Chapter 2: Meet Kaily "Kyle" Alexandra Ferrer

397 5 0
                                    

Author's Note:

Eto na po ang latest update kay Jian...

Sana magustuhan niyo... >_<

Kyle’s Side

“Haaaa. Sarap ng hangin dito.” Nag- stretch ako ng braso at itinuloy ang pagkuha ng larawan.       Nandito ako sa  Juizaighou sa may Central China.      

The place itself is enchanting. Masyado akong naakit sa nakikita ko kaya kuha ako ng kuha ng magagandang angle ng lugar na ito.      

I’ll be here for two weeks after ako “ipatapon” ng Boss ko na si Hailey Fernandez-Gallejo  na siyang editor ng “The Scene” na siyang nag-assign sa akin bilang photographer. Kasama ko siyempre ang lukaret kong kaibigan na siyang writer ng article na ito na si Queenie Ann Yan.      

Ang “The Scene” magazine ay kilala bilang all around magazine dahil na rin sa iba’t ibang expertise ng mga writers sa Gallejo Publishing Company. Yup. Ang editor namin na “praning” at close friend naming since college na si Hailey ay kasal sa owner ng GPC na si Tyron Gallejo.      

Napag- trip – an ng kasi nitong si Ann na China’s Greatest Treasure ang article niya kaya heto ako kumukaha ng magandang anggulo na babagay sa gusto niya.      

Isa akong freelance photographer at may limang studio na nakakalat sa Metro Manila.      

Namana ko kasi kay Daddy na si Enrico Ferrer ang pagiging mahilig sa photography. Bata pa lang ako ay naging interesado na ako sa mga tanawin na sadyang nakakaakit ng aking pansin.

Nature lover naman ang nanay ko na si Raia Cornejo-Ferrer. Doon sila nagkasundo ng Daddy ko. Kaya siguro eto ang propesyon na napili ko.

“Hoy, Kaily Alexandra, umupo ka nga, mamaya mahulog tayo dito sa bangka. Masira pa ang outfit ko, lagot ka sa akin.” Saway sa akin ni Ann.

    Napapatayo na kasi ako kakakuha ng pictures, umarkila kasi kami ng bangka para makita ang magagandang sceneries sa lake ng Juizhaigou.        

“Alam mo adik ka, alam mo naman na puro bundok at lawa dito, nag- dress ka pa.” Inirapan ko siya saka umupo.        

“Kaysa naman diyan sa suot mo no. Mukha kang tomboy na babae na bakla.” Saka naman ito nagsulat ng kung anu-ano sa notebook nito habang tumitingin sa paligid.        

“Hoy walang ganoon na adjective no! Saka anong masama sa suot ko? Komportable naman ah.” Sabay tingin ko sa pictures na nakuhanan ko.    

  Naka- simpleng jeans at black shirt kasi ako. Eh dito ako masaya eh sabi ng isip ko.      

  Hindi na siya nagsalita pa dahil naka “Queenie Ann mode” na ito. Kapag ganoon kasi hindi na ito makakausap ito dahil dire-diretso na ito sa pagsusulat.  

    I took more shots once again until I felt contented.

Next stop namin ang Heaven Lake sa Changbai Mountain.

Ang ganda rito excited kong tingin sa lugar. Base sa nalaman ko itong Heaven Lake ang pinakamalalim na lawa sa China. Afraid after kong tumingin sa lake.

This time parehas kaming naka- jeans at long sleeves ni Ann, naka- life jacket rin kaming suot in case na may mangyari na di inaasahan sumakay na kami ng boat.

Gamit ang aking camera na nasa leeg ko, agad akong kumuha ng mga litrato. This time pinalitan ko na ito ng lente dahil nagko – contrast na ito gusto kong makuhang anggulo.

“Kaily Alexandra, bakit Business Administration ang kinuha mo nung college tayo?” Tanong sa akin ng katabi ko na si Ann na na puro scribble ang nasa notebook. Eto yata yung tinatawag nilang “Writer’s Block”.

Nakangunot akong tumingin sa ka niya. Journalism kasi ang course nito, at may subjects na naging classmate kami. That time kasi parehas kami na late enrollee kaya naging irregular students kami at dahil pareho kaming “praning” nag-click kami agad.

“Parang natanong mo na iyan sa akin dati ah.” Sabi ko sa kanya.

“Eh, nakalimutan ko na eh.” Sabi nito at nag – scribble ulit.

“Hmm, kasi nga po may family business kami which is the “Picture Perfect” kaya iyon ang kinuha kong course. Dati three lang ang branch noon, then nung ako na ang humawak lumaki na rin siya dahil sa pag-ga- guide sa akin ni Daddy.”  Explain ko rito saka ulit nag- click ng pictures.

Nabo-bored na siguro eto kaya tinatanong ako. ( -_-)

“Strict ba si Tito Enrico?” usisa ulit nito.

“No. Why?” Naguguluhan na talaga ako dito sa babaeng ito. Ganito ba talaga kapag may writer’s block? Halu-halo ang tanong?

“Kasi wala ka pang boyfriend since birth.”

“Ah iyon ba.” Napangiti ako sa sinabi niya.

“Hindi naman strict si Dad, ako nga iyong kinukulit kung bakit wala pa daw akong boyfriend.”

“Eh bakit nga?” This time nakatingin  na sa akin si Ann.

“I’m waiting for someone special. Iyon bang kahit hindi siya perfect guy, iintindihin niya yung mga tantrums ko, gagawin niya lahat mapasaya lang ako. Pero siyempre gusto ko yung kahit wala siyang ginagawa papakiligin ako.” Sabi ko habang nagniningning ang mata ko.

“Hopeless romantic ka pala. Pero alam mo timang ka. Wala pa nga ginagawa yung guy, kikiligin ka agad? Paano kaya iyon.” Itsurang na-wi – weird –uhan sa akin si Ann.

“Ewan ko basta. Huwag mo na akong kulitin. Magsulat ka na nga diyan. Puro drawing ng aso yang notebook mo.” Irap ko sa kanya.

“Hindi ‘yan aso. Oso yan as in Bear.” Giit nito sa akin.

“Whatever.”

Coquillo Brothers: Jian Coquillo - The Indefatigable One (Completed)Where stories live. Discover now