Chapter 12: Flower Effect

223 3 1
                                    

Jian’s Side

Nagpatuloy pa rin ang pagdating ng misteryosong nagpapadala sa akin ng yellow chrysanthemum at pack lunch minsan naman dessert lang. Ganoon pa rin hindi pa rin nagpapakilala ang sender.

Tatlong araw na ang nakararaan mula ng una akong bigyan ako noon.

Kinausap ko na si Kuya Guard na at inalam kung sino ang nagpapadala noon. Naka-record naman sa log book niya kung sino ang nagpapadala noon sa akin. Iba-iba ang ginagamit na delivery service ng misteryosong sender.

Nang tawagan ko ang delivery services na iyon ay hindi rind aw nila alam kung sino dahil hindi naman nagpapakilala ang nagpapa-deliver. Ni hindi rin nila masabi kung anong itsura dahil hindi na naman nila pinagtutuunan ang ganoong bagay. Pero iisa ang sagot nila nung tanungin ko kung anong kasarian ng sender.

Babae.

A woman eh, isip ko habang nakatingin sa bagong palit kong bulaklak na nasa vase na nasa harap ko.

Minsan nga naisip ko na itapon yung bulaklak na iyon kaso hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Hindi ko rin naman magawang ibigay sa mga colleagues kong babae dahil baka bigyan pa nila ng ibang meaning.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko na iyon. Everytime I looked at that yellow flower, it calms me. Pakiramdam ko naiintindihan ako ng sender na iyon.

Para kasing alam niya kung ano nararamdaman ko. Either stress, pressured or yung feeling lang na nami-miss ko Chloe, napapawi ng bulaklak na iyon ang emosyon na hindi ko gusto.

Kahit na naiilang ako dahil nagsisimula na akong asarin ng mga collegues sa subtle na paraan ay hindi ko alam kung bakit parang natutuwa pa ako na dumadating ang bulaklak na iyon. Hindi naman ako babae. Bakit ako natutuwa?

Nagulo ko ang buhok dahil sa frustration.

Kahapon nga, si Kuya Aki ang nagdala sa akin ng bulaklak at paper bag.

“Here, it will helps you relieve your stress.” Ibinaba ni Kuya Aki ang hawak niyang single yellow chrysanthemum sa table ko kasama ang paper bag.

Naabutan kasi ako ni Kuya na nakayuko sa desk, ang dami ko kasing ginawa ng araw na iyon kaya ang gusto ko lang gawin ay magpahinga.

Itunulak ko iyon palayo sa akin. Isa pa kasing nagpapa-stress sa akin ay ang pangangatiyaw ng kapwa ko doctors pati nurses ay ganoon rin.

Kinuha naman niya ang bulaklak at inilagay sa may tubig na vase.

“You shouldn’t do that. Malulungkot ang taong nagpadala sa’yo nito.”

“I didn’t tell her to send me this things, lalo na yang bulaklak na iyan. Nakakainis bakit niya ba ako binibigyan niyan? Ano tingin niya sa akin, bakla?” inis kong sabi.

“Maybe that person likes you a lot. Isa pa nalaman ko na yellow chrysanthemums means secret admirer. Isa pa nagpapadala din siya ng food sa’yo. Kinakain mo naman, bakit ka nagrereklamo?  If you don’t like that, why would you take it on the first place?” sabi niya na nakangiti.

Hindi ako nakasagot doon. Totoo naman kasi eh. Kahit na may bulaklak pa iyong kasama, natutuwa ako na naalala ako ng taong iyon. She cares for me. Parang palagi niyang naiisip kung kumain na ba ako o hindi.

“If it irritates you that much, bakit di mo ipa-ban ang pagpapadala niya dito?” dagdag niyang tanong.

Lalo akong di nakakibo. Bakit nga ba? Hindi ko rin alam kung bakit. Wala akong maibigay na sagot sa tanong niya.

“If she really likes me, bakit di siya nagpapakilala?” tanong ko kay Kuya.

“You told me na babae siya di ba? Malamang nahihiya iyon. Kasi imbes na siya ang binibigyan, ikaw ang pinagbibigyan.” Saka siya tumawa.

“You know what Jian, hayaan mo lang. I can see that this things affect you a lot. Masarap sa feeling na may nagpapahalaga sa’yo. Malay mo, siya na pala ulit ang magpapatibok ng puso mo.”

Hindi ako kumibo. Bigla ko kasing naalala si Chloe.

“Don’t blame yourself for that accident. It’s not your fault. It’s all in the past. Move on. Give yourself a chance to be happy.” He said while looking at me intently.

Give myself a chance to be happy, thinking what Kuya Aki said.

Nakarinig ako ng pagkatok sa office ko. Sinabihan ko naman na pumasok na ang nasa kabilang side ng pinto.

Si Papa.

“So totoo nga ang balitang naririnig ko. Na may nanliligaw sa anak ko.” ngiting asar ni Papa. Nakatingin kasi siya sa bulaklak na naroon.

“So what brings you here Pa?” pag-lilihis ko ng usapan.

Umiling naman siya at sinabi ang dahilan ng pagpunta niya. “There’s a seminar about the new device that will be use in operation. All of the doctors here have an operation this month. Akihiko needs to take care of Nohemi besides his operation this month. I have a tight schedule to tend to. Will you do me a favor hijo? I want you to go to that seminar and be our representative on behalf of CMH.” Mahabang sabi ni Papa.

“Okay, where will it be? Exactly how many weeks and when will be the seminar take place?”

Sinagot naman ako ni Papa. Nagkwentuhan pa kami saglit ni Papa bago siya tumalikod. Binuksan ni Papa ang door knob at bago siya dumiretso ay muli siyang humarap sa akin.

“I hope that this girl will bring back the Jian that gone.” With that saka siya dumiretso ng alis.

Coquillo Brothers: Jian Coquillo - The Indefatigable One (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang