Angel-11

2K 71 2
                                    

Eleven

-------------

"Fley?"

"Hey Fley! Are you okay?"

Ilang beses ako napakurap. I found Levign standing in front of me.And fully clothed. Nakataas ang kilay at bakas ang pagkapika sa mukha.

What the hell is that?

A dream? Illusion? Juicecolored! Pinagnanasaan ko ba si Levign?! No hindi no! Never! That's just a part of my wild imagination! Ipinilig ko ang ulo at agad na lumabas ng kwarto niya. Halos tumakbo ako pabalik ng kwarto diretso sa cr.

Agad akong naghilamos upang mahimasmasan ako.

Dammit! Fley, anong kagaguhan ang pumasok sa isip mo at naimagine mo ang sarili mo na gumagawa ng kahalayan kasama si Levign? Naisandig ko ang ulo sa pader matapos kong maupo sa sahig.

Nakakahiya! Paano kung naisipan ni Levign na basahin ang nasa isip ko?!
Lord naman! I want to evaporate now. Naalala ko bigla si Froi. Mas lalo tuloy akong naguilty. Dapat siguro mag sorry ako sa kanya.

Nanlalata akong tumayo at padapang humilata sa kama ko.

----------------------

Nagising ako sa kalam ng sikmura ko. Madilim na ang buong paligid. Nakatulog pala ako. Hindi ako nag abalang buksan ang ilaw at lumabas na agad ng kwarto. Nagugutom ako. Baka sakaling nagluto sila sa baba. Madilim din ang buong kabahayan. Hindi ko alam kung anong oras na, himala at wala ang mga pinsan kong pagala gala.

Pababa na sana ako ng hagdan ng makarinig ako ng mahihinang boses. Animo mga bumubulong. Huminto ako sa paglalakad at huminga ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko. Mga bampira ang mga tao dito. Madali nilang malalaman na may tao sa paligid.

Pero minsan nabanggit sa akin ni Froi. Totoong malakas ang pakiramdam nila kung may tao sa paligid o wala. Pero hindi daw dahil iyon sa yabag o presensia ng nasa paligid nito.

Kundi dahil sa tibok ng puso nito.

Madali nilang nararamdan kung may tao sa paligid, dahil sa lakas ng lagabog ng dibdib nito. Sa lakas ng tibok ng puso nito. Kaya naman kung kalmado kalang na gagalaw sa paligid maliit ang tsansa na maramdaman ka nila.

"Do you really think it's right to bring, Fley on the Banquet?" Boses iyon ni Tobi. Kaya pala wala na sila sa sala. Mga gising na pala.

"Why? Is it wrong to bring her on the Banquet?" Si Kyohen ang sumagot.

Tss... Mabuti pa si Tobi nagets ako. Heler? Puro kaya mga bampira ang nandoon. Tapos magsasama sila ng tao?

"She's a Vaskerville. A Royalty."

"Exactly, that's what I'm saying. She's a Royalty. Meaning to say, the Fanella, and the Kirashiki will be there. You know it minsan we can't even handle the La Cruix, then those two Pureblooded Clan will be attending too?"

Nagsalubong ang kilay ko. So what's with the Kirashiki and Fanella? The last time I met them, 14 years old lang ata ako. I met Kassiel Kirashiki and Maven Fanella.

Umupo ako sa baitang ng hagdan.

"We really can't say no to the Elders, Tobi." Nakagat ko ang ibabang labi ng marinig ang boses ni Froi. "Have you forgotten. It's the Empress Death Anniversary too."

Natahimik silang bigla. Empress? Who the fvck is that Empress.

"Yah, the Empress of the Eisen Gremory. And the Tragedy of Rima Ezra."

Wait. Wait times up. Hindi na ako maka relate.

"Eisen Gremory was the only Vampire Clan that came from the Bloodline of  Ancient Times." Muntik na akong mapasigaw ng marinig ang boses ni Jibrill sa gilid ko. "Kung tayo we are called Purebloods. Eisen Gremory bloodline came from the Mystique Bloods."

Angelic Demonic (HIATUS)Where stories live. Discover now