Angel-17

1K 37 2
                                    

Seventeen

-------------------------

"I'll go upstairs."

Tumango ako kay Levign. His words are keeps ringing on my ears. Alam niya, or baka alam nilang may kasama akong Bampira kanina. Pero mas lalo lang akong naguluhan. Kung alam nila, bakit hindi nagwala si Jibrill?

Lagi naman siyang ganon.

"Miss. Fley. Hahatid ko na po kayo sa kwarto niyo." Tinanguan ko ang kasambahay. At umakyat narin ng hagdan.

Agad kong binuksan ang mga bintana ng makapasok ako sa loob ng kwarto. Ang silid ko lang ata ang may maliwanag at maaliwalas na paligid, dahil karaniwan sa mga kwarto dito ay kung hindi walang bintana. Natatabingan naman ng makakapal na kurtina ang mga pinagmumulan ng liwanag.

Ng marinig kong magpaalam ang kasambahay, nilabas ko agad ang cellphone ko. Only to get disappointed.

Walang signal. Buwiset.

Umirap ako sa hangin at nagbuga ng hininga. Hinagis ko ang phone sa kama. Maybe I should take a bath first, nanlalagkit na rin naman ako. Inalis ko ang pagkakatali ng aking buhok, saka dumiretso sa wooden closet at naghanap ng fresh towels.

I grabbed one and headed towards the bathroom. I just really wish na mamaya pa may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Para sabihing handa na ang hapunan.

I discarded all of my clothes, before settling down on the tub. I feel relaxed as I felt the warmth water caressing my bare skin.

Para akong hinihila ng antok.

Pinikit ko ang mga mata ngunit bigla na lamang lumitaw sa isip ko ang mukha ng Maharlikang Bampira na iyon.

Ydriss...

Ever since I met him. Palagi nalang siyang sumusulpot sa isip ko, lalo na kapag ganitong hindi ko naiisip ang mga tanong at misteryong pilit kong hinahanapan ng kasagutan. That very moment when I saw him. When I saw his eyes. May kung ano ng hindi maipaliwanag na pakiramdam ang lumukob sa akin.

It's not like I'm attracted to him. Dahil hindi naman talaga, but there's something on his eyes, that I can't explain.

Those eerie eyes...

I feel like, I'm familiar with that eyes. At sapat na iyon upang mas lalong madagdagan ang kuryosidad ko sa kanya.

Marahan akong napabuntong hininga at nilublob pa ang katawan ko sa tubig. O baka naman kaya lang ganito ang pakiramdam ko dahil sa hindi siya pangkaraniwang Bampira. Dahil nagmula siya maalamat na lahing iyon?

O baka dahil alam ko ang katotohanang, kalahi ko ang dahilan ng pagkamatay ng mga kalahi niya?
Muli akong napabuntong hininga at saka ko ipinikit ang mga mata---

Fley...

Agad akong napamulat. May tumawag ba sa pangalan ko. Iniahon ko ang katawan sa paliguan ang iginala ang mata sa loob ng CR. Is there some invisible creature right now?

Vaskervill Princess, I'm not invisible.

Nanlaki ang mga mata ko. What the hell?! Who is it?!

I'm here in your room. I'm no patient Vampire, My Dear. So, I suggest you start drying yourself now.i

Shit! Nagkukumahog akong umahon sa tubig at patakbong hinatak ang towel na nakasabit. Halos magkandadulas ako sa pagmamadali muntik pa akong masubsob sa tiled floor ng banyo kung hindi ako nakahawak sa shower curtain. Mabilis kong binalot ang katawan at lumabas ng banyo.

Angelic Demonic (HIATUS)Where stories live. Discover now