Prolouge

225 18 0
                                    

5 Yrs Ago
"Congrats Miss Gonzales, Your 3 weeks Pregnant" naka ngiting balita ni Dc. Smith sa akin.

Hindi ko mapigilang maiyak sa tuwa. Magkakaanak na kami. Excited na akong ibalita ito sakanya. Ngunit hindi rin maalis sakin ang takot. Takot sa maaaring mangyari.

Nagpaalam na ako kay doctora at umalis. Bumili muna ako ng pagkain bago nagtungo sa Opisina niya. Hindi mapawi ang ngiti sa aking muka habang naglalakad ako sa hallway

Lahat ng nagdadaanan ko ay binati ako.

"Good afternoon Ma'am" Bati sakin ni Blaire, Secretary ni Drexle ng nakita niya ako. Isang ngiti lamang anv iginanti ko rito

Bumuntong hininga ako. Excited ako na ibalita sa kanya ang good news ngunit kinakabahan rin ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan.

Na pinagsisihan ko. Sana hindi ko nalang binuksan ang pintuan

Third Person POV

Pagkabukas ni Arline ng pintuan bumungad sa kanya ang hindi kaaya ayang situation.

Ang kaninang matamis na ngiti sa kanyang labi ay unti unting naglaho nang makita niya ang kaniyang boyfriend na may kahalikan na iba.

Nagsimulang magpagsakan ang kanyang mga luha. Pati ang hawak nito na pagkain ay nahulog sa sahig na nagdulot ng ingay

napahinto naman ang dalawang naghahalikan at napabaling ang tingin sa direksyon ni Arine

"Arline" walang emosyong sambit ni Drexle. Muling nanikip ang dibdib ni Arine sa tinuran ng kanyang boyfriend. na para bang walang nangyari.

"Anong ibig sabihin nito Drex?" mautal utal at mahinang tanong ni Arline habang umiiyak parin. bumaling ang tingin niya sa babaeng kahalikan ni Drexle. Nakaupo na ito at parang nanonood lang ng isang teleserye.

"hindi mo ba napapansin Arline. Nagsasawa na ako sa relasyon natin. Actually I'm thinking of breaking up with you" diretsong sagot nito. Halos gumuho ang mundo ni Arline sa narinig nito.

Nakatulala lamang ito, walang tigil ang pag iyak niya habang nakatingin parin ng deritso. Naghihintay siya na babawiin ng kanyang boyfriend ang sinabi.

"hindi totoo yan. Nagbibiro ka lang diba" mahinang aniya ni Arline ngunit sapat na para marinig ito ni Drexle. bahagyang natawa naman si drexle

"Arline! hindi ako nagbibiro. Sawa na ako sa relasyon natin. kaya umalis ka na" seryosong aniya ni Drexle"Umalis ka na Arline, hindi na kita kailangan" dagdag nito

Lalong umagos ang iyak nito. Hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Drexle.

Hindi niya kinaya ang sakit at pagkahiya. unti unti itong humakbang palikod habang nakikipagtitigan kay Drexle. Si Arline ang unang umiwas ng tingin. Tumalikod ito saka tumakbo palayo sa taong pinakamamahal niya na siya ring nagdulot ng sobrang sakit

-----------------------------------------

Second ChanceWhere stories live. Discover now