Chapter 12

114 16 0
                                    

Third Person POV

"Arline Gonzales" banggit ng isang lalaki habang pinagmamasdan ang mga litrato na nakalapag sa mesa nito, bakas na boses nito ang kasiyahan

"Anong plinaplano mo kuya? Inosente si ate Arline at ang kambal, huwag mo silang idamay dito" aniya ng babaeng kaharap nito.

"Sis, sila ang susi sa tagumpay ko, tagumpay natin. Sila ang tanging paraan para mapabagsak ko ang Drexle Alcantara na yun" nakangising sambit nito. Hindi niya gusto ang binabalak ng kuya niya dahil kahit papano ay naging malapit na rin ito kay arline atsa kambal.

"But-"

"No Buts little girl, just continue what you're doing" putol ng kuya niya sa kanya. Bumuntong hininga na lamang ito at tumango sa kuya niya

-------------------------------------------------------------
Arline POV

"Ar, sorry na please" andito kami ngayon sa office ni Drex at kanina pa ako kinukulit ng lalaking ito. Kanina pa siya sorry ng sorry dahil sa hindi niya pag uwi kahapon. Bumuntong hininga ako bago siya hinarap

Kanina pa siya sorry ng sorry, habang naggrogrocery kami ay kinukulit niya ako. Himala nga at sumama pa ito sa pag grogrocery.

"Sir, you don't have to say sorry. Wala naman akong sama ng loob sainyo" mahinang sabi ko sakanya dahil sa totoo wala naman talagang akong karapatang maramdaman itong nararamdaman ko dahil trabahador niya lang ako kung tutuusin

"Still babawi ako, come may puputahan tayo" pursigidong sabi nito saka ako hinila palabas ng office niya. May binilin ito sa secretarya niya bago kami tuluyang makaalis.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya nang makasakay kami sa sasakyan nito

"Secret" nakangiting sabi nito, pinaandar na nito ang sasakyan

Hindi ko mapigilang mapatitig sakanya, those beautiful eyes, perfect nose and kissable lips, hindi ko maipapagkailang na sobrang namiss ko siya, ung galit ko sakanya ay unti-unting nawawala and i dont know if its a good thing or what

"I can melt anytime by your stare" sabi nito habang nakatuon parin ang atensyon sa kalsada, agad naman akong umiwas ng tingin.

"by the way Ar, about sa offer ko sayo, its better na manatili ka nalang sa condo, atleast kahit magabian tayo hindi mo na kailangan pang umuwi, masyadong delikado" ito nanaman tayo sa offer niya kuno.

"Look sir, kagaya ng sinabi ko sao kahapon hindi pwede"

Dinig ko ang buntong hininga nito, hindi na ito nagsalita. Mabuti naman dahil seriously ang kulit niya ngayong araw, hindi naman siya ganyan dati ah.

Habang palapit na palapit kami sa pupuntahan naman ay nagiging familiar ang daan na tinatahak namin.Hindi ako pwedeng magkamali papunta ito sa Tahamas

binaling ko kay Drex, but niya ako dinala rito? huling punta ko atta dito ay noong bago ako umuwi sa probinsya 5 years ago.

Bumaba kami ng sasakyan, may kinuha siya sa likod ng sasakyan bago kami naglakad. Kailangan pa naming maglakad papuntang Tahamas dahil walang kalsaada papunta roon.

"Sir" tawag ko sa kanya.

" Ar, stop calling me sir, call me by my name" aniya nito saka pinagpatuloy ang paglalakd. hindi na ako nagsalita at sumunod nalang sakanya

After 10 min ay nakarating na kami sa Tahamas, our paradise. Mukang mas naging maganda pa mas maraming bulaklak ngayon. Malinis na ang talon rito

Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan ito ni Drex

"Bakit mo ako dinala rito?" tanong ko sakanya habang pinapanood ang pag ayos ng tubig sa talon

"Kagaya ng sinabi ko kanina gusto kong makabawi, at para narin makapag relax" Sabi nito tumingin ako sakanya at nakitang nakatingin ito saakin. Ilang dipa lang ang layo ng muka niya saakin

"Ar" mahinang sabi nito tinitigan ko lamang siya habang papalapit ang kanyang muka sa akin.

"Gutom na ako" sabi ko at iniwas ang muka upang hindi matuloy ang balak nito.

"Tara sa dun sa may puno. Andun ang mga pagkain" aya nito saka nagsimulang maglakad sumunod naman ako sakanya

Nagulat ako ng makita ko ang nada may puno. Mukang pinaghandaan niya ito dahil may mga nakahanda ng pagkain

"Pinaghandaan mo talaga ito ah" aniya ko sakanya, isang matamis na ngiti ang sumilay sakanya at tumango. Pansin ko lang madalas siyang ngumiti ngayon ah, nakasinghot atta ng Katol

"Syempre naman boyscout atta to, kain na tayo, linuto ko ang mga paborito mong pagkain"

Umupo na ako saka sinimulang lantakin ang mga pagkain. Sobrang sarap ng pagkain, noon pa man napapabilib na ako sa sarap ng luto nito ang problema katamaran niya. Magluluto lang siya kung sipagin siya pati paggrogrocery once in a blue moon niya lang atta gawin.

"Buti naman sinipag kang magluto" asar ko sa kanya. Tumawa naman ito

"Syempre basta para sayo" sabi nito habang nagtaas baba ang kilay niya. Namula ako sa sinabi nito. Hindi ba ako nagsalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan naming magswimming. May dalang mga damit si Drex. Boyscout nga siya

Napatalikod ako ng biglang maghubad si Drex sa harapan ko

"Anong ginagawa mo" pautal utal na tanong ko

"Magswiswiming tayo dba" inosenteng sabi nito ramdam kong nakangisi ito ngayon

"Doon ka maghubad huwag sa harap ko" sabi ko sakanya. Tumawa lamang ito at rinig ko ang pag alis nito

Humarap ako at wala na siya doon. Nagsimula na rin akong nagtanggal ng damit at nagpalit. Binilhan niya ako ng sando at short yun ang gamit ko ngayon

Nagtungo ako sa talon, nakaupo si drex sa may bato sa gilid ng bato

Dahan dahan akong naglakad palapit sakanya. Napangisi ako ng hindi nito napansin ang presensya ko.
Agad ko naman itong tinulak unfortunately napasama ako sa paghulog sa tubig ng hilain niya ang kamay ko

Nagkatinginan kami ni Drex, saka tumawa. Nagsimula na kaming lumangoy. Naglaro kaming dalawa sa may talon at kung ano ano pang pasimuno nito

Lumipas ang ilang minuto ay napagdesisyonan kong umahon dahil nilalamig narin ako, Nagpalit na ako dahil nanginginig na talaga ako sa lamig. Si Drex naman ay patuloy lang sa paglangoy

Pinagmamasdan ko siya habang abala ito sa paglangoy, hindi ko maiwasang mapaisip, bakit? bakit niya ginagawa ang lahat ng ito? Ano ba talagang pakay mo saakin Drex? Bakit ngayon ka lang nagparamdam?
madaming tanong ang umiikot sa isipan ko ngayon. Hindi ko mapigilang masaktan kapag naaalala ko ang nangyari noon.

Hindi nagtagal ay umahon na rin ito. Kumuha siya ng damit at pumunta sa may bato upang magbihis

Habang hinihintay ito ay nagtungo ako sa likod ng puno na kinalalgyan ng pagkain. Andun ang mga pangalan namin na inukit niya noon. Ngunit may malaking ekis na ito ngayon.

Ito yung ginawa ko noong huling dalaw ko rito. Umagos ang luha saaking mata ng haplusin ko ito.

Nabigla ako nang may yumakap mula sa aking likod. Kahit hindi ko ito tignan alam ko kung sino ito

"Drexle" Bangkit ko sa pangalan ko.

"Magsimula ulit tayo Arlins pangako itatama ko ang pagkakamali ko, please come back to me"
-------------------------------------------------------------

Enjoy Reading~~

Nyxx_O

Second ChanceWhere stories live. Discover now