Angel-16

2.5K 118 25
                                    

Sixteen

---------------

"So, why you called me?"

Pinagmasdan ko si Rua, habang umiinom siya sa tasa niya. Kinuha ko kay Keno ang number niya kanina. And then I asked her if she could meet me.

"I just want to ask you a few questions. Wala akong ibang malapitan."

"About what?" Binaba niya ang tasa. Nilingon niya ang Crew na naglagay ng order sa mesa niya at pinasalamatan. We decided to meet sa isang Cafe na malapit sa University namin. Kanina pa nakauwi si Jibrill, nag reason lang ako na may lakad kami ni Talie.

And Talietha like that idea, dahil solo daw niya si Keno.

"What do you know about Vampires, turning someone into one of them. What are the consequences, kung hindi sila magtagumpay?"

Umangat ang sulok ng labi niya. She sipped on her cup again. "I'm not a Vampire."

"I know, pero wala naman akong pwedeng pagtanungang iba maliban sayo. You're not an ordinary person. And I think you know a lot about us. About them."

"Well, seriously. I really don't know much about that thing. Ang alam ko lang, kailangan muna nilang masaid ang dugong tao mo, bago ka masalinan ng panibagong dugong Bampira sa mga ugat mo."

"So I have to die, first? Ganon?" Napangiwi ako sa narinig. Damn! Hindi ko alam kung paano ko iisipin ang ideyang naghihingalo ako at nalalagutan ng hininga.

"Let's go." Agad siyang tumayo at nag iwan ng pera sa mesa. Nagsalubong ang kilay ko. I was about to ask her kung saan kami pupunta ng higitin na niya ang kamay ko. "Let's go to my temporary place, I'm sure my Master has a lot of Books about Vampires."

"Bakit ano ba ang Master mo?"

"He's a Vampire too."

---------------------

Iginala ko ang tingin sa buong paligid. His Master's Place is so huge. Parang Palasyo sa sobrang laki. Even the Library is so big. Pakiramd ko kalahati ata ng buong ground floor namin ang Library na ito.

"My Master isn't here, so we have a lot of time para masagot ang mga tanong mo."

I stared at Rua. Nakatungtong siya sa rolling ladder habang nakasandal sa mga shelf. "Why are you helping me anyways?"

"Because you asked for my help?" Nginisihan niya ako.

"C'mon Rua, we both know. There's more to it." Pinasadahan ko ng daliri ang mga librong nasa harap ko. And then I heard her chuckled.

"Well, I'm curious. You're a Human, tapos nasa Angkan ka ng Bampira? I want to solve your Mystery to satify my curiosity."

"Whatever." I rolled my eyes and continue what I'm doing. Until one book got my attention. A plain black book with no Title. Hinatak ko ang isang upuan at agad iyong binuksan.
Blanko ang unang pahina. But the second page has a picture of woman.

A very beautiful woman.

She has raven black  hair. Wearing a red dress at nakaupo sa isang gintong trono. But she doesn't have a crown. My eyes settled on the name below the picture.

Empress Yiran Eisen Gremory.

I stiffened. She's the Empress! Agad kong nilipat ang iba pang mga pahina. At halos lahat ng larawan dito. Iisa ang apelyidong taglay. I flipped the other page again.

A  picture of the young Prince Ydriss.

Muli kong nilipat ang pahina only to get curious. Punit ang pahina. "Saan mo nakuha iyan?" Agad hinablot ni Rua ang libro sa akin. "It's a confidential file." Binitbit niya iyon at inilayo sa akin.

Angelic Demonic (HIATUS)Where stories live. Discover now