Chapter 13

115 15 4
                                    

"Mommy Mommy Choc-o" tumatalong sabi ni Drexie habang tinuturo ung Choc-o sa hindi kalayuan. Kumuha kami ng Isang box ng Choc-O. Ito ang paborito ng kambal na inumin. Minsan ito rin ang dahilan ng pag aaway nila.

Nagtungo na kami sa cashier para bayaran ang mha pinamili namin. Nag grogrocery kami ngayon, paubos na rin kasi ang stock namin sa apartment

"Mommy i want Choc-O" Aniya ni Drexler nang makalabas na kami ng Grocery store.

"Later na Drexler" Tumango naman ito

Naglalakad kami palabas sa Mall, Namasyal kami ng mga bata kanina bago kami naggrocery. Nagtatampo kasi ang mga ito dahil nawawalan na ako ng oras sakanila

Isang linggo narin mula nung pagbisita namin ni Drex sa Tahamas. Simula noon hindi ko na siya nakita dahil may kailangan itong ayusin sa Mclington. Ngunit bago ito umalis ay pinigay nito ang paunang sweldo ko, Nagtaka ako dahil wala pa namang isang buwan ang pagtratrabaho ko sakanya ang sabi lang ng sevretarya nito ay Advance salary daw.

Natatakot ako, Natatakot ako na masaktan ulit. Natatakot ako na kapag binuksan ko na
uli ang sarili ko sa kanya ay sasaktan niya nanaman ako. Nagtatalo ang puso't isip ko, Natatakot ako na baka mali ang maging desisyon ko kaya hindi ko siya kinibo sa oras na yun. Nanatili akong tahimik hanggang sa makauwi kami.

Ayon sa secretarya niya ngayon ang balik nito. Sa isang linggong pagkawala nito ay hindi ko maitatangging namiss ko siya.

"Mommy we'll just play there" Turo ni Drexler sa Arcade.

"Kagagaling lang natin dyan kanina ah" nakakunot na tanong ko sa kanilang dalawa

"Please mommy" nagpuppy eyes silang dalawa, Alam talaga ng mga batang ito ang kahinaan ko.

Wala na akong nagawa kung hindi ay tumango. Bumili ako ng tokens nilang dalawa.

Naghintay ako sa may labas ng arcade may bench doon. Habang naghinhintay ako ay biglang may dalawang lalaki ang pinaggitnaan ako. Tatayo na sana ako ng hawakan ng isang lalaki ang braso na nagpakaba saakin

tinignan ko ito, kalahati ng muka nito ay natatakpan ng mask kaya hindi ko makita ang pagmumuka nito

"Anong kailangan niyo sakin?" kinakabahang tanong ko sa kanila. Napa-aray ako ng mas lalong humigpit ang hawak niya saakin

"Ano ba bi-bitawan niyo nga ako" Nauutal na sabi ko sakanila ngunit mukang wala silang narinig dahil tinitigan lamang nila ako

Sisigaw nang bigla silang umalis, nakahinga ako ng maluwag ng umalis ang mga ito, tinignan ko ang kaliwang braso ko, namumula ito dahil aa higpit ng pagkakahawak nung lalaki

Naaninag ko ang dalawang tumatakbo papunta rito, may hawak na maliit na panda bear si Drexler

"Mommy for you" Sabay na sabi nubg kambal at binigay saakin jng panda bear, Ang cute.

" Thank you very much, my angels" Nakangiting pasasalamat ko sakanila at yinakap sila. Kahit papano ay nawala ang kaba ko. Ito pala ang dahilan kung bakit sila bumalik roon

"Welcome mommy, tara na uwi na tayo, im tired" Aniya ni Drexie sumangayon naman ang kambal nito kaya umuwi narin kami

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina, Anong balak ng dalawang yun? Nagpapasalamat ako dahil wala ang kambal nung nagyari yun baka mapahamak pa sila

Nadatnan namin si Steff na nakatayo sa labas ng bahay namin. Mabababakas sa muka nito ang pag-aalala at hindi ito mapakali

"Steff" tawag ko sa kanya ng makalapit kami. Agad naman itong lumapit saamin. Napakunot ako sa inaasal nito

"Hi ate Steff" Bati sa kanya ng kambal. Ngumiti lang ito sa kanila. Naunang pumasok ang mga bata sa loob.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sakanya, Hindi naman ito agad nakasagot. Tumango lamang ito

"Ate! San kayo galing" Sabi nito habang Sinusuri ako

"Sa mall" May bakas ng pagkalito na sagot ko sakanya

"Im glad you're okay, I need to go. Bye" Aniya nito saka mabilis na umalis. Anong nangyayari sa kanya?

Nagkibit balikat na lamang ako bago pumasok sa loob. Ang wierd ni steff ngayon. Nag aalala ako sa kanya baka may problema ito, kakausapin ko nalang siya

Pagpasok ko ng bahay ay sumisigaw yung kambal ng Choc-O. Tinawanan ko ang mga ito at binigyan sila ng tag iisang Choc-O.

Habang naglilinis ako ng bahay ay dumating si Manang joy may dala dalang bulaklak at Chocolate?

"May nagpapabigay sayo" Sabi ni Manang at inabot ung bulaklak at chocolate

"Saakin?" Nagtatakang tanong ko

"Oo may gwapong lalalaking naghahapan sayo kanina, mukang mayaman Arline, ang gara ng sasakyan"

"Nasan na po siya"

"Mukang may importanteng gagawin kasi nag mamadali siya. Naiwan niya yang mga yan dahil sa pagmamadali" Tumango ako at nagpasalamat kay Manang. Nagkwentuhan kami kunti. Andami niyang tanong, tinanong niya ako kung ano ko ung lalaking nagbigay ng bulaklak, which is Drex, sinabi kong Boss ko lamang siya pero hindi ito naniwala. Inaasar pa nga ako nito. Natatawa na lamang ako kay manang, hindi rin nagtagal ay umalis na siya dahil may pupuntahan daw. Nang umalis si manang tinabi ko muna ang bulakalak at chocolate saka pinagpatuloy ko na ang paglilinis

Pagkatapos kong gawin lahat ng kailangan kong gawin ay kinuha ko ang bulaklak. Aaminin ko kinikilig ako

Inamoy ko ang mga bulaklak, ang bango nila. Tumayo ako at kumuha ng vase at linagay doon, Sakto namang pumasok ang magkapatid at tinadtad nanaman ako ng tanong
ni Drexler

"Mommy what's that? Sinu nagbigay niyan? " tanong ni Drexler saakin, si Drexie naman ay sa chocolate dumiritsyo at agad linantakan ito

"From a friend" tipid na sagot ko, Nagtanong pa ito ng ano ano, wala naman akong choice kung hindi ay sagutin siya buti nalang at tumigil na ito ng mapansing halos ubusin na ni Drexie ang mga chocolate

Magaling rin tong batang ito habang abala kami sa Q&A namin ni Drexler busy naman siya sa pagkain

Mag aalas nyebe na ng mapagdesisyonan kong matulog na rin. Dulog na ang kambal kaning 7 dahil may pasok pa ang mga iti bukas

Papasok na sana ako ng kwarto namin ng makarinig ako ng katok. Tumingin ako sa may pinto, Pagbukas ko ng pinto ay wala akong nakitang tao, isang itim na kahon lamang na may pulang rebon ang nandun. Kinuha ko ito linibot ko muna ang paningin ko sa labas baka may maaninag akong tao pero wala akong nakita. Nagkibit balikat na lamang ako saka pumasok sa loob

Sinigurado ko munang nakalock lahat ng bintana at ang pinto. Umupo ako at linapag ang kahon sa Lamesa.

Its Kinda Creepy for me, dahil sa kulay nito. Pagbukas ko ng kahon ay halos mapamura ako sa laman nito

"What the hell is this"

-------------------------------------------------------------

Enjoy Reading

-Nyxx_O

Second ChanceWhere stories live. Discover now