Chapter 6

118 25 1
                                    

Third Person POV

Isang malakas na suntok ang natanggap ni Zach pagkalabas ng lalaki sa kwarto ni Arline. Napaupo ito sa sahig, Tumayo ito sa pagkakaupo ngunit isang suntok ulit ang tumama sa kanyang muka nito. Hindi ito naglaban dahil naiintindihan at nauunawaan nito kung bakit ito nagagalit sakanya

Hinila ng lalaki ang kwelyo ng damit ni Zach at pinatayo

" What the hell are you doing Zach! I told you to protect them tapos may nangyaring ganito" galit na sigaw nito kay Zach, mababakas rin sa boses nito ang pagkadismaya sakanya dahil sa pagpapabaya nito

" I'm sorry boss " paghingi nito ng tawad. Pabalyang binitawan ng lalaki ang kwelyo nito

" Im very disappointed on you Zach" napayuko naman si Zach at hindi na nagsalita, inaamin niya na naging pabaya siya sa kanyang tungkulin.

" Im giving you a second chance Zach! do your job properlu. Ayaw kong mabalitaan na may nangyari nanamang ganito" Seryosong utos ng lalaki

"Masusunod boss, hindi ko kayo bibiguin sa pagkakataong ito" aniya hindi ito pinansin ng lalake at nagsimula ng mag lakad paalis

" Btw gawin mo ang nararapat sa kanila" utos nito bago tuluyang umalis.

Pumasok si Zach sa kwarto ng kambal, magkasama silang ang kambal sa iisang kwarto habang nasa isang kwarto naman si Arline

Pinagmasdan niya ang dalawa habang mahimbing ang tulog. Hindi nito maiwasang maawa sakanila mas lalo na sa kambal. Sa murang edad ay nakaranas sila ng ganong sitwasyon.

Flashback

Nagising si Zach sa kaniyang pagtulog, ang plano nitong pag iidlip lamang ay napunta sa pagtulog ng 2 na oras. Pagkagising nito ay may napansin siyang kakaiba sa bahay nila Arline. Nakabukas ang pinto at may naaninag siyang isang lalaki na papasok sa loob bahay.

napaayos siya ng upo sa kanyang sasakyan. kinuha niya ang kanyang baril at kinabit ang silencer nito. tinawagan niya muna si Makki bago ito lumabas at nagtungo sa bahay, tama ang hinala nito dahil may 3 lalaki ang nasa loob, nakamaskara ang mga ito. Dahan dahan namang pumasok sa loob si Zach, ni isa sa mga lalaki ay walang nakapansin sa kanya.

Agad namang sinugod ni Zach ang mga ito, Pinalo ni Zach ang isang lalaki gamit ang kanyang baril at binaril naman ang natitirang lalaki. agad naman itong nagtungo sa kwarto ng mag-iina at naabutan niya roon si Drexie habang hawak hawak ang braso ng kambal na nagdurugo.

Agad niya namang pinaputukan ang lalaki

"Ahhhh" sigaw ng lalaki habang nakahawak sa kanyang binti. akmang kukunin nito ang kanyang baril ng barilin ulit ni Zach ang kanyang kamay. napahiyaw ulit ito sa sakit.

Sakto naman ang dating nila Makki na may kasamang ilang mga kalalakihan. Agad nilang lininisan ang bahay at dinakip nila ang dalawang lalaking buhay. Sinugod naman sa Hospital ang magiina sa hospital. Mabuti nalang at wala masyadong silang masyadong natamo. except for Drexler na nadaplisan ang kanyang braso.

End Flashback

Tinignan uli ni Zach ang mga bata bago ito lumabas.

Naabutan ni Zach si Makki sa labas ng kwarto. Nagtungo ang mga ito sa garden ng hospital

"Sasabihin ba natin kay Drexle ang nagyari?" tanong sakanya ni Makki

"Mas mabuti atta kung itatago na muna natin ito sa kanya, marami nang problema ang lokong yon sa Org." Sagot nito saka naglabas ng yosi

"Pero alam nating malalaman at malalaman niya ang tungkol dito at ang tungkol sa mga anak niya. Hanggang kailan niyo ba balak itago ito sakanya?"

"Hayaan nalang nating ang destiny ang magpasiya"

"Putek tol! naniniwala ka sa mga ganyang bagay" natatawang asar nito kay Zach. Isang masamang tingin lang ang sinagot sa kanya ni Zach kaya lalo itong napatawa

----------------------------------------------------------

Arline POV

Unti unti kong minulat ang mata ko, nilibot ko ang aking paningin. Puti. Napagtanto ko na nasa hospital. ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko.

Ng maalala ko ang nangyari ay agad akong napaupo napahiga rin ulit ako

"Ahhhhh" daing ko ng makaramdam ako ng sakit.

Napabaling naman ang tingin ko sa pinto ng bumukas ito. Isang estrangherong lalaki ang pumasok.

"Sino ka?" kinakabahang tanong ko sa kapapasok na lalaki. tinignan lang ako nito

"Nasaan ang mga anak ko?" Tanong ko, kinakabahan ako, hindi ko mapigilang mag alala para sa mga anak ko, pano kung napahamak sila. hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mangyari man iyon.

"Huwag kang mag alala, walang nangyaring masama sa kanila. Nasa kabilang kwarto lang sila. Since gising na rin naman sila, maaari ko silang tawagin para maibsan ang pag-aalala mo" aniya nito at tumalikod.

Bago pa man ito tuluyang makalabas ay tinawag ko ito

"Mister" napatigil naman ito " Maraming Salamat, salamat" hindi ito lumingon o tumingin man lang ngunit nakita ko ang unting pag tango nito bago tuluyang lumabas

Wala pang 5 minuto ay narinig ko ang tinig ng aking mga anghel. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong ko sa kanila.

Napansin ko naman ang bandage sa braso ni Drexler. marahan ko itong hinaplos

"Anong nangyari dito?" tanong ko sakanya. Umiiwas lang ito ng tingin

"Nung nawalan ka ng malay Drexler attack the bad guy, then the bad guy the linabas ng bad guy ung knife niya at sinugatan si Drexler" Maiyak iyak na kwento ni Drexie saakin.

Niyakap ko ulit sila, sa pagkakataong ito ay napaiyak na ako. Kailan man hindi ko ginustong mapunta sila o masaksihan man lang ang ganung sitwasyon. Hindi ko kakayanin na mawala ang isa sakanila sa akin. Sila ang dahilan kung ba't pinagpapatuloy ko pa ang buhay ko hanggang ngayon.

Kumalas naman ang dalawa sa pagkakayakap ko. naramdaman ko ang kamay ni Drexler sa aking muka. pinunasan nito ang mga luha ko

" Mommy! dont cry please, i dont want to see you crying. Im okay na" aniya "and i Promise to my self that i will protect you and Drexie to bad guys" Seryosong sabi nito, napangiti ako ng maalala ko si Drexle sa kanya, kuhang kuha nito ang kanyang ama.

" eh? you got wounds nga eh" pambabara naman ng kambal nito.

" kahit na the important thing is maprotektahan ko kayo " nakangiting sagit nito.

"yieehh" tuwang tuwang yinakap ni Drexie ang kanyang kambal. natawa naman ako sa naging reaction ni Drexler namula ang mga tenga nito. isang tipid na ngiti ang lumabas sa labi ko ng maalala ko si Drexle namumula ang tenga nito kapag nahihiya, o kinikilig ito.

"but promise me also that you will protect yourselves okay, Mommy will be so sad if something bad happen to the two of you" aniya ko sa kanila, Tumango naman ang dalawa saka ngumiti

Ikakamatay ko kung mawala man kayo saakin

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Enjoy Reading

-Nyxx_O

Second ChanceWhere stories live. Discover now