Chapter 11

113 18 0
                                    

-
Maggagabi na pero wala parin si Drexle. Saan kaya sila nagpunta?  Mukang nakalimutan niyang mah taong naghihintay sakanya.

Abala ako ngayon sa paglilinis ng mini Office niya. Medyo makalat dito masyadong madaming papel. Isa isa kong inayos ang nga ito. Balak ko sanang magtapon para naman mabawasan kahit papano ang mga kalat pero naisip ko baka may importante sa mga ito.

Napukaw ng atensyon ko ang isang itim na folder sa may ilalim ng mesa. Mukang nahulog ito.

Yumuko ako para kunin ito.

BlackClaws Org.

"BlackClaws? ano to?" 

Kulay Itim ang Folder na ito. Dahil sa kuryusidad ay binuksan ko ito. Babasahin ko pa sana ang nasa unahang pahina ng tumonog ang cellphone ko.

Linapag ko ito sa table at kinuha yung cellphone ko.

Manang Joy Calling

"Hello po Manang joy"

" Hello hija! Anong oras ka uuwi? hinahanap ka na ng mga bata" tanong nito

"Naku manang! baka po late ko makakauwi, ayos lang po bang kayo muna magpatulog sa kambal" nahihiyang aniya ko.

"Ayos lang hija! ingat ka sa pag uwi ha! marami pa namang crimen ang nangyayari ngayon"

"Sige po, maraming salamat po talaga"

Pagkatapos ng tawag ay nagpasya akong textsan si Drexle kung anong oras ito makakauwi

Habang hinihintay ang reply nito ay inayos ko na ang mga natitirang mga papeles. Saktong pagkatapos ko ay nagvibrate ang cellphone ko

From: Sir Alcantara

I dont know just w8 for me, Maybe ill be there before 10

To: Sir Alcantara

Okay! magluluto ako ng dinner mo

Nagliwaliw muna ako sa sala bago magluto. Nag malapit ng mag 10:00 ay nagluto na ako ng kakainin nito

Pinaghanda ko na rin siya ng mainit na shower. Ganitong ganito ang ginagawa ko sa kanya tuwing galing ito sa trabaho. Hindi ko alam pero kinikilig ako ng walang dahilan

Excited ako sa paguwi nito, hindi rin matago ang ngiti sa aking mga labi. Naaalala ko noon ung mga bagay na ginagawa ko sa kanya

Halos pasado 10 o'clock na pero wala parin siya. Baka natraffic sa daan.

Naghintay ako ng 20 min. pa pero wala parin ito. Nagsimula na akong kabahan baka may nangyari sakanya kaya hindi ito makarating

Dinial ko ang no. nito upang tawagan. Pero hindi ito natuloy ng makatanggap ako ng text mula sa kanya

From: Sir Alcantara

Im sorry, Ar! I cant go home tonight. Pwede ka nang umuwi or better sleep there

Nakadama ako ng lungkot at kirot sa aking puso pero masaya ako na walang nangyari sakanya

inayos ko ang pagkaing nakahanda sa lamesa at linagay sa oven. Baka uuwi siya maya maya

Nagsulat ako ng notes at pinaskil sa ref nito

Kailangan ko ng umalis mag 11 o'clock na. Sana may makita akong sasakyan sa labasan. Medyo maykalayuan kasi paradahan ng jeep dito

Swerte ko kung may daraang jeep sa paglabas ko. Pero minamalas ako ngayon dahil walang kahit taxi man lang, puro private cars.

Naglakad na ako patungo sa paradahan. Sana may jeep pa, Habang naglalakad ay hindi ako mapakali. Feeling ko may sumusunod saakin. Hindi ko alam kung guni guni labg ba ito or ano.

Second ChanceWhere stories live. Discover now