Angel-15

1.8K 94 5
                                    

Fifteen

--------------------

Two days after we came back from Transylvania. Nakapagtatakang hindi ako pinepeste ni Jibrill. Madalas ko silang mapansin ni Violet na seryosong nag uusap. Levign once teased me na mukhang nagseselos na ako. Ako magseselos?

As if naman.

Inayos ko ang pagkakasalansan ng libro sa loc----

"-----Ms. Fley."

Halos mapasigaw ako sa gulat ng bigla nalang may magsalita sa likod ko. Napabuga ako ng hangin at sinapo ang dibdib. Pinagmasdan ko silang tatlo since, they're so familiar.

"Gusto lang po sana namin humingi ng pasensiya." Sabi nung may peklat sa mukha. "Pasensiya napo talaga."

Nangunot noo ako, saan ko nga ba sa nakita--oh I remember now. Sila yung nananakit sa akin dito sa Locker din na ito mismo.

"Okay." As soon as I said that word ay agad silang tumalikod at mabilis na lumayo sa akin. Pinaikot ko ang mga mata dahil sa kawirduhan nila, binalikan ko ang pag aayos sa loob ng locker ko at tuluyan na iyong sinara at nilocked.

Inayos ko ang bag ko habang naglalakad palabas ng locker room. Hindi ko alam kung pumasok si Jibrill ngayon, hindi ko siya namulatan kaninang umaga. Hindi padin umuuwi sina Mommy at Daddy. Narinig ko lang minsan habang nag uusap sila Levign, Jibrill at Violet, na may inaasikaso pa daw sila sa Council at Senate.

Naupo ako sa stone bench malayo sa mga estudyanteng pagala gala at inilabas ang cellphone ko, agad kong nilagay ang earphones sa magkabilang tenga at nakinig ng musika.

"Hello, Ms. Fley." Tinanguan ko ang tatlong studyante na nagdaan sa harap ko. If I didn't know, kaya lang naman mabait sa akin iyong iba dito dahil sa kakambal ko. If I can still remember, nung first year college ako. Mayroong nambully sa akin noon na member ng Soccer Team.

And Jibrill being Jibrill...

Kung di ako nagkakamali, inabangan niyang late ng makauwi iyong lalaking iyon na hindi ko na maalala ang pangalan. And iyon na nga, Jibrill dragged him on an empty street and tortured him to death. He even showed him his fangs. Threatened him that he will kill him the next time na pagtripan nila akong magkakaibigan.

Akala ko noon mabubuko na ang sikreto namin. But of course Human will always believe na Bawang, at Sinag ng Araw ang makakapatay sa mga kagaya ng kakambal ko. Even the Holy Water.

In the end, pinagtawanan lang yung Soccer player na nagsuplong kay Jibrill. They didn't know that Vampire's weakness is none other than Silver.

Although silver weapons can't kill them not unless, sa puso mo itarak ang sandata or kaya naman by injecting a huge amount of silver on their bloodveins. Minsan sinabi sa akin ni Froi. The best way to kill a Vampire is to crushed their heart, or destroy their head. May chance padin daw kasi na makapag regenerate ang mga gaya nila, kung thru bloodveins mo sila papatayin using Silver. Although, it takes a lot of time for them to finally recover again. And there are others who can't actually didn't manage to survive.

And we all know how hard to kill a Vampire, specially if you're a Human like me, well not unless you're a Vampire Hunter. Tho, as of now. Mangilan ngilan nalang daw mga Hunters dahil narin mas marami pang bilang ng namamatay kesa sa napapatay nila.

"Huy."

Napapitlag ako sa gulat at nilingon ang nangalabit sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Talie. Ngunit agad akong napakunot noo ng para siyang malamyang naupo sa tabi ko. Malayong malayo sa Talie na akala mo laging nakalaklak ng Energy drink.

Angelic Demonic (HIATUS)Where stories live. Discover now