Chapter 5

136 23 4
                                    

Third Person POV

Umuwi si Arline na matamlay, mababakas ang lungkot sa mga mata nito. Napansin naman ito ni Steff nang pimasok sa bahay si Arline

"Ate? ayos ka lang?" nagaalalang tanong ni Steff kay Arline. Tumango lang si Arline kay steff bilang sagot saka umupo. Kumuha naman si Steff ng tubig at ibinigay ito kay Arline.

"salamat" pasasalamat niya bago ininom ang tubig

"Ate? Anong nangyari" tanong ulit ni Steff. Yumuko naman si Arline ng maalala ulit ang nangyari kanina.

"Wala yun Steff, nga pala salamat at palagi kang nandito para bantayan ang kambal" Ngumiti si arline sa kanya. Ngumiti lang rin si Steff

"Wala yun ate hindi na kayo iba sa akin" magsasalita pa sana ulit ito ng tumunog ang cellphone niya.

"Excuse me lang ate, sasagutin ko lang po ito" tumango naman si Arline

Linabas ni Arline ang calling card na binigay ni Mr. Makki sakanya

Nagdadalawang isip ito kung tatanggapin niya ba ang alok nito. Iniisip niya ang kambal. Walang magbabantay sa mga ito. Dahil sa lahat ng kapit bahay nila o kalapit bahay ay si Steff lang ang nagvovolunter na magbantay sa mga ito. Hindi nito gaano kaclose ang mga taga baranggay nila. Tanging sila Steff at Aling pat lang ang madalas niya kausap. Well include ung tindera.

Habang nasa malalim na pag iisip si Arline ay naalala nito ang perang binigay sakanila ni James bago ito umalis.

Tumayo ito upang kunin ang pera na binigay ni James. Tinago niya ito dahil gagamitin niya lang ito kung may emergency. Tinitipid rin nila ang huling grocery na binigay ni James sakanila.

Binuksan niya ang isang box na naglalaman ng 20 thousand. Kumuha ito ng 10 thousand isinama ang huling sweldo nito

" Ayos na siguro ito. Makakapagtayo ako ng kahit munting tindahan" anya niya sa sarili.

Nag-ayos at naghanda para matulog. Binalik na muna nito ang box sa kinalalagyan nito bago nagtungo sa kama at tinabihan ang mga bata.

--------------------
Arline POV

Nagising ako sa mga ingay. Minulat ko ang mga mata ko

Napabalikwas ako ng makita kung ang gulo ng kwarto. nagkalat ang mga damit papel at nakabukas ang mga kabinet nila. Kinabahan ako sa isipang nilooban kami ng magnanakaw

Kinuha ko ang Stick na nasa ilalim ng kama saka mabilis na nagtungo sa kusina

Nadatnan ko roon ang mga lalaking natatakpan ang kalahating muka. Buhat buhat ng isa ang tv namin

"MAG-----" Bago pa man ako makasigaw ay nakaramdam ako ng pananakit ng tyan ko. Sa lakas ng suntok ng lalaki ay napahiga ako sa sakit.

Hindi pa ito nakuntento at sinipa ako. Napadaing ako sa sakit.

"Mommy" mas lalo akong nakabahan ng marinig ko ang boses ni Drexler. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ng nakabukas na ito. Nakatayo roon sina Drexler at Drexie. Bakas ang takot sa mga mata nila ng makita ang mga lalaki.

Pilit akong tumayo at naglakad papunta sakanilang dalawa. ng mapansin ko ang paglapit ng lalaki sa kinaroroonan nila.

"Pumasok kayo sa kwarto at magtago" bulong ko sa dalawa. mabuti at sinunod nila agad ang sinabi ko

Hinila ng lalaki ang buhok ko saka hinawakan niya ang muka ko ng mahigpit
"Ang ganda mo" Nakangising sabi nito. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Hindi ko alam ang gagawin ko ang tanging nasa isip ko ay ang maprotektahan ang anak ko.

Gusto kong pumalag pero nanghihina ako dahil sa suntok na natanggap ko kanina.

"Boss" tawag ng isa sa kasamahan nito "Share naman dyan" nakangising dagdag niya

"Walang makikialam akin lang to. magbantay nalang kayo dyan " tinignan niya ng masama ang lalaking nagsalita

Nanginginig ang buong katawan ko sa sinabi nito. Sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon

Napadaing ulit ako ng hilain niya ulit ang buhok ko. Sinimulan nito akong halikan sinubukan kong oumalag pero isang malakas na sampal ang natanggap ko

Kinaladkad niya ako papasok sa kwarto namin. Nakita ko sila Drexie sa sulok ng kwarto. Umiiyak ang mga ito.

Marahas naman akong tinapon ng lalaki sa kama. Hindi ko mapigilang umiiyak dahil sa sakit.

Mas lalo akong napaiyak ng punitin nito ang aking damit. Rinig na rinig ko rin ang iyak ng mga anak ko na siyang nakadagdag ng sakit saakin. Ayaw ko makita nila ang ito.

Napasigaw ako ng maramdaman ko ang paghalik nito saakin

"Parang awa mo na! Wag maawa ka saamin" pagmamakaawa ko. ngunit para itong bingi na walang marinig
tuloy parin ito sa paghalik saakin

Umangat ang halik nito sa aking labi. pilit kong iniiwas ang aking ulo. Inipon ko ang lahat ng natitira kong lakas at sinubukan ulit magpumiglas at sinipa ito ngunit nabigo ulit ako sa dahil na rin sa nanghihina ako at masyado siyang malakas

Dahil sa galit ng lalaki sa ginawa ko ay sinuntom nanaman ako nito sa sikmura sa pagkakataongnito ay unti unti akong nawalan ng malay

"Mommy" rinig kong sigaw ng dalawa habang umiiyak bago ako tuluyang mawalan ng malay.

to be continued

----------------------------
Short Ud

Enjoy Reading

-Nyxx_O

Second ChanceWhere stories live. Discover now