Angel-18

971 44 1
                                    


18

___________

Mataas na ang araw ng magising ako kinabukasan. Nakatulugan ko nalang ang kakaisip kung paano ako makakapasok sa silid ng walang nakakaalam. Tumalungko ako sa higaan at niyakap ang aking mga binti.

What should I do? You have to think Fley.

"Bakit mo pinoproblema ang mga simpleng bagay na iyan, Juuri Fley?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng sumulpot sa aking harapan ang Prinsipe. Sinapo ko ang dibdib at napahinga ng malalim. "Kamahalan ginulat niyo ako."

"You're no longer an ordinary human anymore. Well, for the mean time." Hindi kagaya kahapon at noong nga nakaraang araw na nakalugay ang mahaba niyang buhok, ngayon ay maayos na iyong nakapusod sa kanyang likod. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya.

Was he always been like this? So captivating...

Nang tumaas ang isa niyang kilay ay saka pa ako napakurap. Ramdam kong namula ang magkabilang pisngi ko. "Ang sabi ni Levign, may silid dito na ipinagbabawal pasukin ng kahit na sino. Silid daw iyon ng Lolo ko."

"Hmmn..."

"Gusto kong malaman kung anong meron doon, why Grandpa didn't allowed anyone to enter on that room. But I'm afraid their gonna trace my scent. Baka patayin ako ni Grandpa." Kinuyom ko ang kumot sa aking palad.

"Here, use this." Inilahad niya sa akin ang kanyang palad.

Kunot noong kinuha ko iyon at pinagmasdan. Isa maliit na bote na may lamang kulay asul na likido at isang itim na susi. Pinakatitigan iyon bago napasulyap sa Prinsipe. "Ano po ito?"

"Open the bottle once you're done checking the room. And that's a special key, kaya niyang buksan ang kahit na anong silid, but only for three times, and that liquid will masked your scent--"

Sabay kaming napasulyap sa pintuan ng aking silid, ng makarinig kami ng papalapit na mga yabag. "You need to go Your Higness." Tuluyan na akong umalis sa kama at dumiretso sa tokador na nasa gilid ng aking higaan. Maingat kong tinabi ang bote ng asul na likido at muli siyang hinarap.

"Juuri Fley. I may have to remind you, your temporary ability, will only lasts for five days." At tuluyan na siyang naglaho.

Hah! Five days! Wag ka mag alala Kamahalan, ngayon mismong araw na ito malalaman ko kung anong naroon sa silid na iyon. At kung may kinalaman nga ba iyon sa iyo o wala.

"Fley?" Sumungaw muna ang ulo ni Levign sa bumakas na pinto. Bago siya tuluyang pumasok. "Breakfast is ready, and I need to leave again. Maybe after lunch nandito na ako. Just make sure you're ready coz we're going back to the City pag-uwi ko."

"Okay. Saan ka nga pala pupunta?" Naglakad ako palapit sa kanya.

"Grandpa asked me to visit some important person, on the lake shore."

"Pwede ba akong sumama?" Although, I know he will say...

"No." Tinalikuran ako ng pinsan ko at naglakad patungo sa pinto.

See? I told you. And I expected that from him. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti habang nakasunod sa kanya habang naglalakad pababa ng hagdan.

I will make sure, mapapasok ko ang silid na iyon. Ngayong araw.

------------

Tahimik na ang buong Mansion.

Well, halos tatlo lang naman ang mga tagapagsilbing dito tumutuloy. Ang alam ko kasi, yung iba sa kanila pagpatak ng alas-singko ng hapon ay umuuwi na sa bahay na nagsisilbing pamalagian ng mga tagapagsilbi namin dito. Kung hindi ako nagkakamali mga ilang kilometro lang ang layo dito.

Angelic Demonic (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon