position.

Saktong simula ng tugtog ay biglang bukas ng pinto at pasok ng BTS. Nagtulakan pa si Jin at Taehyung kaya naman sinaway sila ni Ralph kasi baka magalit ang choreographer.

Luckily hindi naman sila naka-istorbo.

Mukha focused ngayon si Lisa kasi hindi niya napansin ang pagsulpot ng BTS. She close her eyes and take a deep sigh and when the first verse of the song already entered nagsimula na silang gumalaw ni Jimin.

BOOK 1: Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon