Angel-6

4.7K 162 13
                                    

Six

-------------------

Isa

Dalawa

Hakbang

Silip.

"May kailangan po kayo, Binibini?''

Oo Martha! At ang kailangan ko ay lumayas ka dyan sa harap ng pinto ko!

Hindi ako sumagot at inis na sinara ang pinto. Buisit na buisit akong sumalampak sa kama. Demonyitong Jibrill yan! Nilagyan ako ng gwardya sa pinto! Ayaw niya akong palabasin ng kwarto ko. Buisit! Buisit! Napasipa ako sa inis. I want to see Froi! I want to be with Froi! I want Froi!
Napasulyap ako sa sliding door ko ng nilipad ang makapal na venitian blinds ko.

Napangisi ako.

Agad-agad akong lumapit doon. Binuksan ko iyon at lumabas sa terrace. Napapagitnaan ang silid ko ng kwarto ni Jibrill at ng isa pang kwarto, bago iyong guest room. Bumalik ako sa loob muna, at nagpatugtog ng may kalakasan. Para isipin ng demonyong iyon na nandito ako sa loob. Muli akong bumalik sa terrace at nagplano na kung paano ko tatalunin ang kabilang terrace. May mga ukang bato naman sa pader na pwede kong apakan eh.

Jibrill won't think that I did this. Ang alam niya, takot ako sa heights. Pwes! Akala niya lang yun!

Halos ilang minuto yata akong hirap na hirap sa pagtawid patungo sa kabilang kwarto. Nariyang lilingunin ko pa ang terrace ni Jibrill, sa takot na baka makita niya ako. Gaano lang na maibalik niya ako sa aking silid. Huling hakbang pa, bago ko tuluyang narating ang terrace na destinasyon ko. Napabuga ako ng hangin. Patakbo akong dumiretso sa loob at agad agad na marahang binuksan ang pinto. Sinilip ko si Martha.

Leche naman! Andun padin siya! At kung dito ako dadaan papunta sa guest room, makikita agad niya ako! Napipikon na talaga ako. Gusto ko lang namang makabonding si Froii! Bakit niya ako pinagbabawalan?! Nagalakad ako pabalik sa terrace. Tawirin ko na lang rin ba? Lumapit pa ako sa dulo ng tertace, hanggang mapansin ko ang sanga ng puno. Napangiti ako. Pwede na.

And minutes later again, para na naman akong akyat bahay na humahakbang sa patungo sa sliding door. Bukas pa ang ilaw sa guest room. Pero wala si Froi, nasaan yun? Hindi naman kaya, doon siya sa kwarto ng kambal kong demonyo pinatulog? Arghh! Buisit na Jibr---

''Shit!'' Halos mangamatis ako ng makitang lumabas si Froi sa banyo. Walang damit pang itaas, at naka boxer lang. Omaygad! Kahalayan! Hindi ko alam ang gagawin kung tatalikod ba o magtatago o sisigaw! Damn. Ang ganda ng katawan! Ng bigla siyang humarap ay lalo na akong naestatwa.

Good Lord...

Riaz Froi Vaskerville, is dayum hot. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako. Ngunit agad din siyang nakabawi at binuksan ang sliding door.

''Fley, what are you doing here?''

Kinagat ko ang ibabang labinat nag-iwas ng tingin. Nagliliparan ang insekto sa kalamnan ko. Jusme! Hindi pwede! Hindi ako pwedeng magka-crush sa pinsan ko. Hindi ako gaya ni Jibrill!

"Fley?" Hinuli niya pa ang akong mukha at marahan akong pinabaling sa kanya.

"H--Ha?''

"I said what are you doing here? Malamig, you might catch a cold here."

Ngumuso ako at lumapit sa kanya. "I said I'll sleep with you, right? Kaso si Jibrill kasi pinabantayan ako. So I decided to use the shortcut." sabay turo sa terrace ko at sa katabing kwarto niya.

Angelic Demonic (HIATUS)Where stories live. Discover now