Chapter 2

152 19 0
                                    

Arline POV


"Mommy, san si tito?" Napabaling ang tingin ko kay Drexler ng magtanong ito. Nagbabalat ako ng patatas habang pinapanood niya ako, si Drexie naman ay nakikipaglaro sa mga bata sa labas

"Hindi makakapunta ang tito James niyo ngayon, May gagawin siyang importante. Wala akong gagawin gusto niyo mamasyal tayo" nakangiting sabi ko sa kanya, Ngumiti naman ito at mabilis na tumango

" Tawagin mo ang si Drexie sa labas para maaga tayong aalis" utos ko rito mabilis naman itong bumaba sa upuan at tumakbo palabas. Walang pang 5 minuto ay tumatakbo na ang mga ito sa papasok ng bahay. Nagluto na ako ng makakain na rin kami

Pagkatapos namin kumain ay pinaliguan at inayusan ko na ang kambal, saka rin ako naligo at nag ayos. Pagkatapos ko ay naghanda na kaming umalis nang biglang dumating si James. Nagulat ako sa pagdating nito dahil nagpaalam siya na hindi siya makakapunta ngayon

"titoo" tumakbo ang kambal para yakapin si James. Pilit naman itong ngumiti, Mukang may problema ang ugok. 

"tito sama ka saamin mamamasyal kami?" pasayang paanyaya ni Drexie kay James, napatingin naman sakin si James, tinanguhan ko siya, binaling niya ulit ang tingin kay Drexie 

"cge ba. buti dinala ko ang sasakyan ko"

Lumabas na kami sa bahay at nandun nga ung sasakyan niya.

Sumakay na kami nasa likod ang dalawa.

"James" mahinang tawag ko rito napatingin ito saakin saka ulit binaling sa kalsada ang atensyon

"Ayos ka lang ba?" tanong ko rito, sa itsura niya kasi ngayon ay parang may problema siya. Hindi ko alam na narinig pala ng kambal 

"Are you sick tito?" nag aalalang tanong ni Drexie kay James

"are you okay tito?" tanong rin ni Drexler . Ngumiti naman si James sakanila bago nagsallita

"Im okay kids! by the way where are we going?" pagiiba nito ng topic. nagkatinginan ang kambal. Mukang alam ko na kung ano iniisip ng dalawang ito

"MALL" sabay nilang sigaw. Natawa kami ni James sa ginawa nila. These two are really cute 

Hindi parin mawala sa isip ko na may problema si James. Nag aalala sakanya. James is important to me. Siya ang tumulong saakin sa mga panahon na nangangailangan ako ng tulong. Si James na rin ang tumatayong ama sa kambal.

I met him 2 years ago. Naalala ko pa buwan ng Augusto iyon, Sobrang lakas ng ulan , nagkasakit si Drexler sobrang taas ng lagnat niya, walang wala ako nun isang daan lang ang perang natitira sa wallet ko, Wala akong mapaghiraman ng pera sa lugar namin, dahil hindi pa binibigay ng Manager namin ang  sweldo ko, wala ring nagpatutor sa buwan na yun kaya wala talaga. Iniwan ko si Drexie sa kapitbahay namin saka ko sinugod  sa ospital si Drexle ngunit hindi nila kami tinananggap dahil sa wala kaming pangbayad. nagmakaawa ako sa kanila ngunit tinaboy nila kami. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na un. Natataranta ako habang buhat buhat ko ang naginginig na Drexler. Naiiyak ako sa gabing yun, wala akong magawa. 

and 

The time when i was about to loss my hopes, he came, James came and saves us. Nang dahil sa kanya na nagamot si Drexler.

Kinabukasan nun, Humingi ng tawad si James, nung una nagtaka ako kung ba't ito humihingi ng tawad, pero nung sinabi niya na siya ang may ari nang hospital na tinutuluyan namin.

Humingi siya ng pasensya sa tinuran ng kanyang mga doctor. Simula nung araw na yun ay naging kaibigan ko si James, nagkacrush nga ako sa kanya pero kagaya ng manager, na kaibigan niya, namin baklush rin pala ang lalaking yun. Ang pinagkaiba lang nila ay lalaking lalaki ang kilos ni James hindi mo ito mapaghihinalaang bakla.

Naging malapit na rin si James sa Kambal, palagi na nga itong tumatambay sa bahay minsan nga dun na siya natutulog. Siya ang tumatayong ama amahan sa dalawa. 

Meron nga isang araw nag alok siya na sa kanila nalang kami tumuloy since mag isa lang naman daw siya dun. Para rin daw sa kambal. Ngunit tumangi ako, nakakahiya na. Andami niya nang tinulong saamin. at kahit naman papano may hiya rin ako. Ayos na rin ang maliit na bahay na inupahan namin ngaun

Hindi ko namalayan nasa mall na pala kami. Nagtungo kami sa 4th floow dahil andun ung Arcade. 

Lahat na atta ng laro sa Arcade ay nalaro namin, syempre dahil andito si James siya ang nagbayad. Nang naagod ako ay nagpahinga muna ako. Umupo ako sa hindi kalayuan sakanila.

Pinagmamasdan ko sila habang masaya silang naglalaro. Mukang kahit papano ay nalimutan ni James ang problema niya. Tatanungin ko pa pala si James kung anong problema niya.

Mukang pagod na ang kambal dahil nag aya na ang mga itong umuwi. Nagtake out muna si James ng pagkain sa Jollibee, balak sana naming kumain doon pero mukang antok na ang dalawa kaya nagpasya kaming mag take out nalang.

Nagpaalam akong magccr muna ako at mauna na sila sa parking lot. Naiiihi na talaga ako.


Naglalakad na ako pabalik ng may makita akong nakadisplay na damit sa department store. Pumasok ako para tignan ito, isa itong damit para sa boy and girl na twins. Ang cute ng shirt, isang pink at blue shirt na my nakasulat na "He's my twin" "She's my twin". Ngunit nanlumo ako sa presyon nito 600 ang isang pair, linabas ko ang walet ko at saktong 600 rin lang natitira kong pera. Binalik ko sa rack ung damit. Pag nakaluwag luwag ako babalikan ko ang damit nato kung andito pa

Tinignan ko ulit ung damit saka nagsimulang magpalakad palabas.

Linabas ko ang cellphone ko nung ng vibrate ito

Baklang James:

 Asan ka na?

to: Baklang James
 Pababa na ako may dinaanan lang

Pagkasend ko ay binalik ko na sa bulsa ang cellphone ko. 

Napatigil ako sa paglalakad ng maiangat ko ang aking ulo

Natuod ako sa kinakatayuan ko, hindi ako makagalaw. 

Deritso lang ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon

ang lalaking lubos kong minahal

ang lalaking nagdulot saakin ng sobrang sakit

"Drexle"

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Enjoy Reading :)

-Nyxx

Second ChanceWhere stories live. Discover now