Devil-19

1.3K 57 8
                                    


19

Caiomhe Yxann

Hindi ko mapigilang haplusin ang larawan niya habang nakatitig sa mga matang iyon. Napakaraming katanungan sa aking isip. Bakit nasa pangangalaga ni Lolo ang pahinang ito?

Kahapon ng makauwi ni Levign sa bahay, ay halos sumabog ang dibdib ko sa kaba. He even asked me okay lang ako, because I looked so tensed. Naghabi na lang ako ng rason na malapit na kasi ang exam namin, at kanina ko lang naalala. Wala pa akong na rereview. I don't even know kung napaniwala ko ba siya , so I decided to wear my earphones and start listening to the songs on my phone.

Muli kong inipit ang pahina ng larawan sa librong bitbit ko at hinintay si Rua. Sabi niya malapit na siya dito sa coffee shop. Pero anong oras na, wala pa rin siya.

"Miss Fley?"

Umangat ang tingin ko sa tatlong unipormadong lalaki bigla na lang sumulpot sa aking harapan, habang nakangalumbaba ako sa mesa. "Ako nga po, may kailangan po kayo?"

"The Prince sent us here, if you wouldn't mind. Maaari po ba kayong sumama sa amin?"

The Prince?

Marahan akong tumango at binitbit iyong libro, naunang naglakad ang isa sa kanila, habang nakasunod naman sa likod ko iyong dalawa. Dumiretso kami sa isang puting kotse at inalalayan nila akong makasakay roon. Naupo iyong dalawa sa magkabilang gilid ko, habang iyong nauuna kanina ay ang siyang nagmamaneho.

So many questions are hanging on my mind. At Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Pinagmasdan ko makulimlim na kalangitan mula sa bintana ng sasakyan. Supposedly, dapat ay hindi ako sumama sa mga taong ito, well, kung tao nga ba talaga sila. Dahil nga sa kung tutuusin ay napakalaki ng hidwaan ng aking Angkan, sa angkan ng Prinsipe.

Dahil kami ang nasa likod ng karumaldumal na pagpatay sa buong lahi niya.

Ni Hindi ko namalayan kung gaano kami katagal na nagbabyahe, hanggang sa maramdaman ko nalang na kumabig ng husto pakaliwa ang nagmamaneho ng aming sasakyan. Sinalubong ako ng napakadilim na daan. Dahilan upang bahagya akong makaramdam ng kaba.

Umalis din ako sa pagkakasandig sa bintana at ibinaling ang tingin sa unahan ng kotse. Pinaningkit ko ang mga mata ng makatanaw ako ng mumunting liwanag. Hanggang ang munting liwanag ay tuluyang kumalat sa buong paligid. Hindi ko tuloy mapigilang maitakip ang aking braso sa mga mata ko, dahil sa nakakasilaw na hatid nito.

"Narito na po tayo binibini."

Dahan-dahan kong inalis ang brasong nakatabing sa aking mukha at ikinurap-kurap ang mga mata. Ilang segundo pa bago ako tuluyang nasanay sa nakakasilaw na paligid.

Unang tumambad sa akin ang mga punong kulay lila ang mga dahon o bulaklak yata iyon, habang nakahilera sila sa daan na nagsisilbing tabing tabing sa sinag ng Haring araw.

Diyos ko....

"Maligayang pagdating po sa palasyo ng aming Panginoon."



--------------------------

Alam kong marami ding malalaking bahay at Mansion ang pamilyang pinagmulan ko. Pero, wala pa ata akong nakikitang pagmamay-ari namin na pwede kong masabi na kasinglaki nito o halos kalahati ng laki ng palasyong ito.

Hindi ko mapigilang mamangha.

"Kamusta Fley?"

Nilingon ko ang may-ari ng boses at tumambad sakin ang nakangiting si Rua. Agad akong tumakbo at niyakap ito.

Angelic Demonic (HIATUS)Onde histórias criam vida. Descubra agora